Chapter Twenty Seven #PleaseStay

1.2K 46 0
                                    

*Erin P.O.V*

"Really,Klay? Kayo na? Congrats.. But anyway We have something to tell you too. We have to celebrate because Asher and I are dating. Were now in a relationship."

Feeling ko parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Wala ni isa sa amin ang makapagsalita. Lahat kami nabigla dahil sa balitang dumudurog sa puso ko.

"Mag ccr lang ako." Basag ko sa katahimikan saka ko dali daling umalis. Pigil ang luhang pumasok ako ng banyo sa may second floor at don ko binuhos ang luhang pinipigilan ko. Bakit silang apat ang nagiging dahilan ng pagluha ko? Bakit parte na nang pagkatao ko ang masaktan pag sangkot sila? Bakit ganito?

Hinayaan ko lang lumabas ang luha sa mga mata ko para kahit papano mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

"Erin..."

Napalingon ako ng bumukas bigla yung pintuan ng banyo at niluwa si Austin.

"What are you doing here? Pangbabaeng comfort room to!" I said sa pagitan ng pagluha ko. Imbis na sumagot nilock nya lang yung pinto saka sya lumapit sakin.
Kahit nabigla ako hinayaan ko lang syang punasan ang mga luhang nalandas sa pisngi ko.

"You Dont love him, Erin. So please dont cry." He said na ikinakunot ng noo ko.
"Mahal ko sya Austin. Mahal ko si Asher. Sabi nya mahal nya ko bakit ganito?" I cried. Lalo kong napaiyak ng yakapin nya ko.
"No! You're wrong. Kilala kita Erin. Pag mahal mo ang isang tao hindi ka lang iiyak sa isang tabi. Dahil handa kang lumaban para sakanya."
"You dont understand. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit."
"Yes! Nasasaktan ka dahil sya ang unang nagparamdam sayo na mahal ka nya. Hindi mo sya mahal Erin, Naeexcite ka lang sa mga bagay na ginagawa nya. Dahil iba magmahal ang tunay na Erin."

Kumalas ako at kunot noong tumingin sakanya.
"Tunay na Erin?"
"Hindi ganyan ang tunay na Erin. Dahil si Erin pag nagmahal handa nyang ipaglaban. She's our Wonder woman. Yun ang dahilan kung bakit mahal na mahal namin sya."
"Sinabi ko na diba? Hindi ako yung Erin na sinasabi nyo! Magkaiba kami!"
"No! Ikaw parin si Erin na handang lumaban. Napatunayan ko yon nung nakausap mo si Angela sa Ospital. That time nakita ko si Erin pero ngayon hindi. Bakit hindi mo sya magawang ipaglaban kung mahal mo talaga sya?" Kunot noo nyang tanong.
"Ayokong masaktan ko si Klay!" Sagot ko kahit hindi ko alam kung ayon ba dapat ang isagot ko sa tanong nya.

I heard him chuckled saka nya pinunasan yung natirang luha sa mata ko.
"Iba ka pag si Asher ang pinauusapan. pero mas nagiiba ka pag si Zayn na. Ngayon alam ko na kung sino talaga."

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa iwan na ko ni Austin don. Ano bang nangyayare sakin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Erin.. My loves. Okay ka lang ba?"

Pinunasan ko yung luhang nasa pisngi ko saka ko lumabas ng banyo.

"Oh! Okay ka lang ba?" Worried nyang tanong pero tiningnan ko lang sya.
"Klay.. Im sorry." I said kasabay nanaman ng pagluha ng mata ko.
"Hey! Why are you crying? My loves."
"Im sorry Klay.. Im really really sorry"
"Ano bang nangyayare sayo? Bakit ka nagsosorry?" Gulong gulo nyang tanong.
"Hindi ko kayang suklian yung pagmamahal na binibigay mo! Hindi ko kayang lokohin ka pati narin ang sarili ko." I cried.
"Dahil ba to kay Asher?"

Puno ng pagtataka kong tumingin sakanya. Blanko lang ang expression ng mukha nya.

"Alam ko na Erin. Pero ayokong sumuko. May laban pa ko kay Asher e. Kaya ko pa syang paltan sa puso mo!"
"Pero Klay ayokong masaktan ka!"
"Handa akong masaktan Erin! Titigil lang ako pag nalaman kong si Zayn ang mahal mo." 

Sa ikalawang pagkakataon natahimik nanaman ako. Si Zayn ba talaga ang minahal ko noon? Pero pano?

"Titigil lang ako pag alam kong wala na akong laban. So please Stay Erin! Please" He pleaded. Gustuhin ko man ayoko na. Napapagod na ko. Kailangan ko na sigurong maalala ang lahat. Kailangan na.

"Im sorry. I've made my decision Klay. Kailangan ko ng maalala lahat. Napapagod na ko manghula.. Im sorry."
"Erin!" Napapikit ako ng pigilan nya ko sa braso ng akma akong aalis. Naririnig ko na ang pagiyak nya pero kailangan kong lumayo sakanya. Ayokong maging miserable ang buhay ni Klay dahil lang sakin. He deserve someone better.

"Mahal kita. Handa naman ako masaktan e. Please stay with me Erin. My loves please.."
I cupped his face and i kissed him gently. Tinitigan ko sya sa mata ng may ngiti sa labi.
"Kailangan nang bumalik ang alaala ko Klay. Napapagod na ko manghula. Kailangan kong malaman kung ano ba kayo sa buhay ko. Please Klay. Hayaan mo muna ko ok? Please..."

Ang huling salitang sinabi ko saka ko naglakad palayo sakanya. Masakit to para sakin pero anong magagawa ko. Ito lang ang paraan para hindi ko na sya masaktan.

A/N: Kamsa for reading :*

Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon