Chapter Thirty Four #ILikeHer.

1.1K 42 2
                                    


*Erin P.O.V*

"Ako na bahala kay Kuya poging Austin, Ate. Puntahan mona muna si Kuya." Sabi ni Zaina saka kinuha sa kamay ko yung bimpong pinampupunas ko sa mukha ni Austin.
"Cge. Dahan dahan lang baka magising si Kuya pogi mo ha?" Sabi ko sakanya at agad naman syang tumango.

Bago ko lumabas ng kwarto ni Austin ay nilingon ko muna sya. Mahimbing syang natutulog at halatang sobra syang napagod at nasaktan sa pakikipagsuntukan sa maniac na yon para lang ipagtanggol ako. Im really really lucky to know him.
-----*

Agad akong pumunta sa kwarto ni Zayn ng makalabas na ko ng kwarto ni Austin. Nakita ko syang nakaupo sa kama nya habang pinupunasan nung basang bimpo ang gilid ng labi nya.

"You need help?" I asked to him. Nakita ko ang gulat sa mukha nya ng tumingin sya sakin.
"How's Austin?" He asked.
"Nandun si Zaina for him. You.. Do you need help?" Nakangiti kong tanong.

"Yes.. Masyadong masakit yung tagiliran ko. Nabugbog yata ako." Biglang arte nya with matching sapo pa sa tagiliran nya.
"As far as i know.. Ikaw yung nambugbog no!"
"Hindi masakit talaga e."

Tss! Naarte lang tong isang to e. Napailing lang ako saka ko sya tinabihan.
"San ba masakit?" I asked.
"Ito oh.. Nasuntok ako dito e." He said habang tinuturo yung gilid ng labi nya.
"Dyan ba? Patingin nga.."

Hinawakan ko yung chin nya at nilapit ko yung mukha ko para mas makita ko yung labi nya. Kinuha ko sa kamay nya yung bimpo saka ko pinunas sa gilid ng labi nya dahil may dugo pa don at sugat. Haist!

"May sugat ka. Bakit ba ang hilig hilig nyo sa gulo?" I asked to him habang patuloy ako sa pagpupunas sa labi nya.
"They want to take you away, right? Kung wala don sina Austin baka nakuha kana non." He answered habang nakakunot ang noo.
"Hindi naman ako sasama no. I can take care of myself naman pati."
"Tss.."
"Next time kasi wag muna painitin ang ulo ha? Tingnan mo nangyari sa mukha mo. Puro pasa na."

Napatingin ako sakanya ng mapansin kong titig na titig nanaman sya sakin.
"Oy! Baka matunaw ako nyan." Pangaasar ko lang. Ewan ko ba. Parang nagiging komportable na kong kasama si Zayn.
"Thank you." He whispered na ikinangiti ko.
"Ano kaba? Wala to no. Pasasalamat narin to kasi.. nakipag-away kapa para lang sakin."
"No.. Not that. I said Thank you for bringing the joy in mylife. Thank you because you're here with me again."
Imbis na sumagot ay ngumiti lang ako. Baka kasi kung ano pa masabi ko mahirap na.

"Masakit parin ba?" I asked again pang-iiba lang ng usapan.
"Oo. Sabi nila mabisang gamot daw dito yung kisspirin. Saka daw dito sa tagiliran ko yung Yakapsul.. Alam mo ba------ Aray!" He said dahil hinataw ko sya sa braso.
"Anong kisspirin at yakapsul ka dyan? Ikaw ha. Isusumbong kita kay Angela!"
"Do you think im scared?" Mayabang nyang tanong.
"Ah Ganon. Cge sasabihin ko sakanya na-----"

My eyes widened when i felt his lips again. Eto nanaman ako. How can i resist to a man like him? My Ghad!
My mouth Authomatically opened when he bite my lower lip. Bakit nagiging mapagbigay ako sa gwapong to? Bakit hindi ko kayang pigilan sya? Ano na bang nangyayare sayo Bruha kang Erin ka! Bumibigay kana ba sakanya?

"Isusumbong mo parin ba ko?" He asked ng may nakakalokong ngiti sa labi.
Yung puso ko! Anong nangyayari sa puso ko? Bakit parang may milyon milyong kabayo na nagtatakbuhan dito? Whats happening to me? 

"I love you.. Erin.. I love you.." He whispered habang kinikiskis nya yung ilong nya sa ilong ko. Bakit ba parang lagi akong napofroze pagdating sakanya? Umayos ka naman Erin!

"Zayn.. I think.. I should g-go!"
Urgh! Wag ka ngang mautal!! Napaghahalataan ka e.
Haist! Bago pa man ako mawala sa sarili kong katinuan ay tumayo na ko pero laking gulat ko ng hilahin nya ko dahilan para mapahiga ako sa kama. Nasa harapan ko na sya at nakatuon ang dalawang kamay nya sa dalawang gilid ko. Jusko! Ang gwapo neto! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at marape ko to!

"Tell me.. Do you love me?" He asked. Do I? Do I? Im not sure!
"I will answer you basta patayuin mo muna ko." I said pero parang hindi nya yon narinig. Bagkus.. Unti unti nya pang nilalapit yung mukha nya. Ghad! Erin! Pigilan mo sarili mo!

"Answer me.. Yes or No?"
"Zayn...."
"Just Answer it!! Do you love me?"

"I..... Like you.. But Im not sure kung ano tong nararamdaman ko. Its confusing me----"

Again.. He kissed me.. A gentle one.
"I will help you to find out your feelings for me. I love you. And i will do everything just to have you, Ok? Dont mind Angela. Kasi kahit balibaliktarin man natin ang mundo. Ikaw parin yung mahal ko. Si Chichi Rodriguez lang.. I promise." He whispered to my ears na ikinangiti ko ng pasimple. Sana nga totoo yung sinabi nya. Sana nga ako lang.

A/N: Hukage moves from Zayn Ford WHAHAHAHA!! Thanks for reading. Lovelots. Happy Chapters muna. Malapit na kasi yung... Alam nyo na ^_^Hope you like it!

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon