'La

345 3 0
                                    

Sabi nila masarap daw alalahanin ang mga masasayang alaala.
Pero... Bakit nalulungkot at nasasaktan ako kapag naaalala kita?
Minsan, hiniling ko sa mga bituin na sana sagutin mo ko.
Kahit na alam kong hindi mo na magagawang buksan pa ang mga mata mo.

Bakit nga ba ang sakit-sakit pa din?
Bakit hindi iyon magawang tanggapin nang buo ng aking damdamin?
Bakit hinahanap pa din kita kahit na alam ko sa sarili ko na wala ka na?
Normal lang naman ito, hindi ba?

Sinubukan kong ipagpatuloy ang pagiging masaya.
Ginawa ko ang makakaya ko, subalit bumubuhos pa din ang aking mga luha.
Hindi ako ma-lapit sa iyo pero nakaramdam ako ng labis na pangungulila.
Pangungulila at lungkot, nang aking napagtantong hindi na kita muling makikita pa.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now