Nurse Diaries

466 7 0
                                    


Hi Spookify enthusiasts! Ako nga pala si Kizu (nickname), isang Nurse dito sa England. Ise-share ko lang ang story ko about sa isang hospital dito (that shall not be named for privacy purposes) where I currently work.

Bequeathed by Queen Elizabeth to the town, mahaba ang history ng hospital na ito. Marami nang pinagdaanan at of course, may sariling kwento ng kababalaghan. Hindi po ordinaryo ang hospital na ito. Para siyang isang Mansion na Victorian Style. Hospital siya in a sense na may facilities siya to provide medical care, also, hospice kasi rehabilitation center din siya. Because of this maraming tao ang come and go. May iba naman, stayed in a rather spooky way.

NAMETAG

Bagong nurse palang ako sa hospital noon. Puno ng buhay at galak sa trabaho. Hindi ko pa inisip noon yung mga multo or whatsoever. Basta, excited ako. Mas naging excited ako sa long night shift ko, it was Halloween that time at ang daming nagti-trick or treat na mga bata. May program din na ginagawa. I was assigned sa pediatric ward, naging busy din ako. May maliit na party kasi sa ward namin and kasama namin yung mga batang pasyente. Naghahanda kami ng pagkain when our CN reminded me to check the census. Sabi ko sa kanya "I thought you were with us during the rounds? We have 20 kids. Is there a problem?". Sabi niya sakin "Yes I was, I was wondering if we recieved new admissions. I checked and we have 22 children". Since wala pa sa isip ko yung horror-horror na yan, sabi ko "impossible, they have to go through us before I confirm an admission". Tapos si CN nataranta. 22 daw talaga bilang niya eh so I said sige at mamaya na namin problemahin yan. Onward to the party. Dinner time na yun. Nagulat ako nung may kumalabit sakin na bata, sabi niya "Miss miss, is there any food left? There's a little girl outside peaking through the door, she must be hungry". Lumingon ako sa may pintuan. Wala akong nakita so sinabi ko sa bata na walang tao dun and enough lang ang pagkain para sa kanila. Nagsimula na akong magtaka. That night din, habang naglilinis kami pagkatapos ng party, nagulat kaming lahat. Biglang bumukas yung pintuan ng theater na para bang may tumatakbo papasok. Paglingon namin, walang tao. Focused pa kami noon sa gumagalaw na pinto when suddenly may narinig kaming pinggan na nabasag. Tumingin ulit kami sa may mesa pero walang basag na pinggan. Tahimik kaming lahat. Biglang nagsalita CN namin at sabi bukas nalang ang paglilinis sa theater, sumang-ayon naman kami lahat. Lumabas kami sa theater na puno ng tanong ang aming mga isip. Maliban na lang kay CN. Umaga na at naghahanda na kami para sa endorsement. Nung natapos na lahat at pauwi na kami, hinabol ako ni CN. Halatang may gusto siyang sabihin. Inimbitahan ko siya sa bahay para magkape. Dun na niya sinabi sakin. Sabi niya dahil bago palang ako kaya siguro di niya masabi sakin ng malinaw ang nangyari. Nagtanong siya sa census ng pasyente dahil may nadagdag na dalawang bata siyang nakita sa isang ward which only accommodates 6 patients. Nagtaka siya at first pero nung tiningnan niya daw ng mabuti pagbalik niya, sobrang mali ng name tag ng mga bata. He said, "I knew something was off. You know how we change the tag of the kids who died before we send them to the morgue right? Kizu, they're wearing those tags. They're dead".

LADY

A few months after that incident, naging maaliwalas lahat. No more ghost children roaming around. Pano naman kasi long day shift na ako. Refreshed and invigorated na. At least until a few hours later. I was giving medications when a lady asked saan yung pasyente niya. I escorted her to our station and asked her ano pangalan ng hinahanap niya. M.K. Sanders (hindi tunay na pangalan) sabi ng Ginang. Hinanap ko sa roster namin pero wala yung pangalan. Sabi ko baka hindi sa wing na ito ng hospital na-admit yung pasyente niya kasi wala dito sa listahan namin. Malungkot siyang nagpaalam at umalis. Sakto naman break ko na. Dumiretso ako sa quarters namin. Naabutan ko pa dun si James (palayaw) na gumagawa ng kape. Masaya kaming nagkwentuhan nang bigla kong natanong kung may pasyente ba kaming M.K. Sanders kasi may babaeng naghahanap sa kanya. Lumaki ang mata ni James. "Describe the Lady", sabi niya. So inilarawan ko ang babae sa kanya nang biglang sabi ni James na "Stop! Enough! Sister, that M.K. Sanders died 3 years ago. And no that's not the child's mother, SHE is M.K. Sanders!"

Magdadagdag pa sana ako ng kwento kaso 4.30pm na dito as of writing. Kailangan ko na magluto kasi night shift na naman ako. Hehe. Sana na-enjoy nyo ang short stories ko. Shout out sa mga Nurses jan na nasa England! Baka alam nyo ang hospital na ito then you'll know san ako nagwo-work. Have a Spooky night to you all!

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon