Ma'am! Sir! Hali kayo dito!
Mayroon akong i-aalok sa inyo!
Halika tuloy kayo sa aking munting tindahan!
Dito, garantisadong mahahanap ninyo ang inyong mga nais makamtan.Gusto niyo ba ng mga bagay na orihinal?
Dito na kayo! Mura lang, hindi mahal.
Marami akong ibinibenta na hindi niyo mahahanap sa iba.
Tulad na lamang ng aking mga ipi-presenta.Unahin ko na ang diyamanteng ito.
Ang kasaysayan nito'y isang misteryo.
Isang diyamanteng may kakayahang gawing mayaman ang isang tao at magpasunod ng kahit na sino.
Lahat ng inyong mga kagustuha'y mapapasainyo kung bibilhin niyo ito.Sunod naman sa aking listahan ay ang bughaw na salamin.
Kung nais niyong sumikat at gumanda, dito ka lamang titingin.
Walang limitasyon kaya maaari mo itong titigan buong maghapon.
Ang iyong kasikatan at kagandaha'y hindi kukupas, lumipas man ang mahabang panahon.Ito naman ay isang librong nababalot ng hiwaga.
Walang pamagat, wala din laman ang mga pahina.
Ito'y may kakayahang baguhin ang mga gusto mong mangyari o mga nangyari na.
Ang mga isusulat dito'y mangyayari ngunit hindi na mababago o mabubura pa.Ang tatlong nabanggit ko ay ang mga pinaka-mabenta kong produkto.
Halos lahat ng tao'y iyan lagi ang pinupunta dito.
May mga nagtangka nang magnakaw subalit hindi sila nagtagumpay.
Dahil kung nais mo itong mapasayo, kailangan may kapalit ka munang ibibigay.Nais niyong malaman kung ano ang tinutukoy ko?
Kinakailangang bayaran niyo muna bago ito mapasainyo.
Ayaw ko namang malugi ang negosyong matagal ko nang pinapatakbo.
Tulad ng sabi ko, hindi mahal ang presyo ng mga paninda ko.Wala kang perang dala?
Hindi iyan ang hanap ko, iha.
Wala kang dalang ginto?
Hindi din iyan ang kailangan ko, iho.Ang mga paninda ko'y hindi nabibili ng ginto o pera.
Kailangan niyo lamang mag-sakripisyo ng isang bagay na sa inyo'y mahalaga.
Kung gusto mo itong makuha, mag-sakripisyo ka.
Hindi ito mapapasayo kung wala munang mawawala.Pag-isipan niyong mabuti kung ano ang ibibigay niyo saking kapalit.
Mas mahalaga, mas malakas ang epekto ng produkto kapag ito'y iyo nang ginamit.
Ayaw ko ng mga ari-arian o mga alaala niyo mula pagkabata.
Kung ako ang papipiliin mo, ang nais kong kabayaran ay ang pagmamahalan niyong dalawa.Ano? Payag ka na ba?
Kung ganoon, pirmahan mo na itong kontrata.
Wala nang bawian kapag kayo'y nakapirma na.
Oras na lisanin mo ang lugar na ito, kalimutan niyo na ang namamagitan sa inyong dalawa.Maraming salamat sa pagbisita sa aking munting tindahan, mga binibini't ginoo!
Sa susunod na balik niyo, asahan niyong marami pa akong i-aalok sa inyo!
Mga panindang hinding-hindi niyo matatanggihan.
Mga panindang bago pero hindi mababago ang presyo kahit kailan.

YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poesía(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...