Chapter Sixty Nine #TrueColor.

916 20 1
                                    

*Erin P.O.V*

"Maraming Salamat po Aling Martha." Halos sabay naming sabi ni Klay kay Aling Martha na nagpasilong samin sa karinderya nya. Tila na ang ulan kaya pwede na siguro kami umalis.

"Walang anuman. Mag-iingat kayo." Sabi ni Aling Martha ng maihatid nya kami sa labas.
"Salamat po ulit." Sabi ko saka pumara si Klay ng taxi. Kaway lang kay Aling Martha ang tanging nagawa ko habang papalayo ang sinasakyan namin. Hindi ko ipagkakaila na may natutunan ako sa kwento ng buhay nya. Natutunan ko ang maging matapang para hindi mo pagsisihan ang pagiging duwag mo sa huli. Kailangan ko na sigurong harapan ang kinatatakutan ko dahil hindi lang to para sakin. Para to sa mga taong nakapaligid sakin.. Para sa mga taong handang protektahan ako.. at para kay Zayn...

"Are you okay?"

Tiningnan ko si Klay ng may ngiti sa labi saka ko marahang tumango .

"Thank you kasi hindi mo ko iniwan."
"Sinabi ko naman sayo diba? Im always here to pick you up when you get down." He said na lalo kong ikinangiti. I'm so lucky to have him pero wala nang mas suswerte pa sa babaeng nakalaan para sakanya.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa Hospital. Kahit nahihiya parin ako sa mga tao na pinagtitinginan parin ako nagkunwari parin akong hindi apektado. Yun lang yung magagawa ko.

"Erin?"

Napahinto ako sa pagsakay ng elevator ng marinig ko ang tawag ni Alaine mula sa likuran. Naramdaman ko ang paghawak ni Klay sa kamay ko pero binitawan ko yon.

"Mauna kana sa taas. Kailangan kong makausap si Alaine." Sabi ko kay Klay pero kumunot lang yung noo nya.
"Pero----"
"I'm fine."
"Fine. Wag ko lang makikita na umiiyak ka dahil baka kung ano magawa ko sakanya." He said na ikinangiti ko.
"Oo na. Thanks."

Hinintay ko muna na makapasok si Klay sa elevator saka ko nilapitan si Alaine. Nakakainis lang kasi bakit may talent sya sa pagiging peke?

"Where have you been? Kanina kapa namin hinahanap ni Zayn. He's so worried." May pag-aalala sa mukhang tanong ni Alaine.
"Ikaw nag-alala ka manlang ba?" I asked back.
"Of course! Ano bang klaseng tanong yan?"

I Smile at her dahilan para mangunot lalo ang noo nya.
"If you dont mind pwede ba kita makausap?"
"Yes. About what?"
"Lets go to somewhere else. Its private... Controversial." I said emphasizing the word Controversial saka ko nagsimulang maglakad papunta sa fire exit ng Hospital, Wala naman masyadong nagpupunta don kaya mas makakapagusap kami ni Alaine ng maayos..

"Wait! Parang gusto ko yatang kabahan. Ano ba yon?" Tanong nya..
"About you for being fake!" Sabi ko pag harap ko sakanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mukha nya pero napaltan yon agad ng mahinang pagtawa.

"Fake? What are you talking about? Stop joking around,ok? Its not funny."
"Wag ka nang magpanggap. Ano bang kasalanan ko sayo para siraan mo ko?" Diretsa kong tanong. Saglit syang natahimik pero bigla nalang syang tumawa ng mahina.

"Urgh! Akala ko pa naman napakabobo mo para hindi mahalata yon." She rolled her eyes and cross her arms saka may nakakalokong ngiting nakatingin sakin. "Ang hirap pala magpanggap. Gosh! Erin ang dali dali mo talaga mauto."

"Bakit mo ginagawa to? Ano bang kasalanan ko sayo?" I askes trying to not let my tears fall down.
"Madami. Gusto mo ba isa isahin ko pa sayo?"
"Ano bang nagawa ko para maging ganito ka sakin? Yung mga ginagawa mong kabutihan noon peke lang ba lahat yon?" This time tuluyan nang bumagsak ang luhang ayoko sanang makita nya. Ayokong magmukhang mahina sa harap nya pero bakit hindi ko mapigilan ang luha ko?

