'Wag Kang Lilingon

895 18 0
                                    


Hi admins and fellow avid readers. This is my first time to share my own scary experience/story here at spookify. So this is it! I'll do my best.

Nov. 5, 2017 (Sunday)
Na-admit ang boyfriend kong itago nalang natin sa pangalangang G. Sa isang hospital around Imus, Cavite, bandang 7pm. Sa kadahilanang kinokondisyon na ang kanyang katawan para sa gagawing operation sa kanyang tonsil. Tatanggalin kasi ito, dahil namamaga na at hindi na siya humuhupa. Hirap na rin siya makakain at garalgal na rin ang boses kapag siya ay nagsasalita. So ayun nga, Dapat ako ang magbabantay sa kanya nung gabing yon ngunit hindi natuloy kaya mommy nya nalang ang nagbantay at sa umaga nalang ako.

Nov. 6 (Monday) "OPERATION DAY"
Around 6am nagising na din ako at sakto naman gising na din si G. Nakapag-usap pa kami through messenger Bago siya dalhin sa operating room. Pinalakas ko ang loob nya. 7:30am pinasok na nga siya sa operating room. At habang nasa operating room siya, ako naman ay nag-aayos na para makapunta na sa hospital kung saan naroon siya. Gusto ko kasi siyang i-surprise para paggising nya isa ako sa makikita nya  (Sinabi ko kasing Tues pa ako makakapunta).

9:30am, Natapos na nga ang operation nya, kami naman ng mommy nya ay naghihintay sa kwarto. Nang biglang bumukas ito.
NV
Dra: parent ni *******?
Mommy: Opo ako po
Dra: labas po tayo, may sasabihin po ako.
Mommy and Me: (nagkatinginan) Kinabahan kami parehas.

Hanggang sa nakaalis si tita at ako nalang ang natira sa kwarto patuloy akong kinakabahan. Di kalaunan bumalik na din naman siya, Pinakita lang pala yung tinanggal na tonsils. 12pm pa siya dadalhin sa kwarto dahil nasa recovery room pa siya.

(Fast forward)
1pm na din siya nadala sa room nya at hinahanap-hanap ako ng mata nya. Yun pala sinabi ng nurse na dumating ako, Spoiler eh. Di siya pwedeng magsalita dahil nga sa kaka-opera lang kaya pag may sasabihin sya tinetext nya. Mga 2pm dumating na din ang daddy nya. At maya-maya ay umalis din kasama ang mommy nya para makatulog at makapagpahinga. So ako lang ang naiwan para magbantay sa kanya, At kaming dalawa lang nandoon sa kwarto na yon. Nakakatulog-tulog siya dahil sa epekto ng gamot. Tahimik at okay naman ang lahat, sobrang lamig.

Ff (6:30 pm)
Nagbigay ng rasyon, Kumain ako sa tabi nya. May tatlong kama kasi don sa gitna siya. So ako nakatalikod sa kabilang kama which is right side nga yon. Pinapanuod nya ako kumain, At pagtapos di na ako umalis pa sa pwesto ko. Nagkukwento nalang ako sa kanya, Nakatagilid siya at nakaharap sa akin. Isang ilaw lang din ang pinabuksan nya don sa left side, dahil nasisilaw daw siya. Ayun nga around 7pm habang nagkukwento ako sa kanya bigla siya umiyak at nanginginig at eto ang hindi ko inaasahan.
Ako: Ohh bakit Love? May masakit ba sayo? Masakit ba yung inoperahan sayo?
Siya: (Umiling, kinuha ang cp at nag type) "SI NANAY NASA LIKOD MO"
A: (natatakot pero hindi ko pinapakita sa kanya nilalakasan ko loob ko, pero gusto ko ng tumakbo ng mga oras na yon.) Hmm Love binisita ka lang ni nanay ano ka ba wag ka ng umiyak (pinunasan ang luha)
Siya: "WAG KANG LILINGON, WALA KALAHATING MUKHA NYA. BAKA MATAKOT KA" (patuloy sa pag-iyak at pagtingin sa likuran ko)
Ako: (LALONG UMINIT ANG PAKIRAMDAM KO AT PARANG INAANGAT ANG BUHOK KO SA BANDANG BATOK KO HINDI NA AKO NAKAGALAW AT AYOKO NA DIN LUMINGON TALAGA) tama na, tahan na.
Siya: (Nagtype na naman sya) "Gusto nyang lumapit sa akin pero di siya makalapit. Gusto nya akong yakapin. Namiss ko siya bigla"
Ako: Tahan na, ako nalang ang yayakap sayo. (umiiyak na din ako)
Sinabi ko nalang din na bibisitahin namin si nanay kaya magpagaling na siya.

Hindi na rin ako nakalingon talaga o nakagalaw man lang dahil sa takot ko pero naawa ako sa kanya, dahil bakas sa mukha nya ang lungkot at pagkaulila sa lola nya na sobrang close nya na siyang nagpalaki sa kanya at babaeng pinakamamahal nya. Bukod sa mommy nya at sa akin na girlfriend nya. Kaya pala ganon nalang siya kung magpahalaga at maglambing sa mommy nya, pinsan nyang mga babae at sa akin.

Maya-maya pa ay dumating na din sila. Nakahinga na din ako ng maluwag. Kinuwento nya ang mga pangyayari at taimtim na nagdasal. Pagtapos ng pangyayaring yon, hindi naman na naulit. Kahit na kaming dalawa na naman ang natira kahapon. Sana makalabas na rin siya ngayong araw. Hanggang dito nalang.. Thank you and Godbless spookify and readers

A. GLM
Cavite

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon