SETYEMBRE

1.1K 4 0
                                    

Isang taon at pitong buwan.
Ang tagal na nating nagmamahalan.
Sana mas tumagal pa tayo.
Dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa piling ko.

Ang tulang ito ay inaalay ko sayo.
Sana'y tanggapin mo ito bilang isang regalo.
Pakinggan mo sana lahat ng sasabihin ko dito.
Dahil lahat ng sasabihin ko ay walang halong biro.

Simula nung dumating ka sa buhay ko...
Lahat ay nagbago.
Tila nagkaroon ng kulay ang mundo ko.
Para bang tinaboy mo ang lungkot sa puso ko.

Sa bawat ngiti na ibinibigay mo...
Pakiramdam ko gustong sumabog ng puso ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan.
Nahulog na pala ako sayo ng tuluyan.

At nang malaman kong mahal mo rin ako...
Hindi na ko nagdalawang-isip na umamin na rin sayo.
Sa mga sandaling yun, labis na saya ang aking nadarama.
Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag sinabi ng taong mahal mo na mahal ka rin niya?

Hanggang sa dumating ang buwan na kung saan naging tayo.
Buwan na kung saan ibinigay ko sayo ang aking matamis na "OO".
Buwan na kung saan naging mas makulay ang mundo ko.
Buwan na kung saan mas sumaya ang buhay ko.

Marami akong natutunan mula sayo.
Isa na rito ang ngumiti ng totoo.
Itinuro mo sa akin kung paano maging positibo.
Lalo na pag nagkaroon ng isang malaking gulo.

Mahal, alam mo ba?
Lahat ay gagawin ko makasama lang kita.
Mahal, kilala mo ko.
Lahat ay gagawin ko basta para sayo.

Maraming salamat sa lahat ng iyong ginawa.
Sana sa aki'y hindi ka magsawa.
Pero sana mahal, huwag mo kong papaasahin.
Lalo na kung wala ka ng nararamdaman para sakin.

Mahal, malaki ang tiwala ko sayo.
At kailanman hindi iyon magbabago.
At kahit marami ng rason para ika'y iwanan ko...
Hahanap at hahanap pa rin ako ng isang rason para manatili ako sa tabi mo.

Sana mapatawad mo ko.
Pasensya na kung minsan sumusobra na ang pagseselos ko.
Pasensya na kung minsan napaka-moody ko.
Pero salamat, dahil iniintindi mo ko.

Mahal, nagustuhan mo ba ang aking tula?
Ikaw ang inspirasyon ko habang ito'y aking ginagawa.
Tanggapin mo sana ang alay ko sayo.
Isang tulang puno ng pagmamahal ko para sayo.

Nais kong tapusin ang tulang ito sa apat na salita.
Apat na salitang sayo ko lamang sasabihin, sinta.
Sapagkat ikaw lang ang may hawak ng puso ko, wala ng iba.
MAHAL NA MAHAL KITA.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now