Walang Permanente Sa Mundo

335 3 2
                                    

(Requested by: LeilaHermano)

Walang permanente sa mundo.
Masaklap ngunit totoo.
Darating yung araw na lahat ng mga kilala mo, magiging estranghero.
Lahat ng mga iniiwasan mo noon, magiging kaibigan mo.

Mahirap labanan ang takbo ng panahon.
Hindi madaling gawing permanente ang mga bagay na mayroon ka ngayon.
"Kapag gusto, may paraan", iyan ang sinasabi ng karamihan.
Subalit hindi lahat ng kagustuhan ay makakamtan kahit ilang beses mo pa iyan gawan ng paraan.

Parang samahan lang natin iyan.
Isang taon ang limitasyon bago ito matuldukan.
At ngayon, malapit na itong matapos at malapit nang mapalitan.
Dahil parehas tayong hindi sigurado kung tatagal nga ba ang ating pagkakaibigan.

Alam kong masyadong negatibo ang aking pag-iisip.
Maski ang aking puso'y naninikip.
Ang hirap tanggapin na magkakahiwalay na tayo.
Dahil lang sa kadahilanang walang permanente sa mundo.

Ngunit huwag kang mangamba.
Wala mang permanente sa mundo, alam kong mananatili ka.
Hindi sa tabi ko, kundi sa aking mga alaala.
Mga alaala na binuo natin ng magkasama.

Sige, tumakbo ka na.

Habulin mo ang iyong mga pangarap, abutin mo ang mga tala.
Ituloy mo lang ang pagtakbo, huwag kang titigil sa gitna.
Tiwala lang sa sarili ang iyong magiging sandata.
Huwag kang mag-alala, may babalikan ka pa.

Pero, gusto kong mangako ka.

Kapag naabot mo na ang mga tala, muli tayong magkikita.
Ibabahagi natin sa isa't-isa ang mga naipong istorya.
Ang mga pagsubok at kung paano natin nalagpasan ang bawat isa.
Na mula sa ilalim ng karagatan, narito tayo ngayon sa tabi ng mga tala.

Hindi ko ipagkakaila na nalulungkot ako.
Sapagkat magkakahiwalay na tayo at magkakaroon ng sariling mundo.
Mahirap man tanggapin, kailangan kong tatagan ang aking puso.
Darating din ang araw na kung saan ang ating mga landas ay muling magtatagpo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now