(Inspired by "Tagpuan" which is sung by Miss Moira Dela Torre. Listen to the video above para matunaw din ang puso niyo. Hahahaha!)
~~~~~~~~~~~
"Hindi na ako muling iibig.", iyan ang kataga na aking sinambit.
Ang sakit na dulot ng pagkabigo'y mag-isa kong binibitbit.
Ang pusong umiiyak ay pilit na pinapatahan.
Ginagawa ko naman ang aking makakaya subalit ang sakit ay hindi pa din naiibsan.Ikaw.
Ikaw ang tanging dahilan kung bakit nagdurugo ang aking puso.
Ikaw na bigla nalang bumitaw, umalis, at sumuko.
Ikaw na hindi man lang nagbigay ng dahilan kung bakit kailangan mong lumisan.
Ikaw... Na minahal ko nang lubos subalit nagawa mo pa rin akong iwanan.Napuno ng mga "bakit" ang aking isipan.
Pilit iniisip kung bakit mo ko nagawang bitawan.
Nag-iisip ng mga posibleng dahilan kung bakit mo iyon nagawa.
Dapat ko na bang sisihin ang tadhana?Nalulunod na ako sa dagat ng kalungkutan.
Nauubusan na ko ng hininga, lumalabo na ang aking isipan.
Nawawalan na ko nang gana, nawawalan na din ako ng pag-asa.
At sa mga sandaling iyon, tinawag ko ang pangalan ni Bathala.Itinanong ko sa Kanya kung bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang nakasalubong ko kung iiwanan mo lang din pala akong mag-isa?
Bakit ganito ang naging desisyon ng tadhana?
Bakit pa tayo pinagtagpo kung hindi naman pala tayo ang para sa isa't-isa?Sinabi ko sa Kanya na, "Ayoko na".
Ayoko nang magmahal ng taong ipagpapalit lang ako sa iba.
Ayoko nang buksan ang aking puso at hayaang mahulog ito muli.
Ayoko nang magmahal dahil ayoko nang makaramdam ulit ng pighati.Sa dagat ng kalungkutan, nagpakalunod ako.
Hinayaan kong mabalot ng kadiliman ang aking mundo.
Hindi ko na inisip pa ang mga araw na darating.
Ano pang silbi ng mga iyon kung wala ka na sa aking piling?Isang patak ng luha ang kumawala sa aking mga mata.
Bakit ba ang hirap tanggapin na wala ka na?
Bakit ba umaasa pa din ako na babalik ka pa?
Bakit hinihintay pa din kita kahit alam kong iniwanan mo na kong mag-isa?"Siya."
Iminulat ko ang aking mga mata sa pagkabigla.
Sa dagat ng kalungkutan, inakala kong wala akong kasama.
Ako'y nakaramdam ng pagtataka.
At sa aking paglingon, nakita kita.Nakita kitang nakatayo sa isang isla.
Sa isang isla na nababalot ng liwanag at saya.
Ibang-iba sa dagat na aking kinalalagyan.
Di tulad ng iyong isla, ang aking dagat ay nababalot ng dilim at kalungkutan."Siya."
Itinuro mo ako at pinagmasdan.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Bakit mo ko itinuturo? May kailangan ka ba?
Bakit mo ko itinuturo? Hindi naman tayo magkakilala.Tumingala ka at ipinikit mo ang iyong mga mata.
Tatlong segundo ang lumipas bago ka nagsalita.
At sa mga binitawan mong kataga, ako'y natulala.
Halo-halong mga emosyon ang aking nadama."Siya. Siya ang panalangin ko.
Pakiusap Bathala, sana ako'y dinggin Mo.
Ibigay Mo naman sa akin ang pagkakataong alagaan siya.
Siya na iniwanang luhaan ng taong hindi nararapat para sa kanya.""Isang pagkakataon lamang ang aking hinihingi.
Nais kong ako naman ang maging dahilan ng kanyang mga ngiti.
Nais kong burahin ang nararamdaman niyang lungkot at pighati.
Sana'y ibigay Mo sa akin ang napupusuan kong binibini."Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.
Na may umiibig sa akin habang may iba akong iniibig.
Na may nasasaktan para sa akin habang may iba akong iniiyakan.
Na may naghihintay at umaasa na siya naman ang aking tignan."Makapangyarihang Bathala, sana ako'y Iyong dinggin.
Sana'y makarating sa kanya ang aking damdamin.
Isang pagkakataon lamang ang aking hinihiling.
At isinusumpa kong hinding-hindi siya luluha sa aking piling."Bakit ganito ang aking nadadama?
Hindi. Hindi ko na hahayaang masaktan ako muli at lumuha.
Pinili kong maglakad palayo, pinili ko na huwag makinig.
Subalit, sa iyong mga sunod na sinabi'y tuluyan mo na akong napaibig."Ipaglalaban ko siya, kahit hindi sigurado na magwawagi ako.
Ipaglalaban ko siya, hanggang sa ang nakasulat sa tadhana'y magbago.
Ipaglalaban ko siya at hindi ako susuko hangga't kaya ko pa.
Ipaglalaban ko siya, ganyan ko siya ka-mahal, Ama."Tumigil ang aking mundo at tuluyan na itong nagbago.
Isang kislap ng pag-asa ang natanaw ko.
Nagsimula nang maghilom ang mga sugat na aking natamo.
Matutupad din ang iyong hinihiling, hintayin mo lang ako.Kaunting tiis lamang, kaunting panahon pa.
Darating din ang araw na mamahalin din kita.
Isinusumpa ko iyan, saksi ang mga bituin.
Mamahalin din kita tulad ng iyong pagmamahal sa akin.Hintayin mo kong gumaling at papapasukin kita sa aking puso.
Ang iyong pagka-wagi ay hindi na malabo.
Ipaglalaban mo ko, ipaglalaban din kita.
Hintayin mo lang ako, sabay nating babaguhin ang takbo ng tadhana.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Puisi(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...