DALAWA

797 8 0
                                    

Tinitigan ko ang iyong mga mata.
Ang iyong mga matang puno ng pagtataka.
Nagtatanong ka kung bakit ko ito ginagawa.
Nagtatanong ka kung bakit kita pinapalaya.

Ramdam ko ang sakit na iyong nadarama.
Pinanood lang kita habang ika'y lumuluha.
Paano mo pa nagagawang umiyak sa harapan ko?
Bakit ka pa nagmamakaawang manatili ako sa piling mo?

Gusto kong malaman kung bakit parang nasasaktan ka pa?
Bakit nasasaktan ka pa kahit may reserba ka na?
Pakiusap, wag mo ng ipagkaila na wala kang iba.
Wag mo ng sambitin ng paulit-ulit na ako ang mahal mo at hindi siya.

Mahal na mahal kita ngunit sobrang sakit na.
Hindi ko na rin kayang magpaka-tanga.
Mahirap para sakin ang palayain ka, mahal ko.
Pero kailangan ko itong gawin para sa kaligayahan niyo.

Alam kong may mga naging pagkukulang ako sayo.
Kaya siguro nagkaroon ng KAYO habang may TAYO.
Hindi ko kayang tanggapin na nahati ang iyong puso.
Ang iyong puso na dati'y buong-buo at nasa mga kamay ko.

Nahihirapan kang mamili kaya tutulungan na kita.
Ako nalang ang bibitaw para maging masaya ka na.
Wag mong sabihin na hindi mo kakayanin.
Mayroon ka ng iba, kaya hindi ka na akin.

Pakiusap, wag ka ng mangako na magbabago ka na.
Ayoko ng makinig dahil pagod na kong maging tanga.
Ilang beses mo na ba yan nasabi sa harapan ko?
Pagod na pagod na kong marinig ang katagang iyan mula sayo.

Buong akala ko DALAWA lang tayo sa relasyon na ito.
Pero hindi ko inakalang DALAWA kami sa iyong puso.
Pinatawad kita noon, dahil nadala ka lamang ng pagnanasa.
Ngunit, iba na ngayon dahil nahulog ka na sa kanya.

Mahal, patawarin mo sana ako.
Nangako ako sayo noon na hindi ako susuko.
Tinadtad mo na ng kutsilyo ang puso kong ito.
Mamahalin pa rin kita gamit ang maliliit na piraso.

Oo, sa likod ng iyong kasalanan, mahal pa rin kita.
Kahit durog na durog na ang aking tiwala.
Pero hindi na sapat ang pagmamahal ko sayo.
Hindi na iyon sapat para maghilom ang mga sugat at sakit na aking natamo.

Mahal, pakiusap, ayoko na.
Mahal, tama na dahil pinapalaya na kita.
Mahal, pagod na pagod na ko.
Kaya pakiusap, tapusin na natin ang larong sinimulan mo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now