Mapapansin Mo Kaya?

387 3 3
                                    

(Requested by a friend of cheskaelcano, I hope you'll like this. Thanks for requesting~!)

Naaalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat.
Naaalala ko pa kung ano ang nakasulat sa unang pahina ng aklat.
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagka-kilala.
Tandang-tanda ko pa kung paano nagsimula ang ating istorya.

Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng paghanga.
Hindi ko rin inaasahan na sayo ko pa iyon madadama.
Mas lalong hindi ko inaasahan na makikipag-kaibigan ka.
Hindi ko iyon inaasahan, kaya nakaramdam ako ng tuwa.

Natutuwa ako dahil naging magkaibigan tayo.
Hindi ko kasi inakala na possible pala ang ganito.
Yung tipong naging kaibigan ko yung crush ko at may lugar ako sa buhay mo.
Bihira lamang iyon mangyari kung kaya't ikinagalak iyon ng aking puso.

Nagtatawanan tayo, nagku-kuwentuhan, at nagbibiruan.
Mga bagay na ginagawa ng mga magkaibigan.
Mga bagay na naging daan para mas lalo kitang makilala.
Isang bagay na nagpalalim ng aking nadadama.

Mula sa simpleng paghanga, nagustuhan na kita.
May gusto ako sayo subalit hindi ko iyon pwedeng ipahalata.
Bakit ko naman gagawin iyon kung alam ko na maiilang ka?
Bakit ko gagawin iyon kung alam kong pwede kang lumayo at maglaho na parang bula?

Mahirap man pigilan ang aking damdamin, pinilit ko pa rin.
Pinilit ko pa rin iyon itago mula sayo at baliwalain.
Kahit masakit na, pinilit ko pa ring magpanggap.
Alam ko naman kasi na kaibigan lamang ang tingin mo sakin, isang bagay na parang hindi ko na matanggap.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito ang sitwasyon.
Ayos lang naman tayo noon, ano nang nangyari ngayon?
Dati kuntento na ko sa pagiging kaibigan mo.
Pero bakit ngayon, parang mas higit na dun ang gusto ko?

Mahirap itago mula sa isang tao ang tunay mong nararamdaman.
Lalo na kung yung taong iyon ay nasa iyong harapan.
Masayang nagkukuwento tungkol sa nangyari sa araw niya.
Samantalang ikaw, nakikinig habang iniiwasang matulala.

Mula sa pagkagusto, hindi ko alam na mas lalalim pa ito.
Hindi ko inakalang mahuhulog ako ng tuluyan sayo.
Wala akong kaalam-alam na mamahalin ko pala ang kaibigan ko.
Hindi ko inaasahan na tuluyan palang bibigay ang aking puso.

Sinubukan kong pigilan, sinubukan kong burahin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko subalit ako'y nahuhulog pa rin.
Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit na maranasan?
Ang masaktan dahil wala kang alam o ang ideya na ang turing mo lang sakin ay isang kaibigan?

Mapapansin mo kaya?
Mapapansin mo kaya na minamahal kita?
Mapapansin mo kaya na hindi lamang isang kaibigan ang turing ko sayo?
Mapapansin mo kaya na sa tuwing nasa harapan kita palagi akong kabado?

Mapapansin mo kaya ang lahat ng iyon?
O siguro napansin mo na rin noon?
Mapapansin mo kaya na nauutal ako?
Mapapansin mo kaya ang pagiging balisa ko sa tabi mo?

Hindi ko alam kung gugustuhin ko ba na mapansin mo ang mga iyon.
Natatakot ako na baka iyon ang maging dahilan para matuldukan ang pagkakaibigan natin ngayon.
Tinatraydor na ba kita sa ginagawa ko?
Kasi minamahal kita at nililihim ko iyon sayo.

Tunay nga na hindi mapipigilan o mauutusan ang puso.
Dahil oras na iyan ay tumibok, hindi mo na mapipigilan ang sarili mo.
Mula sa paghanga, minahal kita kahit kaibigan mo lang ako.
Masaklap man at mapait, kailangan kong makuntento.

Mapapansin mo kaya? Siguro possible pa, maaari ring hindi na.
Marahil hindi na hahayaan ng tadhana na mabago pa ang ating istorya.
Isang istorya na kung saan naging magkaibigan tayo.
Istorya na kung saan kaibigan lamang ako para sayo samantalang ikaw ang itinitibok ng aking puso.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now