"REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL PART 4"
THE UNTOLD STORY OF SILENT RASTAHeto na ang ikaapat na bahagi ng kwento. Simulan natin kaagad mga ka spookify para sulit ang inyong pag aantay.
Dahil sa ginawa ni gemelyn na binato ako ng bato sa ibabaw ng puno ng mangga, tumama ito sa aking noo at nahulog ako at bumagsak sa lupa,
maraming dugo ang tumulo mula sa aking sugat sa noo. na nag hugis cross pa sugat ko.Isang linggo ang nagdaan, nagtaka ako kasi di na pumasok si Gemelyn sa skwela. Lagi siyang absent simula nong nangyari na nagkasala siya sa akin at nalaman namin mula sa isang kaklase namin na kapitbahay ni Gemelyn na nilalagnat daw ito ng pabalik balik at minsan na daw dinala sa hospital pero okay daw ang findings. Hanggang sa umabot na nga yun ng dalawang linggo na hindi pa rin nakapasok si Gemelyn sa skwela. Kaya naisip namin magkakaklase na bisitahin ito sa kanilang bahay.
Pagdating namin sa bahay nila gemelyn naawa kami lahat sa kalagayan niya. nakahiga, nanghihina at maputlang maputla. Nagsalita ang ate niya na pinaalbularyo na daw nila si Gemelyn at sabi ng ate niya may kasalanan daw si Gemelyn sa isang nilalang na may dugong hindi ordinaryong tao. hindi din daw ito engkanto o kaluluwa. Kaya nagugulohan sila kung anong klaseng nilalang ang nagawan ng kasalanan ni Gemelyn. Ngunit bigla kong naisip na simula nong araw na yung binato ako ni Gemelyn sa puno ng mangga, hindi na ito pumasok sa skwela. Impossible naman na yong tinutukoy kasi normal lang akong tao baka may natamaan pa siya nong araw na yun. Ito ang sabi sabi ko sa isip ko, lumapit ako kay gemelyn at hinawakan ko ang kamay niya. "Magiging maayos ka din gem, magpagaling ka para makabalik ka na sa klase..." Sabi ko sa kanya. "Salamat, sorry nga pala doon sa ginawa ko sayo ha.. di ko talaga sinadya na tamaan ka noo, napalakas kasi ang pagbato ko.." Paghingi patawad ni Gemelyn sa akin. "Aysus wala yun gem, pinapatawad na kita.." Sagot ko kay gemelyn na nakangiti.
Umuwi kami lahat magkakaklase na pumasyal sa bahay ni Gemelyn. habang papauwi na kami, nakita ko ang isang pamilyar na hitsura sinusundan niya ako. gusto ko man huminto para gusto ko mauna siya, ngunit tila ba may sariling galaw ang aking mga paa. Nong makauwi na lahat ng mga kaklase ko sa kanila kanilang bahay ako nalang mag isa naglalakad pa uwi at patuloy na sinusundan nong pamilyar na mukha.
Napaisip ako ng malalim at naalala ko na kung sino siya. Oo siya yong bata na dati nagpapakita sa akin, medyo lumaki na siya at parang ka edad ko lang binata na rin siya. huminto ako at inantay kong makalapit siya sa akin.
Pagkalapit niya agad ko siyang kinausap. "Nagpakita ka na naman sa akin. Ano na naman ang pakay mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Tungkolin ko ang bantayan ka, dahil ikaw at.." naputol ang sinabi niya kasi may sumigaw sa akin. tinatawag ang pangalan ko. Isang kaibigan ko na inaaya ako mag bike daw kami sa plaza. Nawala yong binata sa harap ko kaya sinamahan ko nalang din kaibigan ko na mag bike sa plaza.Sumunod na mga araw, papauwi ako non galing sa skwela. May mga studyante na ahead pa sa akin, dating palang pang bully na. Nong malagpasan ko sila sa paglalakad.
Inaasar ako ng tatlong lalaki. pinagtatawanan nila ako, binibiro. Habang naglalakad panay pang aasar nila sa akin habang nakasunod sila sa aking likuran. Hanggang sa isa sa kanila, tinulak ako kaya muntik ako masubsob sa may naka park na sasakyan. "Ano ba talaga problema niyo? inaano ko ba kayo?" sabi ko sa kanila ng malumanay. "Bakit papalag ka? ano? kaya mo ako? tigas ka na?" Sagot nong hambog na kasama nila. "Ayoko ng away, uuwi na ako. pakiusap pabayaan niyo na ako." Sabi ko sabay lalakad na palayo sa kanila pero sumunod ulit sila na panay tawa pa rin. bigla akong binatokan nong isa sa mga hambog na lalaki. "Duwag pala to eh.." sabay tawa nilang tatlo. Sa ginawa nila sa akin. Nakita ko ulit ang binata papalapit sa akin. sa biglaang pangyayari. Nakaramdam ako ng init sa aking katawan, at hinarap ko ang tatlong hambog na lalaki. Sinapak ko sa mukha yong nambatok sa akin, at sinipa ko yong dalawa niya pang kasama na nabigla sa nakita nilang pagsapak ko sa kasama nila.
"Ayaw ko makipag away pero pinipilit niyo ako. Ayoko kayong patulan, pero sinaktan niyo ako..ngayon pag bibigyan ko kayo.." Sabi ko sa kanilang tatlo. Pero nakita ko ang sinapak ko na dumugo yong ilong niya. Kaya di na siya pumalag at yong dalawa di na rin umimik. Tumalikod ako at iniwan ko silang tatlo, yong pakiramdam ko unti unti bumaba yong init at napansin kong nakaakbay na sa akin ang binata. "Galing mo, yan ang nararapat sa mga mapang api, dapat talaga pinapatulan. Hindi sa lahat ng bagay mali ang pakikipag away. Lalo nat kailangan mo ng ipagtanggol ang iyong sarili.." sabi niya na nakangiti sa akin. "Ewan ko ba paano ko nagawa yun? di naman ako palaaway. Bigla na lang kasi uminit ang katawan ko.." paliwanag ko sa binata. at bigla ko naalala yong sasabihin niya nong isang araw sa akin. "Teka nga pala, ano yong sinasabi mo nong isang araw na hindi mo naituloy, tungkol yun sayo at sa akin? bakit ano ba kita?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ibinulong niya ang sagot sa akin. napahinto ako sa paglalakad nong marinig ko sa kanya yun? Natakot ako, kinabahan. Totoo ba yung sinabi niya? o baka pinagtitripan niya lang siguro ako. Pero hindi eh kasi mula pa noon naisip ko lang sa tuwing nasa panganib ako. Tsaka siya dumadating kahit di ko naman siya kilala. Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero paano niya nasabi yun sa akin?
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree