Dalawang salita, binubuo ng siyam na mga letra.
Isang katagang nagparamdam sakin noon ng saya.
Ito yung sinabi mo sakin na buong puso kong pinaniwalaan.
Pinaniwalaan kita sa paga-akalang yan ang tunay mong nararamdaman.Ngunit... Sadyang na-biktima nanaman ako ng kamalasan.
Sa paglipas ng dalawang taon, may inamin ka na hindi ko inaasahan.
Isang kataga, dalawang salita, siyam na mga letra.
Para sayo... Iyon ay kasinungalingan at biro lang pala.Aaminin ko, hindi kita nahalata.
Masyado kasi akong nagpabulag sa aking nadarama.
Sa ating "relasyon", ako lang pala ang bumubuhat mag-isa.
Kaya pala ganun lang kadali para sayo ang mahulog at magka-gusto sa iba.Natatawa ako sa sarili kong katangahan.
Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan.
Naniwala agad ako sa mga salitang binudburan mo ng asukal.
Naniwala agad ako na TUNAY ang iyong pagmamahal.Magaling kang mag-biro, yan ang isa sa mga nagustuhan ko sayo.
Palaging bumebenta ang mga linyang binibitawan mo.
Ngunit, ngayon ko lang napagtanto na may mga biro din na masakit sa puso.
Pero bakit ganun? Bakit mahal pa rin kita kahit sinaktan mo na ko?Sa lahat ng birong sinabi mo, marahil ay iyan lang ang nagustuhan ko.
Minamahal pa rin kita nang sobra kahit biro na lamang iyon sayo.
Sa ating dalawa, ako lang ang bukod tanging nag-seryoso.
At yun ang dahilan kung bakit nasaktan nang husto ang aking puso.Mahirap man, mas pinili ko na ika'y kalimutan.
Dahil kapag patuloy pa kong umasa, lalo lang akong masasaktan.
Hindi na mahalaga kung i-kuwento mo sa kanila na "sinukuan" kita.
Ang mahalaga'y hindi PEKE ang aking nadadama pati na rin ang mga luha.Dalawang salita lang, ngunit napaka-lakas ng epekto.
Sinong mag-aakalang isang kataga lang pala ang babasag sa aking pagkatao?
Isang makahulugang kataga na ginawa mo lamang biro.
Biro na pinaniwalaan nang lubos ng umiibig kong puso.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Thơ ca(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...