Hindi ko inaasahang makakaabot ako dito.
Buong akala ko hindi lalagpas sa singkuwenta ang mga tulang malilikha ko.
Hindi ko maipaliwanag ang galak na nadarama ng aking puso.
Sobrang saya, isa itong napakalaking regalo.Heto na ang huling piyesa para sa akda na ito.
Isang piyesa na puno ng pasasalamat para sa mga mambabasa na sumuporta dito.
Nais kong sulitin ang oras sa pagsulat nito.
Dahil marami akong nais sabihin sa inyo.Una sa lahat, maraming salamat sa suporta.
Salamat sa pagbabasa, pagboto, at sa mga ideya.
Kayo ang naging dahilan upang makaabot ako sa huling kabanata.
Ngunit huwag kayong mangamba, hindi pa ito ang aking huling piyesa.Ang pagsulat ng mga tula ay naging libangan ko na.
Iyan ang aking ginagawa tuwing wala akong magawa.
Ito ang naging sandalan ko sa tuwing ako'y nalulungkot at nangangamba.
Ito ang nilalapitan ko sa tuwing kailangan kong ilabas ang tunay kong nadarama.Bukod sa mga orihinal kong tula, mayroon ding mga piyesa na nanggaling sa iba ang ideya.
May mga taong lumapit upang ibahagi ang kanilang istorya.
Maraming salamat sa pagbabahagi ng kuwento at sa inyong tiwala.
Sana'y nagustuhan ninyo ang mga isinulat kong piyesa.Oo nga pala, mayroon akong nais sabihin.
Nagkaroon ako ng oportunidad na isali ang akdang ito sa Wattys 2019.
Kung papalarin man na manalo, hindi lamang ako ang nagwagi kundi kayo din.
At kung hindi man mapili, buong puso ko itong tatanggapin.Ano man ang maging resulta ng paligsahan, hindi ako titigil sa pagsusulat.
Dahil nais kong makamit ang aking pangarap na makabuo ng isang aklat.
Isang aklat na kahihiligan, babasahin, tatangkilikin ng lahat.
Nais ko pang magsulat hanggang sa ang aking mga kamay ay hindi ko na maiangat.Muli, maraming salamat sa inyo, mga kaibigan.
Isang daan at siyamnapu't anim na mga piyesa pa lamang nakakawala mula sa aking isipan.
At marami pang mga piyesa ang nakakulong at naghihintay na sila'y pakawalan.
Isang panibagong akda na puno ng mga bagong piyesa ang muli ninyong aabangan.(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY)
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poesía(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...