*Third Person P.O.V*
Mabilis na nilapitan ni Zayn si Angela para kunin dito si Erin maging ang baril na hawak nito ng matuon ang atensyon nito sa duguang si Klay.
Mabilis rin naman nakalapit si Austin kay Alaine para kunin dito ang baril dahil kahit ito nagulat sa nangyare.
"Klayyyyy!!!" Sigaw ni Alyah kasabay ng paglapit dito. Hindi humihinto ang luha sakanyang mata habang hinahaplos ang pisngi ng lalaking minamahal.
"D-don't cry.. H-in-di pa-ko ma-mamatay." Nakangiting turan ni Klay habang pilit na pinupunasan ang luhang nalandas sa mata ng dalaga.
"Yes! Hindi ka dapat mamatay. Hindi ko na kakayanin, Klay. Tatawag lang ako ng abulansya. Wag kang bibitaw." She cried. Isang ngiti lang ang ginawad ni Klay bilang sagot sakanya. Pero napalingon sya dito ng pigilan sya nito sa braso ng akma syang aalis.
"I love you..." He whispered.
-----*
Samantala, Nahuli na ng mga pulis si Alaine at Angela dahil wala na tong laban pa. Hindi maipaliwanag ni Erin ang nararamdaman habang nakatingin sa duguang si Klay na nasa harap nya. Hindi nya lubos maisip na mangyayari to. Ibinuwis ng lalaking to ang sariling buhay para kay Alyah. Para sa babaeng alam nyang palihim nitong minamahal.
"Hold on Klay.. Nakikiusap ako." Iyak ni Alyah habang pinapasok na ng mga ambulansya si Klay sa sasakyan. Wala nalang ibang nagawa si Erin kundi yakapin to. Alam nya kung gano yon kasakit dahil minsan nya narin yon naramdaman.
"He is strong, Kakayanin nya yan." Alo ni Erin na lalong nagpaiyak sa dalaga. Erin bit her lower lip para pigilan ang pagluha. Kailangan nyang maging matapang. Kailangan nyang ipakita kay Alyah na everything will be okay kaya walang dapat ipag-alala.
----*
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na silang lahat sa Ospital. Dinaretso si Klay sa ER kaya wala silang nagawa kundi ang maghintay lang sa waiting area. Wala paring tigil sa kaiiyak si Alyah pero hindi naman sya iniwan ng pinsan nya maging si Erin at Zayn.
"Alyah, C'mon you need to rest." Sabi ni Austin pero parang walang naririnig si Alyah. Nakayuko lang to habang patuloy ang pag-iyak.
"Its all my fault. Nung una si Asheru tapos ngayon.... Bakit lahat nalang ng minamahal ko gusto nyang kunin sakin!?"
"That's not true, Alyah. Everything's happen for a reason. Wag mong sisihin ang Diyos. Mabubuhay si Klay. Just trust him."
Erin took a deep breath saka sya naglakad palabas ng Ospital. Gusto nyang umiyak dahil sobrang bigat na nang nararamdaman nya. Gusto nyang ibuhos lahat ng galit at sakit sa pag-iyak.
"Erin..."
Erin wipe the tears in her cheeks ng marinig nya ang pagtawag ni Zayn. Hindi sya humaharap rito kaya ito na ang pumunta sa harapan nya.
"Let it out! Mas bibigat lang ang pakiramdam mo pag hindi mo nilabas yan." Puno ng pag-aalalang sabi ni Zayn na parang nababasa ang nasa isip nya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘
Teen Fiction"Shut up or else.... I'll Kiss you!" "Wrong answer! Now You're mine!" "Just Choose! Say Yes or you're Dead!?" "One Shit.. One Kiss!" Pare parehong lalaking may iba't ibang katangian. Dahil sa isang aksidente magiging pag mamay-ari ako ng apat na lal...