BIRO

390 3 0
                                    

"Ang cute mo. Ew. Joke lang! Smile ka na! Bestfriend kita kaya mahal na mahal kita!!!"

Mahal kita... Tama, hindi ako nagbibiro.
Damhin mo at maniwala ka sana sa sinasabi ko.
Oo tama, ikaw lamang ang itinitibok ng aking puso.
Wag mo sanang isipin na hindi iyon totoo.

Ang hindi totoo ay yung may iba akong gusto, ikaw lang ang gusto ko.
Alam kong marami na ang bumasag sa iyong puso.
Ngunit hayaan mo sana akong pulutin ang bawat piraso.
Hayaan mo sana akong buoin at alagaan ito para sayo.

Papatunayan ko sayo na hindi lamang ako magaling magbiro.
Ipapakita ko sayo na kaya ko ring magseryoso.
Hindi ako nagbibiro, mahal ko.
Bigyan mo sana ako ng pagkakataon na patunayan na nagsasabi ako ng totoo.

Wag kang mag-alala, hindi kita pinapaasa.
Hayaan mo sana akong pangitiin ka gamit ang matatamis na salita.
Nais kong pangitiin ka sa tuwing ika'y nalulungkot.
Kaya magbibiro pa rin ako sa tuwing ika'y naka-simangot.

Inuulit ko, hindi ako nagbibiro.
Minamahal kita, yun ang totoo.
Ayokong isipin mo na hindi ako seryoso.
Kung kaya't humihingi ako ng pagkakataong patunayan iyon sa iyo.

Nais kong ako naman ang maging dahilan ng iyong ngiti.
Nais kong ako naman ang mag-pinta ng saya sa iyong mga labi.
Nais kong ako naman ang iyong hahanap-hanapin.
Nais kong ako naman ang iyong ibigin.

Ayaw mo pa rin bang maniwala sa mga sinasabi ko?
Bigyan mo ko ng pagkakataon, at ipapakita ko sayo.
Ipapakita at ipapadama ko kung gaano kita ka-mahal.
Ipaglalaban kita at oo handa akong maging kawal.

Ngunit... Nakalimutan ko, HARI nga pala ang hanap mo.
At hindi isang JOKER na tulad ko.
Para bang isang istorya o di kaya'y laro ng chess at baraha.
Kung saan palaging hari at reyna ang magkasama.

Ngunit kahit na ganun, iniibig pa rin kita.
Iniibig pa rin kita kahit wala akong pag-asa.
Ano pa nga ba ang magagawa ko bukod sa pangarapin ka?
Hanggang dito lang naman ako hindi ba, aking sinta?

Oo na, wag mo nang ipamukha.
Wag mo nang ipamukha na hindi kita makukuha.
Wag mo nang ipamukha na hindi ako ang iyong tipo.
Tanggap ko naman na palabiro lamang ako sa paningin mo.

Sige na tumawa ka na, diyan ka naman magaling diba?
Ang tumawa nang tumawa kahit nasasaktan ka na.
BAKIT BA KASI NAGPAPAKATANGA KA SA KANYA?!!
NANDITO NAMAN AKO NA MINAMAHAL KA AT PINAPASAYA!

Bakit ba kasi siya ang nauna...?
Bakit ba ayaw mong bigyan ang iyong sarili ng halaga...?
Bakit ba hindi nalang ako...?
Bakit ba hindi mo madama na pinapahalagahan at minamahal kita nang buong puso...?

Ang hirap pala magbiro minsan, ano?
Dahil sa ganitong paraan ko lamang naipaparating ang nadadama ko para sayo.
Ang sakit isipin dahil alam kong hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay mo.
Ngunit mas makabubuti siguro ito, ang mahalin ka nang patago sa likod ng mga biro.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now