Way back 1950's, bagong mag asawa pa lang ang nanay at tatay (Maternal grandparents) ko, nanay is from Santa, Ilocos Sur (Hi Garcia – Benitez Clan) and tatay came from Negros Occidental (Hello Lumaoag – Magbanua Clan).
During those times, si tatay nakikisaka sa older brother ni nanay na may malawak na basakan. May alaga siyang aso na nalimutan ko na ang name, basta yung aso na yun, literal na kung saan pumunta si tatay, nakasunod siya. Actually lahat ng aso niya kahit noong bata pa ako, nasunod sa kanya, I really don't know how he trained them.
Back to the story, gumawa sila ng kubo malapit sa basakan para gawing imbakan ng palay. Kaya minsan kapag napapagod siya, di na siya umuuwi at doon nalang natutulog para may bantay na rin yung mga ani. Noong nangyari yung kwento na 'to, sadyang doon natulog si tatay sa kubo dahil di pa tapos yung kubo. Di pa nakakabit yung isang side ng dingding pero may inimbak na silang palay sa loob so kailangang bantayan. That night, nakahiga siya sa kama at kalahating katawan niya lang yung may kulambo. Yung sa tyan lang pababa kasi naninigarilyo pa siya, antok na siya pero di pa ubos yung sigarilyo. Pumikit lang siya at tinuloy ang paninigarilyo, may nadinig siyang kaluskos sa labas ng kubo. Akala niya yung aso niya, kaya sinabihan niyang umakyat at umakyat talaga. Naramdaman niyang may umakyat sa kama niya, akala niya tumabi sa kanya yung aso niya kaya di pa rin siya nagmulat. Hanggang sa may sumakal na sa kanya, nanlaban siya pero for some unknown reason di niya maimulat yung mata niya. Yung sumasakal raw sa kanya parang unggoy kasi mabalahibo yung braso. Umusal siya ng 'dasal' kontra maligno/aswang. Noong naidilat niya yung mata niya saktong umalis yung sumasakal sa kanya pero wala pa rin siyang nakita. Nadinig niya lang na may tumalon sa lupa galing sa kubo niya. Yung aso niya? Natutulog sa silong ng kubo, ginising niya raw at pinaakyat sa kubo. Baka mamaya raw makapagkamalan niya na naman na aso niya yung kumakaluskos.
PS. Yung sa story ko entitled 'CAGAYANCILLO, what I meant was 3 consecutive nights na nag iinuman yung mga construction workers ni Kuya Ronnie, after working hours (Please use your common sense). Just to give you a background, lalo sa mga nagtatanong kung saan ang Cagayancillo, it is a 5th or 6th class island municipality in Palawan. It is a municipality yet it has only one barangay with an estimated population of more or less 600 people only, which also includes the military men assigned in the island. It is a zero crime and drug free area at lahat ng mga tao doon, magkakakilala. So kung nawawala ka, meaning wala ka talaga sa isla dahil wala ka namang ibang pupuntahan doon. Minsan, may mga pumupunta doon na dayo pero di makita ang isla o kaya naman kabaong na nakalutang ang nakikita nila.
ICE
Admin's note: Ang "basakan" po ay field. Baka kasi akalain ng iba ay typo or baka merong may hindi alam sa meaning :)
ntal (
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree