Factory

1.2K 16 0
                                    


Hi po sa lahat. Silent reader lang po ako dito sa spookify at bihirang mag-comment sa mga scary stories nyo po dito. Gusto ko lang po i-share itong kwento ng mga katrabaho ko na nakakita at naka-experience ng mga nakakatakot na bagay/ligaw na kaluluwa dito sa aming factory. Sana po ma-post ito. Medyo long story po ito. Thank you in advance admin :).

Simulan ko po ang story nung mag-iisang taon na po akong nagwo-work dun sa factory kasi un lang yun time na narinig ko sa kanila ang mga kababalaghang nangyayari (di ko na sasabihin ung exact place pero somewhere in cavite po ito na sinasabing dating palayan at talahiban ang malawak na lupang kinatatayuan nito). May bakanteng lote ito sa likod na katabi lang halos ng warehouse at dun daw maraming nagpaparamdam. Every 12:00 ng madaling araw nagra-rounds ang mga guard sa buong production area at warehouse para mag-check at sa tuwing napapadako sila sa madilim na part ng warehouse which is ung sa may bakanteng lote nga nahahagip ng paningin nila ang imahe ng isang puting babae, dadaan sya sa harapan mo at titingnan ka. Ayon sa pagkaka-describe nung nagkwento naaagnas na ang mukha nito at itim ang buong part ng mata. Sa takot ng guard, kumaripas sya ng takbo.

Another scene is sa loob ng warehouse kung saan located ang mga raw & indirect materials na ginagamit namin sa product. Every night wala ng taong nagbabantay dun para mag-distribute ng materials dahil day shift lang sila at sinasarhan na ung pinakamain door, tanging exit door nalang ang binubuksan kung sakaling may nakaligtaang kunin ang operator sa loob ng warehouse. Ayon sa mga nakakita may mag-inang nagpaparamdam sa mismong table ng nagbabantay ng warehouse tuwing gabi. Makikita ung bata na may hawakahawak na bola at kadalasang ung tunog ng bolang nalalaglag ang maririnig. Kahit ako mismo naramdaman ko din un nung bandang pagabi na, may kukunin ako sa tool room kasi may pinapalitang piyesa ang operator, mag-isa lang ako nun at syempre wala ng tao sa warehouse nang biglang may parang kumalampag sa table nung nagbabantay. Sa takot ko bilisan ko ang lakad ko pabalik.

Last holiday 2015, tigil operation walang mga operators & technicians, gabi nun naglalakad ung isang guard sa loob ng area ng makita nya ang  isa sa mga kasamahan nya na naglalakad sa kalooban ng factory kaya di nya pinansin baka may chinecheck lang pero pagbalik nya sa lobby nandun ung kasamahan nya sa may lobby at kanina pa daw nakikipagkwentuhan dun. Dun na sya kinabahan at kinuwento nya ang nangyari.

Sa may storage area namin which is bihirang puntahan ng tao kasi nga malayo ang location ay may naririnig din na naglalakad. Kadalasan isang utility lang namin ang pumupunta dun para ilagay ang mga documents na hindi na kailangan o kaya mga gamit na sira na. Kwento nya habang naglalakad na sya paalis parang may sumasabay sa yapak nya at pagtigil nya para pakinggan ung paghakbang kung totoo o guni-guni lang ay parang nilalakasan pa daw ang yabag ng paa sa bawat hakbang na ginawa mo. Napatakbo nalang daw sya bigla at sa tuwing pupunta sya nagpapasama na sya sa isa pang utility na kasamahan nya din.

Last year nagsara ang factory namin dahil nga nalugi kaya napilitang tanggalin kami lahat. Siguro andun pa rin ung mga nagpaparamdam.

Thank you po sa mga nagbasa.

=yuki&yuka=

yuka
Quezon

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon