Sa bawat umagang dumadating, naiisip kita.
Naglalaro sa aking isipan ang mga alaala nating dalawa.
Mga alaalang puno ng saya at walang bahid ng luha.
Kaya bakit at paano mo ko nagawang iwanan mag-isa?Ano nga ba ang dahilan ng iyong pagbitaw?
Ang iyong dahilan ba'y malalim o mababaw?
Binitawan mo ko, iniwanan sa ere.
At hanggang ngayon ang aking puso't isip ay patuloy pa din sa pagdedebate.Nagdedebate, nagtatalo kung tatanggapin pa ba kita.
Tatanggapin pa ba kita pagkatapos ng iyong ginawa?
Sapat ba na dahilan ang hindi mo iyon sinasadya?
Sa pagitan ng puso't isip, alin kaya ang tama sa dalawa?Hanggang sa tuluyan na akong bumigay.
Bumigay at hinayaan ka na maging parte muli ng aking buhay.
Sinunod at pinakinggan ang sinasabi ng puso.
Hinayaan muli ang sarili na mahulog ang loob sayo.Minahal kita at pinagkatiwalaan nang lubos.
Mainit, nag-aalab ang pag-ibig na aking ibinuhos.
Para bang isang kandila na hinahayaan at maaaring maubos.
Walang sawa mo itong inubos na parang pera ang iyong ginagastos.Tulad ng isang banko, ang puso ko'y nag-sarado.
Nag-sara sapagkat naubos na ang pag-ibig ko para sayo.
Lahat ng mga bagay ay may limitasyon.
Tulad ng pag-ibig ko na inubos mo muli sa pangalawang pagkakataon.At tulad ng sinabi ko, ang puso ay parang banko.
Kusang nagsasara kapag hindi ka marunong mag-deposito.
Marami ka nang utang na hindi nababayaran.
Kaya ang tanong ko sayo, mahal, hanggang kailan?Hanggang kailan mo ko paghihintayin?
Hanggang kailan mo ko papaasahin?
Hanggang kailan mo ko papaikutin?
Hanggang kailan mo ko lolokohin?Kailan mo balak ibalik ang pag-ibig na ibinigay ko?
Pag-ibig na ibinigay ko sa pag-aakalang mahal mo din ako.
Kailan mo balak magpakita at magparamdam?
Kailan? Kapag hindi mo nakukuha ang mga bagay na iyong inaasam?Hanggang kailan nga ba ako magpapaka-tanga?
Hanggang kailan nga ba ako maghihintay sa wala?
Hanggang kailan ka nga ba magsisinungaling?
Hanggang kailan mo ko papaasahin na tutupadin mo ang aking hiniling?Matagal ko nang hiniling sayo na maging tapat ka sa akin.
Bagay na hindi mo nagawang tupadin at gawin.
Nangako ka na magiging tapat ka na.
Pero dinaig mo pa ang mga may utang dahil wala kang isang salita.Hanggang kailan pa ba ako maghihintay, mahal ko?
Kailan mo nga ba mababayaran ang mga utang mo?
Sa isang iglap, napagtanto ko na hindi mo nga pala talaga iyon magagawa.
Sapagkat ang pag-ibig na ibinigay ko sayo ay walang katumbas na halaga.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...