Ito'y isang halaman na gumagapang sa lupa.
Isang halaman na namumunga ng isang gulay na masustansya.
Nakatutulong ito upang maging malinaw ang ating mga mata.
Ito'y tinatawag na Cucurbita maxima.Cucurbita maxima o mas kilala sa tawag na kalabasa.
Sa mga ayaw lumabo ang mga mata, ito'y aking inirerekomenda.
Madalas itong isinasahog sa pakbet kasama ang sitaw at ampalaya.
Hindi kumpleto ang pakbet kapag wala ito, iyan ang aking paniniwala.Subalit kahit isang kilo pa ng kalabasa ang kainin ko, malabo na talaga.
Malabo nang maisalba pa ang relasyon nating dalawa.
Malinaw naman ang mga mata ko, pero hindi ko pa din makita.
Hindi ko pa din makita kung saan ako nagkulang at nagkamali, aking sinta.Kung pwede lang sanang pakainin kita ng kalabasa, ginawa ko na.
Para naman luminaw ang iyong mga mata at makita ang aking halaga.
Ganoon na ba ka-labo ang iyong mga paningin, sinta?
Ganoon ba iyon ka-labo para saktan mo nang ganito at paluhain ang aking mga mata?Hindi ko na kailangan pang kumain ng kalabasa para makita na ayaw mo na.
Malinaw naman na masaya ka na sa piling niya.
Ngunit, mas gugustuhin kong manatiling malabo ang aking mga mata.
Mananatili itong malabo upang hindi ko kayo makita.Alam ko naman na malabo na talaga.
Kahit kumain pa ko ng isang katerbang kalabasa ay hindi ka na babalik pa.
Hindi na kailanman magiging malinaw ang samahan natin na napunta sa wala.
Kahit gaano pa ka-linaw ang pagmamahal ko para sayo, sa kanya ka pa rin pupunta.Ang iyong pagbabalik ay mas malabo pa sa piniratang pelikula.
Sana pala hindi nalang ako nahilig sa pag-kain ng kalabasa.
Malinaw pa din ang mga mata kaya ang sakit pa din makita kayong magkasama.
Magkasamang sumusumpa sa simbahan samantalang ako lumuluha.Sana may mga mata rin ang aking puso at nakakakita.
Nang sa gayon, makita na nito ang katotohanang hindi tayo para sa isa't-isa.
Dahil patuloy pa din ito sa pagmamahal sayo kahit kitang-kita ko na.
Malabo talaga na sa akin ka bumagsak at hindi sa kanya.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...