Itago nyo na lang ako sa pangalang Timon, 27 years old. Nangyari to nung 18y/o lang ako. May naging girlfriend ako na taga QC, tawagin natin syang Leng. Nagkakilala lang kami sa Friendster (wala pang FB), naging kami tapos pumunta ako sa kanila sa QC, first time. Kaso, una pa lang na punta ko nag away na kami. Sinakal nya ako, akala ko sa una lang. Baka galit lang sya. Pero habang tumatagal kami, lagi na nya akong sinasaktan. Parang nagiging relief nya yon pag galit sya. Hindi ko na ieelaborate, basta ganon palagi ang nangyayari.
Ang nakakapagtaka, ganon na ginagawa nya sa akin, tapos ayoko pa din humiwalay. Ayoko syang mawala. Hindi ko sure kung mahal ko lang sya or ano na. Til one day, tinutukan nya ako ng gunting sa leeg, at hinding hindi ko makalimutan ang sinabi nya, 'Hindi ka makakawala sa akin, at wala silang magagawa, kahit nanay mo, kahit ikaw.' Mula non, natakot ako sa kanya. Kaso, tuwing umuuwi ako sa bahay namin sa Bulacan, lagi lang ako sa kwarto. Lagi ko gustong pumunta sa kanya, kahit wala akong pera parang hayok na hayok akong makapunta at makita sya. Kahit nanay ko, nilalabanan ko makapunta lang sa kanila. Sabi ko pa daw, magpapakamatay ako pag di ko sya nakita.
Ginawa ni nanay, pinapunta nya sa bahay. Tapos, binugbog nya na naman ako. Pumutok kilay ko, para pagtakpan, tinakas nya ako. Inuwi nya ako sa QC, tapos nagtaka ako, pagdating namin may pinainom sya sa akin. Bigla namanhid yung sugat ko. Nung gabi, nilagnat sya. Sobrang init nya. As in hindi ordinaryong lagnat. Lahat na ata ng gamot pinainom ko, pero hindi nagbabago temp nya. Ayaw nya padala sa ospital. Hanggang dumating Lola nya, may dalang baso, tapos may bato sa loob ng baso, at brown na parang medyo red yung kulay nung tubig. Ininom nya ng straight, 2am nya ininom yun. Wala pang 3:30, tumayo na sya at parang walang nangyari. Hindi na sya mainit, tapos binigay nya sa akin yung feather nya sa ilalim ng unan nya. Kilitiin ko daw sya sa tenga. Pumayag naman ako.
Nung gumaling na yung sugat ko, umuwi na kami. Lumipas ang mga linggo, natanggap ako sa trabaho. Pero sa tuwing papasok ako, lagi akong hindi nakakahinga. Napakadali ng trabaho ko, napapansin ko pa, lagi nya ako inaaway. Sinusumpa, etc. Tapos minsan daw sabi ni nanay, natutulog na ako, mahimbing, pero pag nagtext sya napipitlag ako kahit hindi naman malakas sound ng cp ko.
Parang kinokontrol nya ako. Nung isang pagkakataon, hindi ako makahinga, imbes sa doktor ako dalhin ni nanay, sa albularyo nya ako dinala. Kasi nanlalambot na ako, wala ng hangin, halos mamatay na daw ako, violet na lips at kuko ko. Pagpunta namin sa albularyo, pinatanggal lahat ng gamit sa katawan ko. Relo, singsing, wallet, yan lang naman nasa katawan ko bukod sa damit at panloob. Pati laman ng wallet ko, tinanggal. Pagkabukas nila ng wallet ko, nakita yung feather ni Leng na nakaipit sa isang bulsa. Pinahawakan sakin, parang ang bigat, tapos kinausap nya nanay ko. Hindi ko nadidinig. Pagpasok nila nanay, masama na mukha ni nanay. Parang galit, sabi ko ano daw sabi nung albularyo. Sabi nya, kakausapin daw ako nung albularyo. May mga itatanong. Sabi ko, sige.
Sabi nung albularyo sa akin.
Sya: Gaano mo na sya katagal kakilala?
Ako: Sino po?
S: Yung nasa wallet mo.
A: Ah, si Leng. Matagal na din po.
S: Alam mo bang binubulungan ka nya. Alam nya ang lahat ng ginagawa mo. Kahit ngayon, sigurado ako, naririnig nya ako. Iwasan mo sya, may sa demonyo sya.
A: Sobra ka naman magsalita, di mo nga kilala.
S: Sya ang may gawa sayo nyan. Kaya ka nahihirapan huminga kasi sinasakal ka nya. At yung balahibo ng manok sa wallet mo, alam mo bang nandyan yan?
A: Hindi.
S: Katext mo ba sya bago ka pumasok?
A: Hindi. Tulog pa sya.
S: Magtetext o tatawag yan sayo ano mang oras ngayon o pag uwi mo. Magagalit. Baka murahin ka pa.
A: (Sarcastic look) ok.
S: Ano ulit buong pangalan nya?
A: **** **** LUCE** FER**
(Sinulat nya yung name, at binura nya yung dalawang huling letters sa middle at last name ni Leng at pinakita sakin)
S: Nakikita mo? Kaya kung hindi mo iiwasan ang taong yan, baka sya ang pumatay sayo, o kahit sa pamilya mo.
A: (Tulala. Wala akong nasabi. Nanginginig ako sa takot.)
Nanay: May pangontra po ba?
Tumayo yung albularyo, nilagyan nya ng langis yung feather at pic ni Leng, at sinunog. Sabi nya, wag na wag ako magrereply, o magtetext. Hintayin kong si Leng ang magtext at bumalik kami sa kanya. Umuwi na kami. Nakatulog ako, hindi ako nagtext kay Leng. Bandang 6pm, nagtext sya. Kagigising lang daw nya, wala man lang daw akong text. In short, nagalit nga. So tama yung albularyo, pero hindi pa din ako naniniwala, hanggang sa tumawag sya at nagsabing pupunta sa amin, at dito na sya titira. Hindi ako pumayag. Sabi ko gabi na, etc. Pinagmumura nya ako. At nakikipagbreak. Don na ko nagsabi kay nanay. Mula noon, hindi na ako nagtext o ano man sa kanya. Binlock ko sya, nagpalit ako ng number, don muna ko sa tito ko para di nya ko makita.
Timon
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree