Di ko na alam kung kakayanin ko pa.
Ang sakit at hirap na aking nadarama.
Ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya.
Pero bakit parang di pa rin sapat para sa kanila?Naghahalo ang mga negatibong emosyon sa puso't isip ko.
Hindi ko na rin maintindihan kung bakit nangyayari ito.
Hindi ko magawang hindi iyon isipin.
Hindi ko rin iyon kayang balewalain.Ang mga gradong hindi ko man lang maipasa.
Ang mga pangangailangang matutugunan lamang ng pera.
Ang buhay nami'y di tulad ng buhay ng iba.
Na hayahay, maayos, at masagana.Ano na lang ang iisipin ng ibang mga tao sa akin?
Yan ang naiisip ko kapag nakaharap sa salamin.
Di ko mapigilan ang maiyak.
Dahil sa mga problemang sunud-sunod ang bagsak.Minsan pakiramdam ko isa akong pabigat.
Minsan pakiramdam ko ako'y isang malaking kalat.
Minsan pakiramdam ko wala akong kuwenta.
Minsan pakiramdam ko wala akong silbi sa kanila.Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Paano ako makakabawi sa mga pagkukulang ko?
Ayoko na. Suko na ko.
Gusto ko ng ibuga ang huling hininga ko.Pagod na kong makitang nahihirapan ang mga tao sa buhay ko.
Kaya naisipan kong itigil na lang ito.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.
At saka kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...