Isang aral ang naalala, noong ako'y pumapasok pa sa eskuwela.
Lahat ng mga tala'y sumasabog, ngunit agad din napapalitan ng iba.
Ang bilang na nababawasan, agad din nadadagdagan.
Ang lahat ng nawawala'y, agad din napapalitan.Isa-isang pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang mga taglay nitong liwanag at kagandahan.
Siguradong marami pang iba, hindi ko lang talaga masilayan.
Hindi ko din mabilang sa dami, kaya hindi ko na sinubukan.Ang mga bituin na walang malay ang naging dahilan kung bakit ko naalala ang ating nakaraan.
Maraming beses mo na kong iniwang luhaan.
Maraming beses mo na din akong binigo at nasaktan.
Hindi ko na mabilang, tulad ng bilang ng mga bituin sa kalangitan.Marami kang pangako na binitawan, mga pangako na iyong kinalimutan.
Ang mga salitang matatamis na hindi ko mabilang ay unti-unting nabawasan.
Ang mga bagay na madalas noon, ngayo'y naging paminsan-minsan.
Hanggang sa sumabog ang ating relasyon at ako'y iyong pinalitan.Hindi ko magawang ibaon sa limot ang pinagsamahan nating dalawa.
Paulit-ulit na naaalala dahil mapait ang naging wakas ng ating istorya.
Dahang-dahang yumuko at humiling sa mga tala.
Sana'y mapalitan na din ng saya ang lungkot at sakit na iyong ipinadama.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...