Chapter Fourty Nine #HowToLetYouGo?

977 29 0
                                    

Nang makarating ako sa playground ay nanlumo ako dahil wala kong Zayn Ford na nakita don. Hindi nya naba ko hinihintay? Sigurado na ba syang pakakasalan nya si Angela?
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa isiping yung lalaking mahal na mahal ko ay magpapakasal nalang sa iba. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa isiping... Parang nagsawa na syang hintayin ako.

"Chichi...?"

Natigilan ako ng makilala ko ang boses na yon. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko sya di kalayuan sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

"Z-Zayn.." I whispered kasabay ng tuloy tuloy na pagbagsak ng luha sa mata ko.

Nakatitig lang sya sakin at ganon din ako sakanya. Sa tagal ng hindi namin pagkikita lalo syang gumwapo sa paningin ko. Lalo kong nakikita sakanya yung Zayn na minahal ko nung mga bata pa kami at yung Zayn na minamahal ko parin hanggang ngayon. 

"Akala ko.. Wala kana... Akala ko... Nagsawa ka nang hintayin ako." Sabi ko sa pagitan ng pagiyak.
"Mapapagod lang ako pero hindi ako magsasawa.. Im glad you're back!" May ngiti sa labi nyang sabi. Hindi nakaligtas sa paningin ko yung luhang tumulo sa mata nya na agad nyang pinunasan.
"Totoo bang magpapakasal kana kay Angela?"
Yumuko sya kasabay ng marahang pagtango.

"Kung ganon bakit naghihintay ka parin? Bakit pinapagod mo yung sarili mong hintayin ako!? Bakit nandito ka parin? Bakit mo pinahihirapan ng ganito ang sarili mo kung magpapakasal ka na pala sakanya? Bakit mo-------"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis syang nakalapit sakin at lumapat ang labi nya sa labi ko. My eyes widened when i felt his lips again. My God! I really miss this man.

"Because its hard to let you go! I dont know how to let you go." He whispered matapos nya kong halikan. This time pinagdikit nya ang noo naming dalawa at nakikita ko na ngayon ng malapitan ang mga luhang tumutulo sa mata nya.

"Pero bakit ka magpapakasal sakanya? Diba nangako ka sakin? Ako yung pakakasalan mo diba?"
In second time.. I felt his lips again. This time parang ayaw na namin pakawalan ang isat isa. Sa loob ng limang taon hindi sya nawala sa isip ko. Araw araw sya ang nasa panaginip ko. Minuminuto naiisip ko kung naghihintay paba sya o hindi? Iniisip ko kung mahal nya parin ba ko o may iba na?

"Mahal na mahal kita.. Hindi yon mawawala,My wife!"
"Pero bakit ka nga magpapakasal sakanya!? Sagutin mo naman yung tanong ko! Hindi ko maintindihan e!" I shouted kasabay ng tuloy tuloy na luha sa mata ko.
"Just.. Forget me. Wag mo na kong mahalin dahil hindi ko yon deserve.. You deserve someone better than me."
"No! No Zayn!" I said habang umiiling. "Nangako ka! Eto nako O! Bumalik nako Zayn! Please, Wag mong gawin to!"
"I have to,My wife."
"But Why..? Sabi mo mahal mo ko? Kaya mo nga ko hinintay diba?"
"Listen.." He cupped my face and kissed my forehead -"Mahal na mahal kita. But we should have to let each other go."
"How? How to let you go,Zayn!? Hindi ako papayag na pakasalan mo si Angela!"
"I've made my decision. I will marry her. Just.. Forget me again,huh? Find a man who can love you more than the way that i love you. My Wife.. You're the one and only wife for me. Ikaw lang yung mamahalin ko, But you have to forget me. This is for your own good. Im really glad that i see you again. Mahal kita." Huling katagang narinig ko sakanya saka sya tuluyang naglakad palayo.

"DIBA SABI MO PUMUNTA KO DITO PAG NAPATAWAD NA KITA!?" Sigaw ko dahilan para tumigil sya pero hindi nya ko nililingon. -"ANG DAYA DAYA MO NAMAN E! NAPATAWAD NA KITA KAYA KO NANDITO! SABI MO KASI AKO YUNG PAKAKASALAN MO! SABI MO AKO LANG YUNG MAMAHALIN MO DIBA!? Umasa ko,Zayn! UMASA KO NA SA PAGBALIK KO MAY BABALIKAN PA KO!" I shouted again pero lalo kong napaiyak ng magpatuloy lang sya sa paglalakad.

"ZAYNNN! PLEASE!!!" I shouted habang sinusundan lang sya ng tingin. Wala kong nagawa kundi ang umiyak nalang habang sinisigaw ang pangalan nya hanggang sa makasakay na sya ng kotse nya at mawala sa paningin ko.
Mahal na mahal ko sya! Mahal na mahal ko si Zayn...

A/N: Thanks for reading. This is it! 😍😂

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon