Hello

389 3 0
                                    

Psst!

Hello.
Kilala at naaalala mo pa ba ko?
Ako yung dating laman ng iyong puso.
Ako ito. Yung taong iniwanan at ipinagpalit mo.

Hello, ang mga mensahe ko ba'y natatanggap mo?
Malamang hindi mo inaasahan ito.
Hindi mo ba inaasahan na babatiin kita?
Kamusta? Ano na nga pala ang balita sa inyong dalawa?

Hello sayo.
Tumugon ka naman pabalik, mahal ko.
Dama kong tumutulo nanaman ang mga luha mo.
May ginawa ba siyang masakit sayo?

Hello... Sagutin mo naman ako.
Ano bang gusto mo?
Gusto mo ba ng unan at panyo?
Sabihin mo lang, ibibigay ko iyon sayo.

Hello...? Kausapin mo naman ako.
Hello? Nandyan ka pa ba?
Nababasa mo pa ba ang mga mensahe na aking ipinapadala?
Ah, siguro kinakausap ka na niya.

Siguro nakayakap na siya sayo.
Siguro pinupunasan na niya ang mga luha mo.
Siguro binitawan mo na ang iyong telepono.
Ganyan mo ba siya talaga ka-mahal, irog ko?

Hello ako nang hello pero ni isa hindi mo tinugunan.
Ayos lang naman iyon, dahil ito ay aking naiintindihan.
Hindi na kasi ako parte ng iyong buhay sa kasalukuyan.
Bakit mo nga naman kakausapin pa ang isang taong parte lamang ng iyong nakaraan?

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now