Requested by: Laguindab6
~~~~~
Ngayong Buwan ng Wika, ito ang napiling tema.
Isang tema na maaaring naging palaisipan sa iba.
Masyadong malalim, mahirap intindihin.
Kinakailangang tanungin ko muna si Google para lang malaman ko kung ano ang ibig nitong sabihin.Mabuti na lamang at hindi ako nahirapang makahanap ng sagot.
Sagot sa tanong na kung saan ako'y napakamot at noo'y kumunot.
Ang temang ito ay naglalayong maghatid ng isang mensahe sa mga Pilipino't Pilipina.
Mensahe na nagsasabing sa pananaliksik dapat gamitin natin ang ating wika.Sa palagay ko, nararapat lamang na iyon ay ating gawin.
Sa pamamagitan nito, mapapahalagahan ang wika natin.
Tayo'y mga Pilipino, hindi tayo mga banyaga.
Sariling wika ang ating gamitin at hindi ang wika nila.Sa pagsulat ng thesis, mas magandang gamitin ang wikang Filipino.
Sa pagsulat ng mga pananaliksik papel, Filipino ang gamitin mo.
Oo, minsan kinakailangang gamitin ang wikang banyaga.
Hinihiling ko lamang na sana hindi tayo masanay sa paggamit ng ibang wika.Kung may balak kang gumawa ng sarili mong libro, isulat mo ito sa wikang Filipino.
Kung isa kang doktor na nagpapayo sa mga may sakit, wika natin ang gamitin mo.
Tama, layunin ng temang ito na ipalaganap ang wikang Filipino sa iba't-ibang larangan.
Mapa-Agham man o sa Matematika, dapat lamang gamitin natin ang wikang nakasanayan.Habang lumalago ang ating kaalaman sa Agham, dapat lumalago rin ang ating wika.
Hindi dapat nababaon sa limot ang ating wika habang lumalago ang ating kaalaman sa Matematika.
Alalahanin natin na hindi tayo mga hayop o malansang isda.
Tayo'y mga Pilipino, kaya dapat lamang na mahalin natin ang ating wika at bigyan ito ng halaga.Ang wikang Filipino ay dapat nating pahalagahan.
Huwag nating ibaon sa limot ang wika na ating kinagisnan.
Gamitin natin ang ating wika sa bawat araw at oras na dumadaan.
Kung nais nating umunlad ang ating bansa, pairalin natin ang pagiging makabayan.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Şiir(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...