"Urgh! Wag mo nga kong artehan. Saka hello? Bobo ka ba talaga o sadyang tanga ka lang. Hindi mo parin ba naiintindihan? Okay, To make it clear fine aaminin ko na. Peke lang lahat yon. Masaya kana?"

Naitikom ko ang dalawang palad ko dahil sa narinig ko. Gusto ko syang saktan ngayon pero bakit hindi ko magawa? Bakit nanghihina ako?

"Im sorry, Erin pero nakakatawa ka. Ang dali mo talaga mauto! Tutal bisto mo na ko edi aaminin ko na lahat. Si Klay, Alam mo ba kung bakit sya ang nanalo as council president? Dahil inutusan ko si Aaron na iboto sya para mas mapalapit ka sakanilang lahat. Ako rin ang nagsabi kay Mom na boyfriend mo si Klay kaya nung pinalayas ka nya tinawagan ko si Austin and alam mo ba nag work ang plano ko dahil mas napalapit ka sa lalaking dahilan ng pagkamatay ng nanay mo! Naisip ko na kung mapapalapit ka kay Zayn at pag malaman mo na sya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay mo lalayuan mo sya at mapupunta na sya sakin. Pero dahil sa selfish ka hindi napasakin si Zayn!"

Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga nalaman ko mula kay Alaine. Tama ba tong naririnig ko? Si Alaine ba talaga tong nasa harap ko ngayon? Ang layo nya sa Alaine na sobrang mahal ko.

"Ano pa? Ano pa ang hindi ko alam?" Lakas loob kong tanong kahit gusto nang sumabog ng puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Do you really wanna know?" Mapanukso nyang tanong pero isang malakas na sampal lang ang sinagot ko sakanya.

Nagulat sya nung una pero nang makabawi ay akma nya kong sasampalin pero agad kong napigilan sa ere ang kamay nya.

"Ano pa,Alaine? Pinagkatiwalaan kita pero ikaw pala ang sisira ng buhay ko!"

Marahas nyang binawi sa pagkakahawak ko ang kamay nya.
"OO! AKO NGA ANG SUMIRA NG BUHAY MO DAHIL DESERVE MO YON! AKO ANG NAUNA KAY ZAYN PERO MULA NUNG DUMATING KA NABALEWALA NALANG AKO BIGLA! INAGAW MO LAHAT SAKIN KAYA HINDI KO HAHAYAAN NA MAGING MASAYA KA. MAY GUSTO KA PA BA MALAMAN!? CGE! AKO ANG NAGSABI KAY ANGELA NA PIPIGILAN MO ANG KASAL PARA KAYONG DALAWA ANG MAGKAGULO.. PARA MAWALA KAYONG DALAWA NA HADLANG SAMIN NI ZAYN! NGAYON ALAM MO NA MASAYA KANA?"

"Masaya? Tingin mo ba magiging masaya ko? Yung aksidente na nangyari samin ni Cindy, May kinalaman kaba don?" I asked kahit mukhang alam kona ang sagot.
"Lahat,Erin. Tingin mo ba magagawa nila yon ng wala ako? Bobo ka talaga. Bakit kasi hindi kapa namatay noon palang!"

*SLAPPPP!*

Sa ikalawang pagkakataon sinampal ko ulit sya.
"Sana nga para hindi kona to nararamdaman lahat. Sana nga namatay nalang ako para hindi ka naging ganito. Akala ko pa naman kakampi kita pero mali ako. Isa ka pala sa mga taong hindi ako naiintindihan. Napakaselfish mo!"

Pinunasan ko yung luha sa mata ko saka ko sya iniwan don. Si Alaine, hindi ko akalaing magagawa nya to sakin. Dahil sa pagmamahal nya kay Zayn nagawa nya kong saktan ng ganito. Totoo ngang nakakabulag ang pag-ibig.

A/N: Alaine's true color 😈 pwede nyo na syang itapon papuntang venus guyz 😂✌ Thanks for reading.

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon