Sa Ayaw at Sa Gusto Mo

412 4 0
                                    

Wala ng intro-intro! Didiretsuhin na kita, mahal ko.
Nais kong malaman mong iniibig kita nang buong puso.
Nais ko rin malaman mong hindi ako
mahilig mag-paalam o mang-hingi ng permiso.
Kaya liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo!

Batid kong may iba nang nakakuha ng atensyon mo.
Ngunit sisiguraduhin kong ako ang makakakuha ng matamis mong "OO".
Di na mahalaga kung nasa dulo ako ng pila.
Ang mahalaga'y maiparating ko sayo ang tunay kong nadarama.

Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakilala ako sa mga magulang mo.
Sa ayaw at sa gusto mo, mananatili ako dito sa tabi mo, mahal ko.
Sa ayaw at sa gusto mo, hindi kita susukuan hangga't kaya ko pa.
Kakayanin ko ito at gagawin ang LAHAT upang mapa-ibig kita.

Ayokong isipin mong pinipilit kitang mahalin ako pabalik.
Ayokong isipin mong ang habol ko lamang sayo ay isang mapusok na halik.
Hindi, huwag mo kong itutulad sa mga gumamit sayo at sinayang ka.
Dahil ang hangad ko lamang ay mapasaya ka sa pamamagitan ng pagtrato sayo nang tama.

Hindi ako perpekto, mas lalong hindi guwapo.
Ang maipagmamalaki ko lamang ay ang pagiging tapat ko sayo.
Hindi ako mayaman, simpleng tao lamang ako.
Simple ngunit mamahalin ka ng higit sa sarili ko at higit pa sa inaakala mo.

Hindi ko maipapangakong susungkitin ko ang mga bituin kapag ako'y sinagot mo.
Hindi ko maipapangakong tatawirin ko ang dagat para sayo.
Dahil hindi ako ganyan mangako, mahal ko.
Paano ko ito matutupad kung malabong mangyari ito?

Para sayo, tatawirin ko ang kalsada papunta sa bahay niyo.
Para sayo, pormal kong ipapakilala ang sarili ko sa mga taong parte ng buhay mo.
Para sayo, haharanahin kita kahit alam kong ako'y sintunado.
Oo, ganyan ako mangako sa taong minamahal ko.

Sa ayaw at sa gusto mo, rerespetuhin kita.
Sa ayaw at sa gusto mo, tratratuhin kita nang tama.
Wag mo kong itulad sa iba na bumibigay sa pagnanasa.
Asahan mong malinis ang aking intensyon, aking sinta.

Ayokong sabihin mong hindi ka karapat-dapat para sa akin.
Dahil sinta, para sayo, ang takbo ng tadhana'y pipilitin kong baguhin.
Anong magagawa mo? Gusto kong makatuluyan ka!
Kaya isusugal ko ang lahat, makasama lang kita!

Asahan mong hindi ako nagbibiro.
Asahan mong nagsasabi ako ng totoo.
Asahan mong hindi ako titigil na iparamdam na iniibig kita.
Kaya pakiusap binibini, tigilan mo na.

Tigilan mo na ang pagtutulak sakin palayo.
Dahil kahit ipatapon mo ko sa ibang planeta, lalapit parin ako sayo.
Tigilan mo na ang pagpapanggap na kaya mong mabuhay nang mag-isa.
Dahil kahit takpan mo pa ng makapal na tela'y nakikita ko pa rin ang lungkot sa iyong mga mata.

Sa ayaw at sa gusto mo tuturuan kita.
Tuturuan kitang ngumiti ng totoo at tumawa.
Tuturuan kitang maramdaman ang saya sa simpleng mga bagay.
Tuturuan kitang maramdaman muli ang saya na dala ng buhay.

Sa ayaw at sa gusto mo, ituturing kitang prinsesa.
Sa ayaw at sa gusto mo, pagsisilbihan kita.
Dahil ang mga tulad mo'y hindi dapat binabaliwala o sinasayang.
Ang mga tulad mo'y karapat-dapat na mahalin nang labis-labis at walang kulang.

Sa ayaw at sa gusto mo, pakikiligin kita.
Gagamit ako ng lapis at papel upang makalikha ng mga tula.
Tula na naglalaman ng kung gaano ka ka-ganda.
Tula na naglalaman ng kung gaano kalalim ang pagmamahal na aking nadadama.

Sisiguraduhin kong paghihirapan kitang makuha.
Gagawin ko ang lahat, mapaibig lang kita.
Kung kailangang dumaan sa butas ng karayom ay gagawin ko.
Mapatunayan ko lamang na ang pag-ibig ko sayo'y totoo.

Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita sa maka-lumang paraan.
Na kung saan ang proseso't mga hakbang ay dinadahan-dahan.
Harana, pagdalaw, pagpapadala ng mga rosas at liham para sa iyo.
Sisiguraduhin kong kapag nahulog ka na, kasing-lalim ito ng nadadama ko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now