Oo, adik ako.
At handa akong makulong sa mga bisig mo.
Ayos lang kung death penalty ang magiging hatol ng iyong puso.
Dahil handa naman akong mamatay basta para sayo.Hindi ako gumagamit ng bato.
Kaya siguro hindi ako sa presinto didiretso.
Kung sa bagay, matagal na pala akong preso.
Matagal na ko naging preso sa pagmamahal ko sayo.Sinubukan kong tumakas, subalit palagi akong nabibigo.
At sa bawat subok ko, lalo lang akong nahihirapang burahin ka sa isipan ko.
Sinubukan kong tumigil, sinubukan kong magbago.
Pero kahit anong iwas ko, hinahanap-hanap ka pa rin ng aking puso.Oo, inaamin kong adik ako.
Hindi sa shabu, hindi sa bato, kundi sayo.
Ikaw ang unang tao na minahal ko ng ganito.
Parang droga na kinaadikan ko kahit alam kong delikado.Ikaw ang droga ko at oo, adik ako sayo.
Alam kong delikadong sumugal nang walang kasiguraduhan kung makukuha ko ba yung premyo.
Lalo na kung ang iyong puso'y pagmamay-ari na ng ibang tao.
Subalit kahit na ganun, hindi pa din ako susuko.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...