Pagpapakilala Ng May-Akda

4.2K 4 0
                                    

(Requested by sheenatutoh
Hi!! Since you weren't able to answer my questions a few days ago regarding the topic that you've requested, I made this piece based on my own interpretation. Tungkol po sa "sarili" ko, so Taglish na this! AHAHAHA!)
~~~~~~~~~~~~
Title: Pagpapakilala Ng May-Akda
Writer: OtakuZone

Hello! Kamusta? Marahil ako'y kilala niyo na.
Hindi iyon malabo sapagkat ako ang may-akda ng inyong binabasa.
Bawat salita, bawat piyesa, ako lamang ang gumawa.
Ang kaisa-isang "OtakuZone", kung tawagin ng bawat mambabasa.

Sa mundo ng Wattpad, iyan ang aking palayaw, mga kaibigan.
Isang palayaw na palaisipan sa iba ang kahulugan.
Subalit, bukod sa aking palayaw, ano pa ang inyong alam?
Ano pa ang inyong alam tungkol sa may-akdang minsan lamang magparamdam?

Hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang aking sarili.
Maglalahad lamang ako ng ilang mga facts tungkol sakin, mga ginoo't binibini.
Bakit hindi lahat? Iyon ay dahil sa ako'y nag-iingat.
Sa mundo ng social media, madaming mga ahas na nangangagat.

*Ehem! Ehem!*

Ako nga pala si Timothy.
Isang boyish na babae, yung tipong everyday happy.
Labing-pitong taon na ang aking edad.
Lumaki ako at nasanay mabuhay dito sa siyudad.

Noong ika-dalawampu't walo ng Agosto, ako'y ipinanganak.
Minsan na rin akong napalo ng sinturon at umiyak.
Hindi rin malakas ang aking resistensya.
Kung kaya't ang aking katawa'y suki ng mga sakit na hindi pangkaraniwan para sa iba.

Ako'y isang masayahing dalaga.
Isang dalaga na parang lalaki kung umasta.
Mula sa pananamit, hanggang sa pag-trato sa mga kababaihan.
Iyan ay isa lamang sa aking mga ugali't katangian.

Hindi ako matangkad, subalit mataas ang aking pangarap.
Marami kasi akong nais makamit sa hinaharap.
Ako yung tipong hindi kaagad nakikipag-kaibigan.
Para sa mga introverts na tulad ko, normal na lamang iyan.

Madami akong hilig at libangan tulad ng iba.
Gumuhit, umawit, sumayaw, at siyempre sumulat ng mga tula.
Mahilig ako kay Doraemon, tulad ni Jeydon.
Ang pinagkaiba lang namin, wala akong koleksiyon. (T-T)

Hindi ako magaling sumayaw subalit ginagawa ko pa din.
Wala lang trip ko lang talagang gawin.
Hindi ako marunong magluto o maglaba.
Gusto kong matuto, pero ayaw nina mama at papa.

Hindi ako prinsesa, sadyang nag-aalala lamang sila.
Sapagkat bawal sakin ang mapagod, di tulad nila.
Ako'y may sakit, subalit hindi ko sasabihin kung ano.
Gusto niyong malaman? Sige pero... Pilitin niyo muna ako. :3

*Wait. Tawa lang ako. Hahahaha! Sige basa kana ulit.*

Malamig akong makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala.
Hindi ako mahilig makipaghalubilo sa iba.
Kahit sa eskuwelahan, mas pipiliin kong maiwanan mag-isa.
Aanhin ko ang mga kaibigan kung puro backstabbers sila?

Nasa ika-labing isang baitang na nga pala ako.
Isang taon nalang, malapit na kong mag-kolehiyo.
Malapit ko nang maranansan ang gumawa ng thesis at mag-OJT.
Subalit kakayanin ko ang lahat ng iyan, basta para sa family!

Siya nga pala, dalawang taon na akong may kasintahan.
Isang lalaki na hindi ko magagawang bitawan.
Ang matatamis na mga tula ay sa kanya ko iniaalay.
Siya ang inspirasyon ko, kaya ang bawat tula ay puno ng kulay.

Bakit ako gumagawa ng mga piyesa?
Iyon ay dahil sa dito ako masaya.
Sa ganitong paraan nailalabas ko ang aking mga nararamdaman.
Dito ko hinahayaang makalabas ang mga salita sa aking isipan.

Hindi pa ako kasing-galing ng ibang mga manunulat at mga manunula.
Gayunpaman, umaasa ako na balang araw mapapabilang din ako sa kanila.
As long as I'm breathing, I will continue dreaming.
For if I stop and give up, my life will lose it's meaning.

Dito na nagtatapos ang aking tula.
Mga ginoo't binibini, maraming salamat sa pagbabasa.
Sana hindi kayo magsawa sa aking mga piyesa.
Maraming salamat muli, ikinagagalak ko kayong makilala.

~~~~~~~~~
P.S.
Hi sa nag-request!! :)
If ever na may mali po, feel free to send me a message or to comment. I won't mind editing it or making a new one. Thanks for reading! :D

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now