Naaalala mo pa ba kung paano ako nagpa-alipin sa iyo?
Naaalala mo pa ba kung paano ako umiyak nang dahil sa ginawa mo? Iniwan mo ko sa ere, naaalala mo pa ba, aking sinta?
Naaalala mo pa ba kung paano mo ko pinagmukhang tanga?
Kumapit ako, ngunit ako'y iyong binitawan.
Lumalaban pa ako, ngunit bigla mo kong sinukuan.
Nanatili ako sa iyong tabi, ngunit ako'y iyong iniwan.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para lang pasayahin ka, ngunit... Iniwan mo pa rin akong luhaan.
Mas inuna kita kesa sa aking mga kaibigan.
Mas inuna kita kesa sa pagpasok sa paaralan .
Mas inuna kita kesa sa sarili ko.
MAS INUNA KITA! Pero... Bakit siya ang pinili mo?
May ginawa kang kasalanan, ika'y aking pinatawad.
Pangalawang ulit na, ngunit minahal pa rin kita nang sagad.
Pangatlong ulit mo na, tinanggap pa rin kita.
Pang-ilang ulit mo na, ngunit bakit ikaw pa ang napagod, sinta?
Kilala ka ng aking mga kaibigan, alam nilang mahal na mahal kita.
Ngunit bakit kabaligtaran ang alam ng iyong mga kakilala?
Nabalitaan kong "kaibigan" lamang ang iyong pakilala sa akin.
Bakit parang... Ang sakit-sakit ata nun sa damdamin?
Ayokong sumbatan ka, kaya nanatili akong tahimik.
Kahit durog na durog na ang puso ko, wala pa rin akong imik.
Gusto kong malaman kung bakit mo iyon nagawa.
Ngunit ang bukod tanging isinasagot mo ay "Basta mahal kita.".
Napaisip ako, bakit ang sakit mo naman yatang magmahal, irog ko?
Kailangan ba pag nagmahal, palihim at itinatago?
Ayokong makipag-away kaya pinilit kong kalimutan iyon.
Ngunit napaka-sakit pa rin hanggang ngayon.
Nagulat nalang ako nang bigla kang umayaw.
Hindi ko alam kung bakit bigla ka nalang bumitaw.
Humingi ako ng paliwanag mula sayo ngunit hindi mo ko pinagbigyan.
Kaya hanggang ngayon ang pagbitaw mo'y nananatiling palaisipan.
Dumaan ang ilang araw at unti-unti na kong nakakabangon.
Nakakabangon sa sakit na idinulot mo sakin noon.
Mahirap nung una dahil nang-iwan ka nang walang ibinibigay na dahilan, sinta.
Ngunit bigla nalang akong napaisip... Para saan pa?
Para saan pa kung magbigay ka man ng paliwanag?
Kung hindi na nito mababago na sa iba ka na nagpapaka-bulag?
Para saan pa ang mga bibigay mong dahilan?
Kung hindi naman na mababago ang desisyon mo na ako'y iwanan?
Para saan pa ang mga luha ko?
Kung hindi naman nito maibabalik ang dating tayo?
Para saan pa ang pag-durugo ng aking puso?
Kung hindi ka pa rin naman babalik kahit mabiyak pa ito?
Para saan pa ang pag-hihintay ko sayo?
Kung malinaw naman na iba na ang minamahal mo?
Para saan pa ang pag-asa kong babalik ka pa?
Kung halos hindi mo na ko naaalala dahil sa bago mong sinisinta?
Para saan pa ang pagtatanong kung saan ako nagkulang sayo?
Kung alam ko sa sarili ko na ginawa at ibinigay ko ang LAHAT ng makakaya ko?
Para saan pa ang pagmamakaawa na bumalik ka?
Kung maliwanag naman na dati pinagmukha mo lang akong tanga?
Ganito pala ang pakiramdam kapag nauntog na at natauhan.
Parang mga formula sa Matematika na bigla kong naintindihan.
Nakahanap ng sagot sa mga tanong na inakala kong mahirap sagutin.
Ngunit ngayon alam ko na at tanggap ko na hindi ikaw ang nakalaan para sa akin.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...
