"Oh my.. Nooo!! Zayn!!!"
Nang makita kong paalis na yung sasakyan ng mga panget na yun ay agad akong lumabas ng kotse para lapitan si Zayn. Nakahiga sya sa daan habang hawak ang tiyan nyang sinuntok nung panget na Fred na yon. Nagdurugo rin ang labi nya pati narin ang ulo nya.
"Zayn.." I whispered.
Tumingin muna sya sakin saka sya dahan dahang tumayo. Nakikita ko parin ang pag ngiwi nya dahil sa sakit. Inalalayan ko sya papasok ng sasakyan.
"Zayn.. Im sorry"
"Wag kang mag sorry. Hindi mo kasalanan" He said kahit nahihirapan na syang magsalita.
"Nagdudugo yung labi mo."
Dinukot ko sa bulsa ko yung panyo saka ko lumapit ng konte sakanya. Napapangiwi sya habang pinupunasan ko yung dugo sa labi nya.
"Thank you for saving me. Akala ko ibibigay mo na talaga ko sakanya" I said. Nagulat ako ng pigilan nya yung kamay ko sa pagpunas ng dugo sa labi nya.
"Hindi ko to ginawa para sayo. Im sure magagalit sakin si Klay pag pinabayaan kita."
"Kahit na. Thankful parin ako." Nakangiti kong sabi pero nagiwas lang sya ng tingin.
"Isuot mo to. Basang basa kana baka magkasakit kapa." Sabi nya saka inabot sakin yung itim na leather na kinuha nya sa backseat.
"Ikaw dapat ang magsuot nyan. Ok lang ako."
"Haist! Bat ba ang tigas ng ulo mo?"
Umusod sya ng konti para ipatong sa likod ko yung leather jacket. Naamoy ko yung bango nya dahil sa paglapit nya sakin. Shucks! Ang bango ng lalaking to ah.
"Thanks." I said.
Tumango lang sya saka sya sumandal. Sapo nya parin yung tiyan nya habang nakapikit. Dun ako nagkaron ng Chance na titigan sya.
Ang gwapo nya pala talaga. Yung ilong nya.. Yung lips.. Tapos yung medyo mataba nyang cheeks. My Ghad! He's so cute!!! Yung dating akala kong Zayn Ford na basagulero. Na babaero. Na lagi nalang masungit ay caring rin pala. Parang ibang Zayn Ford ang kasama ko ngayon.
"Why are you staring at me?"
Napakurap kurap ako ng bigla syang magmulat ng mata. OMO!
"A-ah.. Ano kasi... may dumi yung mukha mo.." I lied.
"Tanggalin mo" He command.
"H-ha?"
"Sabi mo may dumi. Tanggalin mo."
"C-cge.."
Dahan dahan kong hinaplos yung pisngi nya para kunyari may tinatanggal akong dumi kahit wala naman -_- Hays! Kailan pa ko natuto ng hukage moves?
"Wala paring nagbago sayo."
I paused for awhile dahil sa sinabi nya. Seryosong seryoso yung mukha nya na lalong nagpagwapo sakanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw parin yung Erin na laging nagpupunas ng pisngi ko pag may dumi. Ikaw parin yung Erin na lapitin ng lalaki kaya lagi akong may bangas pag uuwi ng bahay. Ikaw parin yung Erin na.... Gustong gusto kong protektahan."
"Hindi kita maintindihan,Zayn." Gulong gulo kong sabi na ikinangiti nya.
"Maiintindihan mo rin lahat balang araw. Sana pag dumating yung araw na yon.. Mapatawad mo ko."
BINABASA MO ANG
Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘
Teen Fiction"Shut up or else.... I'll Kiss you!" "Wrong answer! Now You're mine!" "Just Choose! Say Yes or you're Dead!?" "One Shit.. One Kiss!" Pare parehong lalaking may iba't ibang katangian. Dahil sa isang aksidente magiging pag mamay-ari ako ng apat na lal...