MANLOLOKO

1.3K 6 0
                                    

( Boy's version )

Masamang tao at walang puso.
Ganyan siguro ang tingin niyo sa mga katulad ko.
Sa mga katulad kong pinaglalaruan ang ibang tao.
Pero sana bago niyo ko husgahan, itanong niyo muna kung ano ang aking dahilan.

Wala kayong karapatan para husgahan ako.
Bakit? Sino ba kayo?
Hindi naman kayo ang nasa sitwasyon ko.
Kaya pwede ba? Manahimik na lang kayo.

Tulad ng ibang tao.
Minsan na kong nagmahal at nabigo.
Ngunit ang pagka-bigo na iyon ay dahil sa mapait na dahilan.
Nahulog siya sa ibang tao kaya niya ko iniwan.

Nung mga panahon na iyon labis akong nasasaktan.
At hindi ko din alam kung paano ko siya kakalimutan.
Nangako ako na siya lang ang mamahalin ko.
Kaya kahit alam kong malabo, ang kanyang pagbabalik ay hinintay ko.

Dumaan ang ilang araw at linggo.
Pilit kong ginagamot ang nagdurugo kong puso.
Dumaan ang ilang buwan at taon.
Siya pa rin ang tinitibok ng aking puso hanggang ngayon.

Hanggang sa ako'y nagsawa na.
Ako'y tumigil na sa kakaasang babalik pa siya.
Pinilit kong gumising at tanggapin ang katotohanan.
Sapagkat sa pagpapaka-tanga'y lalo lang akong nasasaktan.

At dahil sa ginawa niyang pang-iiwan.
Natakot na kong magmahal at masaktan.
At doon ko lamang napagtanto.
Na kung ayaw mong masaktan, matuto kang makipaglaro.

Ayoko ng maulit muli ang aking karanasan.
Kaya lahat ng aking nakikilala ay aking pinaglalaruan.
Sa laro ng pag-ibig marami na ang nabigo.
Dahil ang mga nagmamahal ng totoo, ang siyang laging natatalo.

Kung ang tawag niyo dito'y kaduwagan, marahil ay hindi niyo pa naiintindihan.
Nasasabi niyo lamang yan dahil hindi niyo pa iyon nararanasan.
Ang sakit na dulot ng kanyang paglisan...
Ay siya ring dahilan kung bakit marami na kong nasasaktan.

Oo, hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko.
Mahirap man tanggapin ngunit yun ang totoo.
Ang sabi ko noon titigil na ko.
Pero siya'y nanatili sa puso't isip ko.

Tulad niyo at ng ibang mga tao.
Ang mga manlolokong tulad ko ay minsan ng nagmahal ng totoo.
Natatakot lang kaming muling masaktan ang aming puso.
Kaya kahit alam naming mali, kami'y nananakit ng ibang tao.

Pero huwag niyo sana kaming itulad sa iba.
Ang iba dyan ay nangloloko dahil lang sa sariling pagnanasa.
Tandaan niyo sana na sa ating mundo, dalawang uri ang manloloko.
Na may mga manlolokong tulad ko na nasaktan na rin noon ng husto.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now