Nang Dahil Sa Pag-ibig

264 2 0
                                        

(Requested by: YourBaeAlways
P.S.
Hello, good day. Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school and applying for college, kaya hindi ko na napagfo-focusan yung pagsusulat ng mga tula. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)

~~~~~~~~~~
"Nang Dahil Sa Pag-ibig"
By: OtakuZone

Kapag nagmahal ka, asahan mong may mga matututunan ka.
Madaming aral na hatid ang pag-ibig, lalo na kung banda dulo sinaktan at ipinagpalit ka lang niya.
Yung ikaw lang ang nahihirapang kalimutan ang relasyon niyong dalawa.
Dahil pinaasa ka lang pala niya at pinaniwala sa mga matatamis na salita.

Tulad ko, madami na kong natutunan.
Mga aral na napulot ko sa bawat luha na aking pinupunasan.
Nang dahil sa pag-ibig, namulat ako sa masaklap na katotohanan.
Katotohanan na pagdating sa pag-ibig, may mga bagay na walang kasiguraduhan.

Obvious ba?

Obvious ba na minsan na kong nasaktan?
Obvious ba na minsan na kong naiwanan?
Obvious ba na naranasan ko na din maiwanang luhaan?
Obvious ba na madami na din akong natutunan?

Masyado bang halata na may pinapatamaan ako sa tulang ito?
Pasensya na, hanggang ngayon kasi nasasaktan pa din ako.
Nasasaktan pa din ako dahil nagmahal ako ng totoo.
Nagkataon lang siguro na ikaw yung piniling mahalin ng aking puso.

Ikaw, na inakala kong tapat at tunay.
Ikaw, na itinuring kong mundo at sentro ng aking buhay.
Ikaw, na mas piniling maglihim at magloko.
Ikaw, na sumuko at binasag ang puso't tiwala ko.

Akala ko kasi ako lang.

Ako lang yung laman ng iyong puso't isipan.
Ako lang yung minamahal mo ng lubusan.
Ako lang yung pipiliin mong makasama kahit gaano pa ka-hirap ang ating pagdadaanan.
Akala ko ikaw na, dahil sayo nanggaling ang mga iyan.

Ganito pala kapag nagmahal ka nang husto.
Pagdating sa pag-ibig, dapat magaling ka makipag-patintero.
Dapat magaling kang umilag upang hindi ka mahulog sa maling tao.
Lahat ng iyan natutunan ko nang dahil sa pagkabigo sa pag-ibig ko sayo.

Paano ko nasabi?

Dahil advance na ko mag-isip, mahal.
Marami akong natutunan mula sa relasyon natin kahit hindi tayo nagtagal.
Ang ikot ng mundo ko'y unti-unting bumabagal.
Nang dahil sa pag-ibig, nawawalan na ko ng gana para muling magmahal.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now