*Chapter Two* #MeetAsherJoaquin

3.7K 98 4
                                    


*Erin P.O.V*

"To make it clear. If i won you will be my Girlfriend for two months. And if you won. You will asked me everything you want. Even me. My money or my body."

Urgh!!! Erase Erase Erase.. Hindi ko na dapat maalala pa yung bwisit na yon! Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko dahil sa inis. Napakayabang nya! Anong palagay nya pinagnanasaan ko yung katawan nya? Hell NO!! In his Dream!

*KNOCK KNOCK*

"Pasok!" Sabi ko dun sa kumatok.
Bumukas naman yung pinto at niluwa si Alaine.

"Are you ok Twin?" She asked habang naglalakad palapit sakin.
Umayos ako ng upo sa kama at hinayaan syang tabihan ako.

"Of course."

"Mmm! You're lying! Sabi ni Mom lagi ka raw tulala. Parang may iniisip ka. Nagsesecret ka na sakin ha." May halong pagtatampong sabi nya.

"No Twin. Iniisip ko lang kung pano ko mananalo as New Council President."

"Mananalo? Wala ka naman kalaban diba?"

"Yeah. Ayan rin yung akala ko pero kahapon sa meeting nalaman ko na si Klay Anderson pala ang makakalaban ko."

"REALLY!!!?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil parang nabuhay lahat ng dugo nya sa katawan ng marinig nya ang pangalan ni Klay Anderson. Ano ba kasing meron sa lalaking yon?

"Oo. Sabi nya pag nanalo sya magiging Girlfriend nya ko for two months pero pag nanalo ko makukuha ko lahat even his money and Body!"

"KYAHHHHHHHHH!!!! NO!! THIS CAN'T BE HAPPENING!!!" She shouted dahilan para mapatakip ako sa tenga ko. Balak nya bang sirain ear drum ko?

"Yeah. Kaya tutulungan mo ko manalo."

"Why? Because you want his body ganon?"

"Not that. Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa kanila. Kahit pa sa katawan nila noh. Ang kailangan ko lang ay ang maging president ako. That's it."

"Ok. Hindi ko rin naman hahayaan na maging Gf ka ni Klay noh. Hmmp! I swear mapapatay talaga kita."

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. Tama kayo! Patay na patay sya kay Klay pati narin kina Austin,Zayn at Asher. And pati rin si Tita Synthia ay gustong gusto sila. Haist! Gwapo lang naman sila pag malayo ah. Hindi ko talaga maintindihan mga tao ngayon.
----*

Kinabukasan ay six thirty palang ay nag punta na kami ni Alaine sa school para magdikit ng posters na may picture ko. Pero laking gulat namin ng mapuno na ang buong campus ng mga picture ni Klay! Pinagkakaguluhan pa ng mga babae na kala mo naman artista yung nandon! Yakkkk!

"Alaine!!!" Tawag ko kay Alaine ng makita ko syang nakikisama narin dun sa mga babaeng pinagkakaguluhan maging ang picture ni Klay.
"Wait lang. Ang gwapo!!!"

Natapik ko ang sarili kong noo saka ko nagsimulang maghanap ng mapagdidikitan ko ng poster ko. Wala ba talagang tutulong sakin? Pati ba naman si Alaine makukuha narin nung lalaking yon. NAKAKAINIS NA!!!!

"You must be Erin,right?"

Muntik na kong mapatalon sa gulat dahil sa lalaking nakasandal sa saradong pinto ng library. Napakunot noo ko ng makilala ko kung sino sya. May hawak syang yosi habang nakatingin sakin. Para syang kabute na bigla nalang susulpot.

"Asher?"
I heard his chuckled saka sya naglakad palapit sakin. Kinuha nya sa kamay ko yung isa sa hawak kong posters saka nya yon tiningnan.

"Erin Rodriguez. Ikaw nga yon."
Napakunot noo naman ako. Pano nakilala ng isang Asher Joaquin ang isang katulad ko?

"Wait. Pano mo------"

"C'mon. May alam akong pwede mong pagdikitan."
Nagulat ako ng bigla nyang kunin sa kamay ko yung mga posters at nag abala pa syang hawakan yung kamay ko para hilahin ako papunta sa Building ng mga Junior.

"Pwede ba magdikit dito?" I asked. Dahil ang alam ko ay sa Building lang ng Senior kami pwedeng magdikit.

"Tumatakbo ka as Council President ng buong Campus diba? Hindi lang ng mga senior." He answered. Sabagay may point.

"Pero bakit mo ko-----"

"Pwede bang wag ka munang magtanong? Tapusin na muna natin to."

Tumango nalang ako at tinulungan ko syang magdikit. After thirty minutes natapos rin kami. Naupo muna ko sa lapag at sumandal sa pader. Nagulat ako ng umupo rin sya sa tabi ko at pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang panyong hawak nya.

"Asher.. Diba dapat si Klay ang tulungan mo dahil kaibigan mo sya. Bakit mo to ginagawa?" I asked na ikinangiti nya.

"Simple lang ang sagot. Because you are Erin Rodriguez."

"Hindi ko maintindihan! Anong ibig mong sabihin?" Gulong gulo kong tanong.

"Ayokong manalo si Klay dahil hindi ako papayag na mapunta ka sakanya. Akin ka lang Erin. Akin lang"

NGANGA!! Literal na napanganga ko dahil sa sinabi nya saka nya ko iniwan. Ano bang nangyayare? Bakit bigla naman yata humaba ang buhok ko? Kapapagupit ko lang nito nung nakaraang linggo ah. Hooo!! Ayoko pa pong masiraan ng bait Lord.

A/N: Meet Asher Joaquin ^_^ Hope you like it Guyz ..

Asher Joaquin At the picture Guyz ^_^ He is Ji Chang Wook of Smile again, K2, The healer, Empress Ki, and many more ^_^ 

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon