(One Month Later)
*Erin P.O.V*
"Mom!!! May nag-iwan ng invitation sa labas!" Sigaw ni Era habang nananakbo palapit samin. Kasalukuyan kaming kumakain ni Asher ng umagahan.
"Invitation?"
"Yes."Kunot noong kinuha ni Asher kay Era ang invitation para tingnan yon. Lalong nangunot ang noo nya habang binabasa ang nakasulat sa invitation card.
"Kanino galing?" I asked. Tumingin sya saken kasabay ng malalim na paghinga.
"Kay Angela. Magkakaron ng night party mamaya para sa advance celebration ng kasal nila bukas."Authomatic kong nabitawan ang hawak kong kutsara dahil sa narinig ko. Bukas!? Walang sinasabi sakin si Zayn na bukas na pala ang kasal nila. Bakit hindi ko to alam!?
"You ok?" Tanong sakin ni Asher.
"I have to go. May kailangan pa nga pala kong gawin."
"Erin!!" Tawag ni Asher pero daredaretso lang ako sa pagakyat sa kwarto ko. Kailangan kong makausap ngayon si Zayn. Hindi pwede syang magpakasal kay Angela bukas. Nangako sya! Nangako sya na ako lang ang pakakasalan nya!Ilang beses ko munang tinawagan ang cellphone nya pero walang sumasagot kaya agad akong nagbihis para puntahan sya sa Office nya. Magbabakasakali akong nandon sya.
"Where are you going?" Tanong ni Asher ng makasalubong ko sya sa hagdan.
"May pupuntahan lang ako."
"Si Zayn? Wag ka nang mag-abala pa dahil wala na sya. Tinawagan ako ni Austin and nasa baguio daw si Zayn dahil dun gaganapin ang kasal bukas."
"So you mean wala sya sa party mamaya?"
"Yes! Pinadala ni Angela si Zayn sa baguio dahil alam nyang nagkikita kayo. Tama diba? Nagkikita kayo?"Hindi ko nakuhang makasagot sa tanong na yon ni Asher dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kailangan ko pa bang magsinungaling kung bisto na ko?
"Alam ko,Erin. Sa bawat araw na wala ka alam kong kasama mo sya. Iba yung saya mo pag umuuwi ka. Kung ako lang hahayaan ko kayo pero si Angela. Hindi nya hahayaang mawala si Zayn sakanya. Alam mo kung gano kita kamahal kaya nga kinakaya ko lahat pero hindi ako papayag ngayon na mapahamak ka nanaman dahil sakanila."
"Pero kailangan kong pigilan si Zayn! Sana naman maintindihan mo ko! Ikakasal na sya! At ang masakit hindi sakin kundi sa iba,Asher. Sa iba!""Alam nya ang ginagawa nya,Erin."
Halos sabay kaming napatingin ni Asher sa hindi ko inaasahang tao na pupunta ngayon sa bahay ko.
"Austin?"
"Yes. And weather you like it or not sasama ka sakin."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Nilingon ko si Asher at mukhang may alam sya tungkol dito.
"You must come with him,Erin." Asher said.
"But why? Kailangan kong pigilan ang kasal ok? kaya hindi ako sasama!"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Sasama ka gustuhin mo man o hindi!" Matigas ng tonong sabi ni Austin.
"Ba't ba rin ang tigas ng ulo nyo!? I said NO! I need to stop the wedding! I won't let Angela to win against me!"
"Im sorry Erin. Ayokong gawin ang plano ko para sumama ka kaya tatanungin muna kita. Say yes or... you're dead!"Base sa mukhang nakikita ko kay Austin seryoso sya sa sinasabi nya. Nabalik na ang dating Austin na kilala ko.
"Fine! Kung hindi ko lang rin mapipigilan ang kasal mas mabuti nalang sigurong mamatay nalang ako! Go ahead,Austin.. Kill me!"
Ilang saglit syang hindi nagsalita. Ganon din si Asher na parang nakikiramdam kung anong dapat gawin.
I heard Austin sign saka sya namulsa sa harapan ko. -"Im sorry,Erin but we have to do this."
"What are you-----"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman kong may tinakip na panyo si Asher sa ilong ko mula sa likuran. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyare dahil naging black na ang paningin ko hanggang sa.....
*Black Out*
*Asher P.O.V*
"San natin sya dadalahin ngayon?" Tanong ko kay Austin matapos kong lingunin si Erin sa backseat na tulog na tulog.
"Sa town house nila Zayn." Maikling sagot ni Austin na nakatuon ang atensyon sa kalsada.I just took a deep breath saka ko nilingon ulit si Erin. Hindi ko alam kung bakit sobra ko kung mag-alala pag dating sakanya. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako pag nasasaktan sya. Hindi ko alam kung bakit buong buhay ko isa lang ang hinangad ko... Ang maprotektahan sya. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko sya kahit hindi naman ako yung gusto nya nung una palang. Mahal na mahal ko sya... Hindi ako papayag na mapahamak nanaman sya. Gagawin ko lahat.. Maprotektahan ko lang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Gagawin ko lahat para sakanya..
"Ihinto mo ang sasakyan,Austin bababa ako."
May pagtataka sa mukhang tumingin lang sakin si Austin.
"Nababaliw ka naba? Gusto mo bang ako ang gerahin ng babaeng to pag nagising sya?"
"May plano ako. Kailangan ako ni Zayn bukas sa kasal nya."
"Ano!? Ano namang gagawin mo don? Magtiwala tayo kay Zayn. Alam nya ang ginagawa nya."
"I know! Pero hindi tayo nakakasiguro. Alam ni Angela na nagkikita parin si Erin at Zayn. Tingin mo ba ganon sya katanga para hayaang magawa ni Zayn ang plano nya? Austin he need us!"Saglit nag-isip si Austin pero tinigil nya rin agad ang sasakyan.
"Susunod ako sayo. Zayn need us." Pigil nya ng akma akong bababa ng kotse.
"Pano si Erin? Bantayan mo nalang sya."
"No! Nandon sila Zaina para gawin yon. Kailangan tayo ni Zayn."
"Tatawagan ko narin si Klay. Hihintayin kita sa bahay."
"Ok. Mag-ingat ka."
"Kayo rin. Take care of her,please?"
"Of course."Tuluyan na nga kong bumaba ng sasakyan at sinundan nalang sila ng tingin. Magsasakripisyo ako... Para sa pag-ibig at pagkakaibigan. Kay Zayn sya sasaya... Mas pipiliin kong makita syang masaya sa piling ni Zayn kesa miserable sa piling ko. Ganon ko sya kamahal. Kaya Wag nyang subukang magpakasal kay Angela... Dahil ako mismo ang papatay sakanya pag ginawa nya yon!
A/N: Kamsa for reading Chingus.
BINABASA MO ANG
Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘
Teen Fiction"Shut up or else.... I'll Kiss you!" "Wrong answer! Now You're mine!" "Just Choose! Say Yes or you're Dead!?" "One Shit.. One Kiss!" Pare parehong lalaking may iba't ibang katangian. Dahil sa isang aksidente magiging pag mamay-ari ako ng apat na lal...