Chapter Seventy Two #KlaYah 💞

942 18 0
                                    

*Erin P.O.V*

"Tito Zayn!!!!"

Napatingin ako sa may pintuan ng manakbo si Era papunta don. Hindi ko napigilang mapangiti ng makita ko si Zayn na sinalubong naman ng yakap ni Era.

Its been a month... three months actually but until now, Hindi parin alam ni Era ang tungkol sa dad nya. Yes! Walang araw na hindi sya nagtanong tungkol kay Asher pero sa loob ng tatlong buwan na yon wala parin akong lakas ng loob sabihin sakanya. Nakita ko kung pano nasaktan si Era nang malaman nya na ampon lang namin sya dahil namatay ang tunay nyang mga magulang, Ayoko na ulit makita yon sa anak ko. Ayoko na ulit makitang nahihirapan sya dahil mas nasasaktan ako. Alam ko mali ang magsinungaling sakanya dahil darating ang araw na malalaman nya rin ang totoo pero para sa ikabubuti nya, Gagawin ko kahit ako pa ang magmukhang masama sa huli. Mahal na mahal ko lang talaga ang anak ko.

"Hey!"

Napakurap kurap ako ng pitikin ni Zayn ang ilong ko. Nakaupo na pala sya sa tabi ko ng hindi ko namamalayan, Kinuha ko yung remote sa gilid ko para patayin yung Tv saka ko nilingon si Era na bumalik na sa pag-lalaro ng barbie doll nya.

"Hindi mo parin ba sasabihin sakanya?"
Napatingin ako kay Zayn dahil sa tanong nya.
"I decided na wag na muna. May trauma pa si Era dahil nalaman nya na namatay yung mga tunay nyang magulang nung pinanganak sya. Ayokong makitang nasasaktan ang anak ko, And I hope you will understand."
"I'll respect your decision but if you need me, Just call me. I got your back."

Napangiti ako kasabay ng marahang pagtango.
"Thank you."
"I love you, Chichi.. I will always be." He whispered to my ear ng kabigin nya ko para yakapin.
"I love you too,Z. Hinding hindi ko pagsisisihan na nakilala kita. I'm so lucky to have you."

I saw a smile on his handsome face ng kumalas sya sakin. Bakit sa tagal na naming magkakilala kinikilig parin ako sa ngiti ng taong to? Bakit kasi sinilang syang ganito kagwapo? Hindi ko na tuloy sya mapakawalan.

*Knock Knock*

Halos sabay kaming napalingon sa may pintuan ng marinig namin ang marahang pagkatok don.

"May bisita ka?" Zayn asked.
"I dont know. Wait, Titingnan ko."

"Ako na po magbubukas Mom." Pigil ni Era ng akma akong tatayo para lapitan yung pinto. Patakbo syang nanakbo sa may pintuan para buksan yon.

Mabilis akong nakalapit para hilahin papasok ng bahay si Era ng makilala ko kung sino yung hindi ko inaasahang taong darating sa bahay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang hawak si Era sa likuran ko.
"I just want to see, Era. May masama ba don?" She said dahilan para maitikom ko ang dalawang palad ko. Ang kapal ng mukha nya!

"Alaine, Please. Umalis ka nalang." Sabat ni Zayn kaya napunta sakanya ang atensyon ng babaeng yon.
"Why? I just want to see, Era ok? Wala naman sigurong masama don." she answered saka nya tiningnan si Era na nasa likuran ko. "C'mon Baby. Come to Tita."

"No!" Pigil ko ng akmang lalapit si Era sa hindi mapagkakatiwalaang bruhang yon. -"Pwede ba umalis kana."
"Ano bang nangyayare sayo,Erin? Hindi ko sasaktan si Era,ok?"
"Minsan mo na kong niloko tingin mo magtitiwala pa ko sayo? Dream on!" I shouted dahilan para ngumiti sya ng nakakaloko.

"Hindi lang naman ako yung marunong manloko dito diba?" Makahulugan nyang tanong.
"Umalis kana!"
"Bakit natatakot kaba? Bakit ayaw mo nalang sabihin yung totoo?"
"Pag hindi ka umalis ngayon tatawag ako ng pulis."
"Go ahead! Hindi ako natatakot,Erin. Aalis lang ako pag narinig kona mula sayo ang totoo. Bakit ayaw mo pang sabihin kay Era? Masyado mo lang pinapaasa yung bata na babalik pa ang Dad nya dahil hindi na mangyayari yon! Patay na si Asher! Hindi na sya babalik pa------"

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon