Hi Spookify! Ako po si Michaela sana ma-post po ito dahil first time ko pong mag-share dito ng creepy/scary experiences namin ng friends ko habang nakatira kami sa dorm ng agency during our OJT last summer sa Cebu. May tatlong palapag ang dorm at sa 3rd floor kami nag-rent ng rooms.
Room 301 – Ako, Julia at Jessica
Room 302 – Yanna, Jenica, Amanda at Claire
Room 303 – Hera, Melia, Anna at Bryna
Room 304 - vacant
Room 305 – Kuya Sev
May 4 common bathrooms sa third floor. We heard stories galing sa schoolmates namin na doon din tumira sa dorm habang nag-OJT sila doon sa Cebu, sabi nila sa 2nd floor may bata na naglalaro sa hallway, minsan naririnig din daw nila na may batang tumatakbo at tumatawa sa hallway kahit dis oras na ng gabi. Sa 3rd floor naman ay may malaking tao (dahil sa tunog ng footsteps nito) daw na naglalakad tuwing hatinggabi. Aside from our schoolmates may experiences din daw sila Kuya Rex (caretaker ng dorm) at ang Barangay Tanod sa dorm na iyon. Sabi ni Kuya Caretaker may bata nga daw sa 2nd floor at minsan may naririnig siyang sanggol na umiiyak galing sa cr ng room niya doon sa 1st floor, may naririnig din daw siyang parang may naglalakad na malaking tao sa 3rd floor pero binabalewala lang niya. Sabi naman ng Barangay Tanod habang nagpa-patrol siya sa gabi may nakita siyang batang babae na nakatayo sa fire exit ng 2nd floor, sinabihan niya ang bata na pumasok na at matulog dahil gabi na. Nagulat ang Barangay Tanod dahil dumiretso lamang itong pumasok sa nakasaradong pinto. Naniniwala naman kami sa multo pero in terms of place like may nagsasabing "may multo sa lugar na iyon" hindi kami naniniwala na may multo doon kung hindi namin mismo nakita o na-experience. So kahit marami kaming stories na narinig about sa dorm na iyon hindi kami naniniwala dahil almost 2 weeks na kami tumira doon at wala naman kaming na-experience na nakakatakot. Until...Experience #1: Kakauwi lang namin galing sa office, ako at si Yanna usapan namin na pupunta sa laundry area (2nd floor) upang maglaba. Around 6:30pm bumaba na kami, lalabas na sana kami papunta sa laundry area with 6 common bathrooms pero lock ang pinto kaya hinanap namin si Kuya Rex. Nagtaka kami kung bakit walang dinala na susi si Kuya Rex at dumiretso lang siya sa tapat ng pinto at sinubukan niya itong buksan pero lock talaga. Sinabihan namin si Kuya Rex na kunin niya ang susi, "Ok lang hindi na kailangan ng susi" sabi ni Kuya Rex at kumatok siya sa pinto sabay sabing "Papasok po kami" and just like that bumukas ang pinto, chineck namin ang doorknob hindi na rin ito lock. "Sa susunod humingi lang kayo ng permiso, mabait naman sila" Mabilis kaming naglaba ni Yanna and after that night hindi na kami naglalaba doon, malaki naman ang mga cr sa 3rd floor kaya doon na lamang kami naglalaba.
Experience #2: Experience ito ng ka-dormmate namin sa Room 303 na si Melia. Maaga siyang nagising dahil marami ang gagamit sa cr at halos babae kami dito. Habang inaayos niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin nakita niya sa reflection ng salamin na may malaking lalaki, dark daw yong skin, naglalakad pababa ng hagdan at nakita niya si Kuya Sev paakyat naman siya ng hagdan.
Melia: Sev si Sir ba yun?
Sev: Saan?
Melia: Yung bumaba. Huwag mong sabihin hindi mo nakita eh paakyat ka dito.
Sev: Huh? Wala naman akong nakita na may bumaba.Experience #3 & #4: Experience ito ng friend ko sa Room 302 na si Amanda. Madalas kasi siyang mag-isa sa room nila o sa dorm kapag kakain na kami sa karinderya dahil nagda-diet daw siya. Minsan biglang bubukas ang pinto ng room nila, in the corner of her eye parang may nakasilip daw, nung tumingin na siya sa pinto wala namang tao. Minsan hatinggabi na hindi pa rin siya tapos sa paglalaba sa loob ng cr, may naririnig daw siya na parang may naglalakad pero wala namang tao. Gising pa rin si Jenica sa oras na iyon sinabihan siya na bilisan niya na ang paglalaba o bukas na lang niya ito tapusin dahil may naglalakad na naman. Naikwento na sa amin ni Melia ang nangyari (See: Experience #2)
Experience #5: Experience ito ni Ate Lawyer na nasa 2nd floor nag-rent sila ng room with her sister. Minsan matagal siyang matulog kaya sanay na siya na may naririnig na may tumatakbong bata kahit dis oras na ng gabi.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree