Chapter Seventy Five #SaveHer

865 17 1
                                    

*Alyah P.O.V*

"Dalhin mo sakin si Erin."

"KUYA NOOOO! WAG KANG MAKINIG SAKANYA! AYOS LANG AK---------"
"TUMAHIMIK KA!"

Napasigaw ako ng bigla kong sampigahin ni Angela ng malakas gamit ang kamay nya.

[Alyah!!! Damn you Angela, Anong ginawa mo sakanya!!!] Galit na sabi ni Kuya Austin. Sa sobrang galit nya siguro gusto nya ng pumasok sa loob ng cellphone para makarating dito at maligtas ako pero impossible.

"Hindi lang yon ang gagawin ko pag hindi mo ko sinunod. Bibigyan kita ng isang araw pag hindi mo dinala si Erin... Papatayin ko ang minamahal mong pinsan."
[Sandali Angela--------]

Hindi na naituloy pa ni Kuya Austin ang sasabihin nya dahil pinatay na ni Angela ang tawag. Masama syang tumingin sakin na parang gusto nyang kuhanin ang laman loob ko.

"Hindi lang yan ang aabutin mo once na makialam ka ulit." Sabi nya saka nya ko iniwan. Feeling ko nagdugo ang gilid ng labi ko dahil sa lakas ng sampal ng babaeng yon. Lagot talaga sya sakin pag nakatakas ako!

*Austin P.O.V*

"What happened? Is Alyah,ok?" Tanong ni Zayn pero tiningnan ko lang sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Papatayin nya si Alyah pag hindi ko dinala si Erin sakanya. Ayokong mapahamak si Alyah pero ayoko ring mapahamak si Erin. Alam kong papatayin rin sya ni Angela at hindi ko papayagan na mangyari yon.

"Anong sabi nya? Bakit nya daw kinuha si Alyah?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Klay pero naupo lang ako sa supa at yumuko. Tama bang sabihin ko sakanila? Feeling ko mababaliw na ko.

"Austin, What happened? Nasan daw sila? Bakit hindi ka sumasagot!?" Galit na tanong ni Zayn.
"Hindi mo maiintindihan."
"Panong hindi!? Importante sakin si Alyah kaya hindi ako papayag na-------"

"Papatayin ni Angela si Alyah pag hindi natin nadala si Erin sakanya sa loob ng isang araw."
Sagot ko dahilan para matahimik ang dalawang lalaking nasa harap ko.

"No." Zayn whispered. Inaasahan ko ng yan ang magiging reaksyon nya kaya hindi na ko dapat magtaka.
"Yes! Hindi pwede kaya nga mababaliw na ko! Hindi ko alam ang gagawin ko!"

Naihilamos ko sa mukha ko ang palad ko dahil sa inis. Sana pala pinigilan ko si Alyah, F*ck! Kasalanan ko to. Makakapatay talaga ko pag may nangyaring masama sakanya.

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon