Unti-unting dumidilim ang kalangitan.
Kasabay nito ang panginginig ng aking katawan.
Ang ihip ng hangi'y palakas nang palakas.
Para bang pinapahiwatig na magpa-Pasko na bukas.Malapit na ang Pasko, mahal ko.
Maaari mo ba kong bigyan ng regalo?
Hindi ko kailangan ng materyal na bagay, pera, o ginto.
Sapagkat, sapat na sakin ang makasama ka dito.Dito. Dito, sa dati nating tagpuan.
Kung saan tayo'y nagka-kilala at nag-sumpaan.
Isinumpa mo sakin noon na hindi mo ko iiwanan.
Isinumpa natin yan sa isa't-isa! Pero bakit mo ko binitawan?Sa darating na Pasko, maaari bang pagbigyan mo ko?
Maaari bang tuparin mo ang iyong ipinangako?
Na sa araw ng Pasko, panonoorin natin ang pagbagsak ng nyebe mula sa kalangitan.
Maaari bang samahan mo ko upang ito'y masaksihan?Kahit ngayon lang... Kahit yan lang, mahal ko.
Sapat na ang pagsang-ayon mo bilang isang regalo.
Wala na kong ibang gusto kundi ang makapiling ka.
Makapiling ka't makasama sa araw ng kapanganakan Niya.Nadadama mo rin ba ang lamig ng ihip ng hangin?
Marahil ay giniginaw at nanginginig ka na din.
Subalit, alam kong siya na ang nagsisilbing kumot mo ngayong gabi.
Nakakainggit... Dahil ako ang nasa lugar niya dati.Ako yung yumayakap sayo sa tuwing malamig ang panahon.
Pero, parte na lamang iyon ng nakaraan ngayon.
Hindi na ako ang nakakapagbigay sayo ng init na nais mo.
Sa halip ay siya na ang yumayakap sayo at humahalik sa iyong noo.Ayokong magtanim ng sama ng loob, lalo na't malapit na ang Pasko.
Kung kaya't hindi ko muna iisipin na may mahal ka nang iba, irog ko.
Kahit ngayong gabi lang, gusto kong maniwala na tayo pa din.
Na ang iyong mga isinumpa ay iyong tutuparin.Mahal, isang araw lang naman ang aking hihingin.
Sa araw ng Pasko, maaari bang ako muna ang pag-tuunan mo ng pansin?
At pagkatapos ng araw na iyon, maaari ka nang bumalik sa kanya.
At ipinapangako ko sayo na hindi na kita guguluhin o gagambalain pa.Malamig ang Pasko, ngayong wala ka na sa piling ko.
Malamig ang Pasko, sapagkat ang puso ko'y nababalot na ng yelo.
Malamig ang Pasko, dahil yung init ng ating pag-iibigan ay nawala na.
Malamig ang Pasko, dahil wala na yung taong nagpaparamdam sakin ng saya.Dinaig na ng lamig na aking nadadama ang temperatura sa Antartica.
Wala nang mas lalamig pa sa Paskong sasalubungin ko nang mag-isa.
Alam kong hindi mo maibibigay ang regalong hinihingi ko mula sayo, sinta.
Dahil hindi mo iiwan yung bago mo para lang sa taong pinag-lumaan mo na.Paskong kay lamig, ang dulot sakin ay panginginig.
Subalit nagsisilbi itong paalala na wala na ang init ng ating pag-ibig.
Pag-ibig na inakala kong magtatagal at hindi maglalaho.
Isang bagay na alam kong hindi maibibigay ni Santo Nicholas bilang regalo.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...