*Erin P.O.V*
"Hindi kaba nilalamig?" Tanong ko kay Zayn dahil basang basa na sya tapos bukas pa yung aircon ng kotse nya.
"Wag mo kong pakealaman!" He said habang nakatuon ang atensyon sa cellphone nya.
"Nagtatanong lang e." I said saka ko sya inirapan.
"Stay here. Maghahanap lang ako ng mahihingian ng tulong."
Pipigilan ko sana sya pero diba nga wag ko daw syang pakealaman. Bahala sya.
Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang naghahanap ng mahihingian ng tulong yung may toyong lalaking yon. Hindi ko na alam kung san pa sya nagpunta bigla nalang syang nawala sa paningin ko.
"Oh! May paparating na sasakyan!" Kahit naulan ay bumaba ako ng kotse para parahin yung papalapit na Van. Baka sila na ang makatulong samin sa pagalis dito.
Di naman ako nabigo dahil tumigil yung Van na pinara ko sa tapat ko.
"Hi pwede bang-----"
Uh-Oh!! Napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas yung pinto ng Van at may maraming nakaitim na lalaki ang nasa loob nito.
"Oy pare.. Chicks oh!"
Napaurong naman ako ng konti ng mapansin kong lasing sila. Naku po!
"Anong kailangan mo Miss Beautiful?"
"A-ah.. W-wala."
Napasigaw ako ng bigla kong hawakan sa braso nung lalaking kulay green ang buhok ng akma akong babalik sa loob ng kotse ni Zayn. No! Zayn please. Nasan kaba?
"Wait lang Miss. Kailangan mo ba ng tulong? Sakay kana. Baka magkasakit ka." Sabi pa nya saka nagtawanan yung mga kasama nya sa loob ng Van.
"N-No thanks. Bitawan mo ko." Pilit kong binabawi yung braso ko pero ayaw nya tong bitawan.
"Alam mo kamukha mo yung babaeng nakikita kong kasama ni Klay e. Kilala mo ba si Klay?"
"H-Hindi. Please. Bitawan mo nako" I lied.
"Sorry Miss Beautiful pero masyado kang maganda para pakawalan ko."
Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi nya. Pilit kong binabawi yung braso ko pero Sh*t lang! Ang lakas nya.
"You're mine now!" He said sapagitan ng pagtawa. Patay! Whaaaa! Toyoing Zayn nasan ka naba?
"Who says?"
Halos sabay kaming napatingin sa lalaking nakatayo di kalayuan. Nabuhayan ako ng loob ng makilala ko kung sino sya.
"Zayn Ford?" Tanong nung lalaking green ang buhok na nakahawak sa braso ko.
"Hindi ka paba nadadala,Fred?"
"Tandaan mo mag-isa ka lang marami kami!"
"Just give that girl to me para wala nang gulo."
"Ano ko tanga? Ako ang unang nakakita sa babaeng to kaya akin sya."
Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagtawa ni Zayn. Haist! Ang lakas nya mangasar ha.
"Bakit ka tumatawa? Kung ako sayo Zayn Ford aalis na ko." Mayabang na sabi nung tinawag ni Zayn na Fred.
"Nakakatawa ka. Hindi mo ba alam na may nagmamayari na sa babaeng yan?"
"Sino? Ikaw?"
Biglang sumeryoso ang mukha nya at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtikom ng dalawa nyang palad.
"Just give her to me!"
"Zayn...Zayn...Zayn. Balato mo na sakin to. Promise. hindi ko na kayo guguluhin ng mga kaibigan mo."
"Fine.. Sayo na yan! Nakakarindi kaya bunganga nyan."
Literal na napanganga ko dahil sa sinabi ni Zayn. Srsly? Ipamimigay nya ko ng ganon lang? Aba loko talaga to ah.
"Madali ka naman palang kausap Zayn Ford e. Pano alis na kami."
"Sandali..."
Tiningnan ko sa mata si Zayn habang nakapamulsang naglalakad palapit samin. Tumingin rin sya sakin saka dahan dahang ngumiti.
"May sasabihin lang ako sakanya pwede ba?" Tanong nito sa panget na Fred na nakahawak sa braso ko.
"Bilisan mo!"
Tumingin sya sakin saka nya unti unting nilapit ang bibig nya sa tenga ko.
"Pagsinabi kong yuko.. Yuyuko ka ok?" Bulong nya.
"Bakit?"
"Daming tanong! Gawin mo nalang!"
Tumango lang ako bilang sagot saka nya binalik ang tingin dun sa Fred na lumot ang buhok!
"Madali akong kausap Fred.. Pero ibang usapan to."
"Anong ibig mong----"
"Erin yuko!"
Tulad ng napagusapan yumuko ako at naglanding ang kamao ni Zayn sa mukha nung Fred kaya nabitawan nya ko. Hinila ko ni Zayn para itago sa likuran nya.
Nagsimula na ang suntukan nila ng bumaba lahat ng kakampi nung Lumot Boy nayon sa sasakyan.
"Zayn ilag!" Sigaw ko ng may lalaking sa likuran nya na magpupukpok sana ng bato sa ulo nya. Nakahinga ko ng maluwag ng makailag sya.
"Pumasok kana sa kotse,Erin!" Utos nya habang nakikipagsuntukan parin sa mga lalaking yon.
"Pano ka?"
"Wag mo kong intindihin. Kaya ko to! Ilock mo yung pinto ng kotse. Bilis!!"
Saglit akong nagdalawang isip pero ng makita kong may papalapit saking lalaki ay agad akong nanakbo papasok ng kotse.
Lord.. Help him please. Wag nyong hayaang mapahamak si Zayn. Kahit sobrang sungit nya sakin. Kahit napakatoyoin nya Lord. Wag mo syang pabayaan. Not this time. please.
"Oh my! Nooo!! Zayn!!!!"
A/N: Hii Guyz ^_^ Hope you like this one. Pinilit ko talagang magUD kahit masama ang pakiramdam ko :) Sana magustuhan nyo
BINABASA MO ANG
Dealing With The FOUR BadBoys 😍😘
Teen Fiction"Shut up or else.... I'll Kiss you!" "Wrong answer! Now You're mine!" "Just Choose! Say Yes or you're Dead!?" "One Shit.. One Kiss!" Pare parehong lalaking may iba't ibang katangian. Dahil sa isang aksidente magiging pag mamay-ari ako ng apat na lal...