Galing akong SM Fairview at sasakay ng jeep na may signboard na Cubao Alimall. Dala ang Guarantee Letter galing sa PCSO pupunta ako sa isang pharmaceutical office para i-claim ang gamot na Guaranted ng PCSO.Hindi pa puno ang jeep pero aarangkada na. Nakapuwesto ako sa likod ng Backrider at Hindi pa nakaka-upo ang Ale pero mabilis na ito agad pinaharurot ng Driver. Di ko akalaing hataw pala ang nasakyan ko. Huminto sya at sinigawan ang isang manong na gumagawa ng signboard.
Driver : "Hoy! Gawa mo nga ako Cubao Alimall at Philcoa."
Manong : "Wala akong materyales!"
Driver : "Ah! putangina. Problema mo yan nagtrabaho ka ng signboard tapos wala kang materyales. Buanga".Harurot ulit ang jeep. Wala syang pakundangan kung saan sumusuksok. Mapapakapit ka nalang dahil masusubsob ka talaga.
Bandang STI nagsabi at sumigaw na ang Ale "Manong Sukli ko!".
Bakit parang ako lang ang nakakarinig? Inaantay kong may magsabi na "Kuya sukli daw po ni Manang" pero hindi umiimik yung iba niyang katabi.Umabot na kaming North Fairview.
Sige pa rin sya sa paghingi ng sukli. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sakin ng masama habang kinukuyakoy ang paa
*parang nagda-drums*. Pakiramdam ko inaantay niyang sabihin ko sa Driver. Nang sinabi ko na sa Backrider na hinihingi ng Ale ang sukli nya lumingon sakin ang backrider "sinong hindi pa nasuklian?". Pagturo ko sa Ale.
Biglang kinatok ng Ale ang kisame ng jeep ng napakalakas bigla din paglingon ko sa Driver dahil nawalan ng control sa manibela.Sigawan ang lahat at sabay ng pagtawag sa pangalan ni Jesus. Maayos kaming naigilid. Lahat kami pinababa. Takot na takot ako sa nangyari. Humingi ng dispensa ang Driver. Yung makina ng jeep biglang umusok. Pumutok ang isang gulong sa dulong kaliwa kung saan nakapwesto yung ale. Lahat kami nagbabaan. Maraming nasaging sasakyan ang jeep at lahat yun kinausap. Hinanapan kami ng backrider ng lilipatan na jeep. Lahat kami isa-isa nagsi-akyatan, binigay ng backrider ang pera sa Driver ng bagong jeep. Bago makaalis nagtanong sakin ang backrider.
Backrider : "'Te sino yung sinasabi mong di pa nasuklian?"
Ako : "Yung Ale sa dulo. *Tumingin ako sa ibang pasahero kung nakasakay na ba sya paglingon ko sa jeep andun parin sya*. Ayun po yung Ale (sabay turo).
Backrider : *Lumingon sya* "Puyat ka ba 'te? Wala ng laman yung jeep."Pagtingin ko ulit wala na yung Ale.
Habang papalayo ang jeep na sinakyan namin kinausap ako ng isang lalaki na Bisexual.Sya : "Nakita mo pala yun? Di ka ba natakot wasak ang ulo ng matanda.
Ako : "Ano po?! Normal na ale ko po sya nakita".
Sya : "Sa susunod kasi tignan mo nalang kung nakalutang yung paa".
Ako : "pero nakita ko po sya nagkukuyakoy po sya kanina ng paa nya".
Sya : "Oo nagkuyakoy pero nakasayad ba? Sa susunod kasi mas tignan mo nalang ang paa kung nakasayad ba sa lupa o sahig.
Muntik na tayo mapahamak".Hindi lang din pala sya ang nakakita pati ang isa pang babae sumang-ayon na wasak ang ulo ng matanda at nabalatan din ang pisngi para makita ang gilagid. Yan ang description nila sa Ale.
Nakarating rin ako sa pupuntahan ko ng maayos.
PS. Wala po akong balak mag judge about sa pagka sabi kong Bisexual yung nakausap kong lalaki. I mean kasi lalaking-lalaki sya pero may pilantik sya. Silahis kumbaga. Marami rin po akong barkadang Trans, Beki at Tibo. May GF nga po ako before eh. Aminado ako naging Bisexual din ako kasi na attracted ako sa kapwa ko babae. I'm sorry pero kasi yun talaga sya eh yung nakausap kong lalaki. Pasensya na kung mali ang describing word na dapat gamitin. Salamat.
Salamat sa mga nagbasa 💕
A.Rica 💕
"To see is to believe"
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree