*Erin P.O.V*
Abala ko sa pagpupunas ng luha ko habang naglalakad ako palabas ng Campus. Hihingi ako ng tawad kay Mom at aalamin ko sakanila kung ano ba talaga ang totoo. Kung nagka amnesia ba talaga ko? Alam kong may makukuha kong sagot sakanila dahil sila ang kumupkop sakin ng iwan ako ni Mom.
"Erin?"
Napahinto ako sa paglalakad ng may makita kong lalaking nakasandal sa gate ng Campus. May hawak syang sigarilyo na agad nyang tinapon ng makita ko.
Yumuko nalang ako at nagsimulang maglakad ulit pero bigla syang humarang sa dadaanan ko.
"Whats wrong?" He asked.
"Umalis ka sa dadaanan ko Zayn!" I said habang nakayuko parin.
"I said whats wrong?" He asked again.
"Bat ba ang kulit mo? Inabangan mo pa talaga ko dito!?" Inis kong tanong. By this time. Nakatingin na ko sakanya.
"Si Angela ang inaantay ko rito. Im just asking kung anong nangyare? Okay ka lang ba?"Yes! Nakaramdam ako ng konting hiya nung sinabi nyang si Angela ang hinihintay nya. Humopia ako Bes!
"Ah-- Ano bang pake mo? Umalis ka nga sa dadaanan ko!"
Binangga ko sya sa braso ng lalampasan ko na sya pero nagulat ako ng hawakan nya ko sa kamay para pigilan."Erin..."
"Bitawan mo nga ako!" I shouted saka ko binawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
"What happened to you?"
"It's none of your bussiness." I said saka ko tuluyang umalis.
---*Ilang minuto akong naglakad ng wala sa sarili bago ko nakarating sa bahay nila Mom. I took a deep breath first saka ko nagdoorbell. Ilang segundo ang lumipas bago lumabas si Mom. Expected ko na na si Mom at Dad ang maabutan ko dito dahil imposibleng hindi pumunta si Alaine sa Js Prom.
"Oh! Erin anak."
Naginit ang dalawang gilid ng mata ko ng marinig ko yon mula sakanya. Dali dali nyang binuksan ang gate saka nya ko niyakap ng buong higpit."Im sorry,Erin.. Nadala lang ako ng galit ko."
"Im sorry Mom kung naglihim ako sayo. Im really really sorry." This time tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Naiintindihan ko. Namiss kita Erin.."
Kumalas sya sakin saka nya pinunasan ang luha sa mukha ko. Katulad ko may luha naring nabagsak sa mata nya."Mom.. May gusto kong malaman." I said na ikinakunot ng noo nya.
"Ano yon?"
"Nagkaamnesia ba ko?"Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Mom. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang parehas na lumuluha.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Of course not!" Bigla nyang sagot na halatang kinakabahan.
"Mom! Kailangan kong malaman ang totoo! Napapagod na kong manghula! Mom please.. Please tell me."Napayuko si Mom saka nya hinawakan ang kamay ko.
"Si Zayn ang makakapagkwento sayo ng lahat Erin.. You have to talk to him. Dahil sya ang nakakaalam ng buong pangyayare."
"Si Zayn?"
"Talk to him kung gusto mong malaman lahat. Im so proud of you Erin. Sana matanggap mo at mapatawad mo kaming lahat oras na maalala mo ang lahat."
"Mom.. What are you talking about?"
"Just talk to him,My dear. Talk to him"
-----*Tulad ng sinabi ni Mom naglakad na ko pabalik sa Campus pero hindi pa ko nakakalayo sa bahay ni Mom ay nakita ko na ang lalaking gusto kong makausap. Nakasandal sya sa may itim na kotse habang nakapamulsa. Umayos sya ng tayo ng makita nyang naglalakad ako palapit sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked to him. -"Akala ko hinihintay mo si Angela?"
"Sakay. May pupuntahan tayo."
"Im asking you Mr.Ford."
"Ok. I accidentally heard you when you talked to Klay. Im ready to tell you everything kaya sinundan kita. If you want to know the truth you will come with me."
"Why would i come with you? Pwede mo naman sabihin sakin ngayon... DITO!"
"Sakay!"
"San mo ba ko dadalhin?"
"Will you please stop asking? Sumakay ka nalang!"
"Ayoko nga!"
"I assure you. You will regret this pag hindi ka sumakay!"
"Tinatakot ko ba ko Mr.Ford!?" Taas kilay kong tanong.
"Im serious, Ms.Rodriguez!"
"Ok.. Eto na sasakay na!" I rolled my eyes saka ko sumakay sa backseat. Nakakatakot talagang tumingin yung bruhong yon."Pag mumukain mo talaga kong driver?" He asked ng makasakay na sya sa driver seat.
"Demanding ha!" Reklamo ko.
"Lilipat ka ba o ako maglilipat sayo dito!?"
"Urgh! Ok. Lilipat na!!" Inis kong sabi saka ko lumipat sa tabi nya. Kutusan ko kaya to masyadong maarte!
"Wear your seatbelt."
"Ok na." I said ng masuot ko na yung seatbelt saka nya pinaandar ang kotse.Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala yung nasaksak si Zayn. He sacrifice his life just to protect me. Sana kaya ko ring gawin yon para sakanya.
Ganto rin yon. Magkasama kami sa iisang kotse hanggang sa bumuhos ang ulan at maganap yung bangungot na yon. Thankful talaga ko at naging ok sya dahil kung hindi.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.A/N: Thanks For reading. Vote please.
BINABASA MO ANG
Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘
أدب المراهقين"Shut up or else.... I'll Kiss you!" "Wrong answer! Now You're mine!" "Just Choose! Say Yes or you're Dead!?" "One Shit.. One Kiss!" Pare parehong lalaking may iba't ibang katangian. Dahil sa isang aksidente magiging pag mamay-ari ako ng apat na lal...