Huwag Ka Lang Mawawala

259 7 0
                                    

Ako yung tipo ng babae na hindi madaldal sa ibang tao.
Hindi ko ugaling magkuwento tungkol sa nadadama ko.
Hindi ako mahilig makipag-usap sa kahit na sino.
Siguro, nasanay lang talaga akong maglihim at magtago.

Hindi ako marunong umiyak sa harap ng mga magulang ko.
Nagagawa ko lang iyan kapag mag-isa ako sa kuwarto.
Hindi ako marunong magsabi ng tunay na nadadama ng aking puso.
Nagagawa ko lang iyan sa pamamagitan ng mga tulang nakasulat dito.

Hindi ko kayang sabihin sayo na nalulungkot ako.
Hindi ko kayang ibahagi sayo na nasasaktan na ang aking puso.
Hindi ko kayang sabihin na nagagalit ako sayo.
Hindi ko din alam kung bakit nagagawa ko pa rin ngumiti sa harap mo.

Kahit nalulungkot ako, ngingitian pa din kita.
Kahit nagtatampo ako o nagseselos, nagagawa ko pa rin yakapin ka.
Tikom lang ang bibig ko dahil masakit marinig mula sayo na hindi ako marunong mag-tiwala.
Kaya kahit masakit na, lumalaban pa din ako para sa relasyon nating dalawa.

Ganun ba talaga kapag nagseselos ako sa tuwing may kausap o kasama kang iba?
Ibig sabihin ba nito agad ay wala na kong tiwala?
Hindi ba pwedeng masyado na kong nadala?
Dahil muntikan ka nang mawala  nung mga panahong nagtiwala ako sayo at sa kanila.

Nababawasan man ang aking tiwala, paulit-ulit ko pa rin iyon dinadagdagan.
Kasi ayoko na, ayoko nang maiwan.
Pasensya na kung palagi nalang kitang pinagdududahan.
Pangako pipilitin kong magbago, huwag mo lang akong iwanan.

Mahirap kasing maiwan kapag alam mong ibinigay at ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya.
Habambuhay kang magtatanong kung nagkulang ka ba sa kanya.
Paulit-ulit mong itatanong kung bakit nagawa niya pa rin tuldukan ang istorya niyong dalawa.
Mababaliw ka kakaisip kung bakit iniwan ka pa rin niyang mag-isa.

Pero huwag kang mag-alala, hindi kita susukuan.
Mamahalin pa rin kita kahit paulit-ulit mo pa akong saktan.
Kahit makipag-usap ka sa iba, hindi kita pupunahin o papakialaman.
Para sayo, babaliwalain ko yung lungkot at sakit na aking nararamdaman.

Hindi ako bulag, pero mas pipiliin kong magbulag-bulagan.
Papaniwalain ko ang aking puso na wala akong nalalaman.
Mas pipiliin kong matawag na tanga kaysa ang sukuan ka.
Gagawin ko lahat ng iyan, huwag ka lang mawala.

Martyr na kung martyr, hindi na mahalaga ang sasabihin ng iba.
Kaya kong tiisin lahat ng iyon para sayo, sinta.
Kaya kong ipikit ang aking mga mata sa tuwing may nakikita akong hindi kaaya-aya.
Kaya kong mahalin ka, maubos man ang mga tala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now