Hi admins! Pakipost naman po ito since halloween naman at naalala ko lang kasi minention ako ng isa sa mga nakasama ko sa katatakutan sa post nyong SQUAD GOALS. Please, thanks!Apat kaming magkakasama sa apartment for a reason. Tatlo kaming freshies sa college; ako, si A at si AM, at 4th na nun si Ate J. Magkakatulad kami ng city na pinagmulan pero pinag-isa kami ng pangangailangan. Kailangan namin magsama-sama kasi nagtitipid kami. HAHAHA
So eto na. Detailed ito kaya mahaba.
August 26, 2015. Wednesday. Tandang-tanda ko yang date na yan kasi dyan nagsimula ang lahat. Intrams nun kaya wala masyadong klase ng 1 week. 2 days after ng birthday ni A ay nag-celebrate sila ng mga kaklase nya sa apartment namin. Btw, 2 storey yung nakuha naming apartment, maluwag sya with 2 rooms at unang kita mo palang haunted na talaga sya. Pero pinatos na namin kasi mura at saka medyo malapit sa school.Back to the story, itong mga kaklase ni A ay medyo maiingay. Pero dahil nga nagkakasiyahan, hinayaan nalang namin tutal madalas naman din sila sa apartment at saka medyo kilala ko na yung iba. Kasama ko nun si ex, (kapitbahay lang kasi namin yung apartment din nila ex so parang live-in na din kami) andun kami sa labas naglalaro lang. Kasikatan nun ng COC kaya busy din kaming dalawa pero matindi yung pandinig ko kaya naririnig ko usapan ng mga kaklase ni A. Hindi ko na matandaan pero may isang kaklase si A, si D, na nagsabi ng thoughts against kay God. Since believer ako, nagre-react ako pero nasa lugar naman. Napapakunot lang ako ng noo, mga ganun lang. Di naman ako mahilig makisawsaw sa usapan. Mga nakainom na kasi sila (mga babae sila) kaya siguro ganun na yung usapan nila.
That night, tahimik na ang lahat. Nag-uwian na sila kasi medyo gabi na talaga at saka may klase pa ata sila kinabukasan. Naiwan itong si J, na kaklase ni A na madalas niyang kasama kaya medyo kilala ko na rin. Lasing na talaga kasi sya kaya pinagpahinga muna sa room namin at saka malayo pa uuwian nya pero ihahatid sya ni A kasi baka mapano siya eh. Kami ni ex, nasa baba pa rin. Kasama din kasi ni A yung ex-bf nya kaya binigyan namin sila ng privacy sa room. (Kasama ni A at ex-bf nya si J sa room, wag judgemental!) So may eksena palang mangyayari na di ko kinaya. HAHAHA! Ganito, medyo weird na pala yung kilos ni J sa loob ng kwarto namin kaya itong si A nataranta na kaya ang ginawa niya ay nagdasal siya ng pabulong. Then, nagalit daw itong si J habang ginagawa ni A yung pagdadasal. (Medyo di ko na maalala yung part na ito, pero keri lang) May narinig kaming kalabog sa taas since nasa baba nga kami ni ex at saka kasama na namin nun si AM, na-curious kami pero hinayaan nalang namin kasi baka may nahulog lang. Pero naulit yung kalabog kaya inakyat ko na sila sa taas pero bago pa ko makaakyat, pababa na si A nun, umiiyak. So ako hinabol ko at saka sumunod din si AM. Hinihiyaw namin name ni A habang hinahabol namin. Di ko kinaya bes, naging instant runner ako nun! Pak na pak ang eksena parang sa 'Ang Probinsyano' lang. Hahahaha! Pero at the end, di namin nahabol si A kasi ang bilis nyang tumakbo at saka ang dilim na kaya medyo scared na ako. Tapos tinatanong namin itong si ex-bf nya kung anong nangyari pero ang sinasabi niya di daw nya alam. Kanina pa daw kasi niya pinagsasabihan si A. Hinintay nalang namin makabalik si A. So nung nakabalik na siya, hinatid na nya si J kasi malapit na maging late ang night. Pumasok na kami nun sa kwarto, naiwan ni A yung cp nya at ring ng ring ito. Ako naman, nag-aalala sa kanya at naisip ko na baka si A yung tumatawag gamit yung ibang cp, tinignan ko yung phone nya at number lang ito kaya naisip ko na din sagutin kasi baka siya yun.
Non-verbatim:
Ako: Hello po, sino po ito?
Kuyaboy: Bf ito ni D, ano bang ginawa nyo sa kanya?! (Medyo triggered si kyah, di ko kineri yung boses)
Ako: Ha, di ko po alam. Kaibigan po ito ni A wala po kasi sya, hinatid niya si J sa bahay nila. (May narinig akong humihiyaw na babae)
Kuyaboy: Anong wala?! Bakit nagkakaganito si D?! Anong ginawa nyo sa kanya?! (Hiyaw ng hiyaw pa rin yung babae)
A: Sabihin ko nalang kay A pagdating niya. Wag ako tanungin mo kasi wala naman ako dito kanina. (Gigil na din ako kay kyah kasi inosente naman talaga ko!)
K: Sige pakisabi nalang na nagagalit magulang ni D kasi bakit siya nagkakaganito.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree