Chapter Seventy One #Everythingwillbeokay.

986 22 2
                                    

*Erin P.O.V*

Its been one week simula ng mamatay si Ash pero sariwa parin sakin ang sakit. After ng libing nya umuwi nako sa bahay namin. Yung bahay namin na walang ibang ginawa kundi ang ipaalala sakin si Ash. At si Era na wala pang kaalam alam na wala na ang Daddy nya. Pano ko sasabihin sakanya yon? Ayokong masaktan sya, Ayokong makitang umiiyak ang anak ko.

Hindi ko parin matanggap na hindi kona sya makikita ulit. Hindi ko parin malimutan ang pangyayaring yon. Naaalala kopa kung pano sya nabaril at namatay ng wala kong nagawa. Namatay sya ng dahil sakin. Nawala si Asher dahil sakin.

*Knock Knock*

"Mommy! May bisita ka." Rinig kong katok at tawag ni Era mula sa labas ng kwarto ko. Marami nang bisita ang dumadalaw sakin pero wala kong lakas ng loob harapin sila. Siguro nga tama si Alyah na kasalanan ko lahat. Puro kapahamakan lang ang dala ko sakanila. Pag nawala siguro ko magiging maayos na ang buhay nila...

Si Zayn... Mahal na mahal ko sya pero ayokong maging dahilan para mawala sya. Nawala na si Asher ng dahil sakin at hindi ko na kakayanin pa na pati si Zayn mawala. Sana ako nalang yung nabaril... Sana ako nalang yung namatay.

"Mommy! Please.. Lumabas kana po." Sabi ulit ni Era pero nakatitig lang ako sa kisame.
Kung magpakamatay nalang kaya ako? Hindi ko na kaya pa ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng tapusin to.

"Erin.. Open the door please."

Napatingin ako sa nakasarang pintuan ng marinig ko ang boses ni Zayn. After malibing ni Asher hindi ko na sya kinausap o tinetext man lang. Natatakot ako na baka pag nanatili ako sa tabi nya sya naman ang mawala sakin. Kahit sobrang namimiss ko na sya handa akong tiisin na hindi sya makausap para maprotektahan sya. Yun lang yung kaya kong gawin bilang bawi sa lahat.

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang lakas ng pagkatok sa kwarto ko. Kasabay ng pagpikit na yon ang pagtulo ng luha sa mata ko. Zayn dont deserve someone like me kaya dapat hindi nya na ko mahalin pa.

"Erin ano ba!? Please.... Buksan mo to." He shouted again.

I took a deep breath saka ko bumango sa kama. Bubuksan ko ba? Kaya ko ba syang harapin? Pilit kong pinapatahan ang sarili pero ayaw tumigil ng luha ko. Ayokong makita ni Zayn na nagkakaganito ako.

Muntik na kong mapasigaw ng marinig ko ang malakas na galabog sa labas. Malakas ang kutob ko na pilit sinisipa ni Zayn ang pinto para bumukas yon. Hindi! Hindi nya ko pwedeng makita.

Nagsisimula palang akong humakbang papunta sa banyo para dun magkulong ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makitang may dugo ang kamao ni Zayn may tumutulo ring luha sa mata nya. Kagaya ni Zayn umiiyak narin maging si Era.

"Mommy!" She cried saka patakbong yumakap sakin. Nanatili lang akong nakatayo at hindi makakilos. Gulat lang akong nakatingin kay Zayn na kapwa rin nakatingin sakin.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng biglang tumulo ang luha sa mata ko. Ano ba? Bakit hindi ko mapigilan ang luhang to?

"Era.. Pwede bang iwan mo muna kami ng Mommy mo?" Puno ng pakiusap na sabi ni Zayn pero tumingala lang sakin si Era.
"Mommy. Wag kana magkukulong ah? Tawagin mo nalang po ako pag kailangan mo ko. Nandon lang po ako sa labas."

Wala kong ibang nagawa kundi ang yakapin si Era. Pano ko makakayang sabihin sakanya ang pagkawala ng Daddy nya? Ayokong masaktan sya. Hindi ko yon kaya.

"I love you Mommy." Then she kissed me on my cheeks saka sya tuluyang lumabas.

I took a deep breath saka ko tumayo ng ayos at pinunasan ang luha sa mata ko. Para hindi marinig ni Era ang anumang paguusapan namin sinara ni Zayn ang pinto saka sya nakamulsang humarap sakin.

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon