WALA

2.1K 28 0
                                    

Dito tayo nag-simula.
Dito rin tayo napunta.
Parang isang panaginip na maganda.
Na kapag nagising, naglalaho na parang bula.

Nag-simula tayong masaya.
Natapos sa pagbuhos ng mga luha.
Hindi ko alam kung bakit mo yun ginawa.
Nung tinanong kita, ang sagot mo ay "Wala".

Hindi ko maintindihan.
Iniwan mo ba ko ng walang dahilan?
O sadyang takot ka lang na ito'y aking malaman?
Sana naman, bigyan mo ko ng kasagutan.

Nangako ka sa akin na di mo ko lolokohin.
Nangako ka sa akin na di mo ko papaasahin.
Nagtiwala ako sa mga sinabi mo.
Pero ako'y iyong binigo.

Nang malaman ko ang dahilan mo, mundo ko'y gumuho.
Tiwala ko sayo'y nawarak.
Puso ko'y nabiyak.
At halos walang tigil ang aking pag-iyak.

" Nakahanap na ko ng bago."
Yan ang dahilan mo.
Sinabi mo yan na parang wala lang sayo.
Na parang wala kang pakialam sa mararamdaman ko.

Ang sakit isipin na ipinagpalit mo ko.
Ang hirap tanggapin na nagawa mo sakin ito.
Ako ba'y nagkulang sayo?
May ginawa ba ko na hindi mo gusto?

Binaliwala mo ko.
Binaliwala mo ang lahat ng ginawa ko para sayo.
Binaliwala mo ang pagtulo ng mga luha ko.
Binaliwala mo ang nararamdaman ko para sayo.

At ngayon, heto ako.
Umiiyak habang pinapanood kayo.
Tahimik na pinagmamasdan ang iyong mukha.
At ang iyong mga ngiti kapag kasama mo siya.

Ano bang meron sa kanya?
Ano bang meron siya na sa akin ay wala?
Sa kanya mo ba nakita ang hinahanap mo?
Kaya ba agad niyang nabihag ang iyong puso?

Ang sakit sa mata...

Ang sakit sa mata na makita kang masaya.
Lalo na kung ang dahilan ay hindi ako kundi siya.
Ang hirap makitang masaya ka habang kasama mo siya.
Samantalang ako heto, nag-iisa at nagdurusa.

Aaminin ko, mahal pa rin kita.
At hindi ko matanggap na tayo ay wala na.
Gusto kitang kunin mula sa kanya.
Gusto kong marinig mula sayo na ako'y mahal mo pa.

Subalit lahat ng iyon ay hindi na posible.
Dahil siya na ang dahilan ng iyong mga ngiti.
Wala na ring silbi ang aking hiling.
Hiling na sana'y bumalik ka sa aking piling.

Sobrang sakit ang aking nadadama.
Wala akong maisip na paraan para ito'y mawala.
Alam kong wala na kong halaga sa iyo.
Ngunit hanggang ngayon, hawak mo pa rin ang aking puso.

Sa ating dalawa, ikaw ang unang kumawala.
Kahit labag sa loob ko, ika'y aking pinalaya.
Dahil ramdam kong hindi ka na masaya.
Dahil ramdam kong sa aki'y sawa ka na.

At ngayon heto ako, hinihintay ka.
Tahimik na umiiyak dahil sa pangungulila.
Tahimik na ipinag-darasal na sana bumalik ka na.
Kahit na alam kong nag-hihintay na lang ako sa wala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now