*Chapter Fifteen* #TakingCareOfHer.

1.7K 75 0
                                    

*Austin P.O.V*

Sh*t Sh*t Sh*t!! Bakit ba sya nasa gitna ng ulanan? Kung hindi ko pa nalaman mula kay Aaron na pinalayas sya hindi ko pa sya makikita sa playground. Kung hindi siguro ko dumating malamang wala na syang malay don! F*ck!

Nakatayo lang kaming apat habang pinapanood ang ginagawa nung private doctor namin kay Erin. Di man aminin ni Zayn alam kong nag-aalala rin sya para kay Erin dahil kung hindi.. Hindi nya iiwan si Angela para pumunta lang dito.

"Is she ok,?" Worried na tanong ni Klay na dapat ako ang magtatanong. Tch! Wala e. Naunahan nya ko.
"She's fine now. But she need to take some rest." Sagot ni Doc Castro.
"Ow! Thanks"

"I have to go. May meeting pa ko."

Nagpasalamat muna kami bago sya umalis. Nilapitan ko si Zayn na nakasandal sa may bintana ng kwarto habang nakatingin kay Erin. Seryoso lang sya at hindi halata sakanya ang pag-aalala dahil saming apat sya ang pinakamagaling magtago ng nararamdaman.

"Is she really ok?" He asked habang nakatingin parin kay Erin na mahimbing na natutulog.

"Sabi naman ni Doc okay na sya." Sagot ko. This time hawak na ni Klay ang kamay ni Erin pero walang magawa si Asher kundi panoorin lang to. Wala kaming magawa dahil hindi naman kami ang boyfriend nya.

"Take care of her. Aalis lang ako." He said.
"San ka pupunta?"

"Sa mga taong dahilan kung bakit nasa ganyan syang kalagayan ngayon!"

----

*Erin P.O.V*

"Aalis kana? Iiwan mo nako?" Iyak ng isang batang babae sa gitna ng ulan.

"Hindi! Diba sinabi ko sayo na hindi kita iiwan?"

Kahit may luha sa mata pinilit parin ng batang babae ang ngumiti dahil sa sinabi sakanya ng batang lalaki.

"Promise? Hindi ka aalis?"

"Promise.. Cross my heart. Hindi hindi tayo magkakahiwalay Chichi."

"Ako lang ang pakakasalan mo diba?"

"Syempre naman. Hinding hindi ako maghahanap ng iba. Si Z ay para lang kay Chichi at si Chichi ay para lang kay Z diba?"

Lalong nadagdagan ang ngiti sa magandang mukha ng batang babae ng punasan ng batang lalaki ang luha na dumadaloy sa pisngi nya.

----*

"Z!!!!!!!"

"CHICHI!!!!"

Kasabay ng pagbuhos ng ulan pilit kumawala si Z at Chichi sa kamay ng mga magulang nila para malapitan ang isa't-isa. Nanakbo sila palapit sa isa't-isa na may luha sa mata.

"Aalis kana? Kala ko hindi mo ko iiwan?" Iyak ni Chichi

"Aalis ako.. Pero isasama kita.."

"A-Ano?"

Kasabay ng pagsigaw ng kanilang mga magulang sakanilang pangalan ay ang paglaya ng dalawang batang nagmamahalan. Ngunit ang paglayang ito pala'y may kaakibat na sakit... At pasasakripisyo..

*BOOGSXZZZ*

---*

"Erin.. Wake up. Erin!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na yon. Nararamdaman ko parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.. Ano yon? Bakit ko yon napaginipan?

"Loves.. Are you okay?"

Napatingin ako kay Klay na ngayon ay worried na nakatingin sakin. Nananaginip nanaman ba ko? Diba nasa-----

"Asan ako?" Tanong ko sakanya ng maalala ko yung nangyari kahapon. Bigla nalang akong nawalan ng malay na makita ko si Austin sa harapan ko.

"Nasa kwarto ka ni Austin. Ok ka na ba loves?"

"Ok lang ako.."

Natigilan ako ng mapansin kong iba na ang suot kong damit. My eyes widened ng maalala kong puro lalaki ang kasama ko dito. Uh-Oh!

"Loves.. Bakit?"

"WHAAAAAAAAAA!!!!!" Sigaw ko. NO NO NO!!! Nakita na ba nila lahat? NOOOOOO!!!!

"Hey what happened..." Halos sabay sabay na tanong ni Zayn,Austin at Asher na halatang nagmadaling pumunta rito.

"Erin..Why?"

"Wala naman kayong nakita diba? WHAAA!! Anong ginawa nyo sakin?"

"What are you talking about?" Austin asked.
"Nag mamaangmaangan pa kayo? Bakit iba na tong suot ko? BAKIT!??" I shouted.

"Wala kaming ginawa at nakita sayo kung yan ang iniisip mo. Yung Doctor namin ang nagbihis sayo ng damit.." Pagpaliwanag ni Austin.

"DOCTOR!? Edi----"

"Doctor na BABAE!" Putol nya sa sasabihin ko.. Oh! Uh-Oh!

"Next time. Alamin mo muna lahat bago ka magreact! And Hindi kita type para gawin ko yon!" Sabi ni Zayn saka to lumabas sa kwarto. Tch! HINDI TYPE!? Kaya pala ninakaw nya first kiss ko kasi hindi nya DAW ko type. Leegan ko kaya sya!

"Are you ok?" Klay asked.

Tumango lang ako saka ngumiti ng pilit sakanya.

"We decided na dito ka nalang muna tumira hanggat wala ka pang matutuluyan." Agad akong napatingin kay Austin dahil sa sinabi nya.

"Are you serious?" I asked in disbelief. Oh My Lord! Sinapian ba sila ng isa sa mga anghel mo?

"Yes!"

Sa di ko malamang dahilan ay napatakbo ko payakap sakanya.

"Oh! Thank you Thankyou!" Masaya kong sabi habang nakayakap sakanya.

"Ehemm!"

Natigilan ako ng marinig ko yon mula kay Asher at Klay. Teka... Agad akong lumayo kay Austin dahil sa masamang tingin ng BOYFRIEND ko at ni Asher. Okayyy!!

"But not free. Kailangan mong paghirapan ang pagtira mo dito---"

"Austin! That's not fair! She's my Girlfriend and-----"

"And then? That's Zayn decision. So if you have a problem with that and if you want to put yourself in danger. Talk to him!" Pananakot nito.

"Tch! He's not fair!"

"Then tell him!"

"Klay.. Ok lang. Tama naman sila e. Hindi fair na makikitira ko dito nang wala kong gagawin." Nakangiti kong sabi kay Klay.

"Ok ka naba talaga? Ang taas ng lagnat mo kagabi." Worried nyang tanong.

"Okay na ko. Siguro sobra lang akong napagod kahapon." I answered.

Nakita ko naman ang ngiti sa mukha nya na lalong nag pagwapo sakanya. Now! I admit to myself na GWAPO NGA SILA and Luckily.. IM LIVING WITH THEM....

A/N: Kamsa for reading ^_^ 

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon