Ang Panganib Para sa Kaligtasan (Part 3)

850 13 1
                                    


Kumusta Spookify Readers? Naway Nasa Mabuting Kalagayan ang Lahat. Simulan natin kaagad ang karugtong ng Kwento.
Matapos ang Gabing Yun na Katabi ko ang Pagka Cute-Cute na Baby Kahit Napaka Creepy niya ay Tumigil din naman siya nong Kinausap ko siya na Patulogin niya naman, Samahan pa nong nasa Labas na Bantay naming Aso.. Ah hindi pala Ugaling Aso lang pala si Kenta ang Suwail na Itim na Kawal ng Haring Engkanto. Umaga non Pagkagising Ko una pa na Nagising Ang Baby, hindi siya Umiiyak Nakatitig Siya sa Kisami (Behave na Behave) Nong Napansin niyang Bumangon ako, Sa Akin na Siya Tumititig, Napaka Creepy niya kung Makakatitig Hindi Man Lang Kumukurap, Tas Ngumiti bigla. "Alam ko Anak Nagugwapohan ka Siguro sa Akin. Di mo na Ako kailangan Titigan." At Sabay Dahan Dahan ko siyang Kinuha sa Higaan, Dinala ko siya Sa Sala Para ilagay sa Sofa. nilagyan ko lang Ng Unan ang Mga Gilid baka Kasi Mag Ala Ninja to Tumalon sa Sofa kung Mahulog. Kung Anu ano Naiisip ko sa Batang To, Ikaw ba naman Kasi magkaroon ng Anak na May Dugong Engkanto. iiwanan ko na sana siya para Mag init ng Tubig para sa Dede niya At pampaligo, At Para maghanda na rin ng Almusal ko. Bigla itong Umiyak, Kaya Kinarga ko na, My Goodness nasa Kusina ako na may Karga kargang Bata. Nahihirapan akong Magluto na Isang Kamay lang ang Gamit kasi ang isang Braso ko NakaKarga sa Sanggol. Pero Nagawa ko talaga lahat yun kahit mahirap. Pinaliguan ko siya sa Isang Batya na Nilagyan ng Mainit na Tubig pero Hinaloan ko ng Maligamgam na Tubig mula sa Gripo. kaya Katamtamang Init lang Ang pinaligo ko sa Kanya. Matapos ko siya Mapaligo, Binihisan, Nilagyan ng BabyPowder. ibinalik ko siya sa Pagkakahiga sa Sofa at Pinadede ko na ng Gatas. Kaya Nag almusal ako, Itong si Kenta Napakaingay sa Labas. Kumakanta Na Hindi ko Alam kong Anong Kanta yun Imbento yata ng Lyrics niya. Kaya Umiyak tuloy Ang baby sa Sala. Tinigil ko ang Pagkain ko At Binuksan ko ang Pintuan. "Andyan ka pa pala.? Ang Ingay ingay mo. Umalis ka Na Dito, Baka anu pa sabihin ng Mga Kapitbahay na May Baliw sa Labas ng Bahay.." inis kong Pagsaway kay kenta. "Tangalin mo kasi muna Yang Harang sa Pintuan mo Supremo, tutulongan kitang Alagaan ang anak ng Maharlikang Prinsesa." Sabi nito na Parang Nagmamakaawa. Sabihin na nating Mukhang Tuta na Pinipilit mag Pa cute ng Loko. "Ok sige, papasukin kita, Pero Dapat sundin mo Ang patakaran ko sa Bahay, Babantayan mo ang Bata At Wag na wag kang MakikiAlam ng Gamit ko, At Isang Kondisyon Kapag Gabi Na nandidito ako, Sa labas ka ng Bahay. nagkakaintindihan ba Tayo Kenta?" PagpapaAlala ko sa Kanya. at Sumang ayon naman ito. Kaya Tinangal ko ang Green na Panyo sa Pintuan at Winalis ko ang Asin sa Mga gilid para MakaPasok na Si kenta. Siya na nag babantay ng sanggol, Ako nakakapag pahinga at Nakakapag duty na rin ako sa trabaho. Kaya nga Lang Laging Ubos ang Mga Itlog na Pagkain ko sa Ref. itlog lang kasi ang Kinakain ni Kenta. Ayaw niya ng kanin. Isang Umaga non Nanood ako ng Movie sa Dvd Ko sa Sala. Nanood din si Kenta Habang Karga Karga Niya Ang Baby. Para siyang Sira Ulo kasi Full Metal Jacket yong pinanood ko, Gyera. Habang nagbabakbakan Nagugulat siya at yong galaw na Siya ang Umiilag. kaya Nainis akong minasdan siya at Sinaway. "Tumigil ka Mabitawan mo yang Bata oi, Palabas lang yan." At tumingin Si kenta sa Akin. "Bakit mahilig kayo manood ng Mga Ganyan Supremo? Hindi ba kayo natatakot na pwedeng Magkakatotoo yan.?" Tanong niya sa Akin. "Baliw Paano magkakatotoo yan, Eh Shooting lang yan. Pag Pinindot ko tong Power ng Remote patay lahat yan.." Inis kong Sagot sa Kanya. "Anu ho ba yang Bagay na Nasa Kamay niyo supremo ? Anong Uri ng Sandata yan? " Pakiramdam ko Sasabog ulo ko sa mga Tanong niya, Bakit pa ako mag ttyagang mag explain sa Itim na Engkanto nato. "Kinausap lang kita andami mo ng Tanong, Oo sandata ito. Pumapatay at Bumubuhay ito ng Mga Appliances. Gusto mo Subukan ko sayo.?" Ang Ignoranteng Kenta Natakot, "Wag Supremo Di na ako magtatanong.." Napailing ako sa Reaction niya, Parang Gusto ko matawa na pinigilan ko lang. Remote Control lang Natakot na? Pokpokin ko kaya siya nito ng Mataohan. lumipas pa Ang iilang Araw, Umaga ulit non Linggo RestDay ko, nagising ako Dahil parang May Nagluluto sa Kusina. Chineck ko muna ang Baby sa Tabi ko at Tulog na Tulog pa ito. Kaya lumabas ako baka si kenta ito na Pumasok na sa Bahay at Kung ano anu na ang Pinagagawa. Ngunit nagulat ako sa Bumungad sa akin paglabas ko sa Kwarto... "Kumain ka Na Mahal kong Bana, Pinagluto na kita Para di ka na Mahirapan mag luto, Halika na Kain ka Na.." sabi niya na nakaNgiti Habang inaayos ang Plato, at nilalagyan ng Kutasarat Tinidor. Lumingon lingon ako sa Paligid ng Sala, Wala si Kenta. "Pinabalik ko muna si Kenta, Para Maging Mata at tenga Ko doon kung Sakaling Mapansin ni ama na Wala ako doon." Pagsasalita niya Ulit. "Tinatanong ba kita? Ang ingay mo, May natutulog pa. Anu yang Niluto mo? baka nilagyan mo ng Gayuma yan o kaya Lason.." Sabi ko sa Maharlikang Diwata na NagSalubong ang kilay. Dumaan ako sa Gilid niya at tinahak ang Lababo at Naghilamos at nagmumog ako. Pagkatapos ko non Lumingon ako Ng Biglang Nasa Harap ko na siya. "Bakit Ang Sama ng Ugali mo? Ikaw na nga Pinagluto ko. Dahil sabi ni kenta Ikaw na nagluluto nagbabantay pa ng Bata. Tinutulongan na nga kita Ikaw pa tong Nagsusungit. Tingin mo ba Tatablan ka ng Gayuma? Lason Oo.." pagkasabi niya ay Halos idikit niya ang mukha niya sa Mukha ko. "Anu yang ginagawa mo? (kinakabahan ako sa Titig niya) Paraan kakain ako.." sabay iwas ng Mukha ko sa konting konti nalang lalapat na ang Labi niya Sa Mukha ko. "Bakit Natatakot ka? Puting Tupa ka di ba? Hinahamon kita Alagad ng Diyos.." Halos pabulong niya sa tenga. "Lumayo ka nga, Andito ka ba Para maghanap ng Gulo?" Nakapikit na ako dahil Nagtitimpi ako sa Galit ko na nararamdaman pero Tila napipigilan ito ng Hindi ko alam. Ngunit Biglang Umiyak ang Sanggol sa Kwarto Kaya Dumistancia na siya. Nakahinga ako ng Maluwag at Para akong Nabunotan ng Tinik. "Ako na kukuha, Hindi pa Tayo Tapos..." Sabi niya sabay Talikod at Pumasok sa Kwarto ko. Ako naman parang Gulay na Nanlalambot na Humakbang Palapit sa Lamisa. Tiningnan ko ang niluto niya para sa Akin, Kaya umupo ako at Kumain. Pagsubo ko Ay Nailuwa ko kaagad. Ang Tabang..Walang Lasa.. Tiempo Lumabas siya ng Kwarto na karga ang Baby. "Kung ayaw mo niluto ko Huwag ka na Kumain, Andami mo ng Kasalanan sa Akin, Iniinsulto mo na Ako." Galit na Nanlilisik ang Mata niya. Kaya Umiyak ulit ang Sanggol. "Ang Tabang Kaya nito, Wala ka bang Panlasa? Magluluto ka na lang Hindi pa Masarap... ah oo nga pala Takot ka nga pala sa Asin.. Nilagyan mo na sana ng Magic sarap. Tutal mahilig ka sa Magic Pero Hindi ka Masarap." Biro ko lang yun Masyado na kasi Siyang Seryoso at Parang Konti nalang Na gatongan ng Pag iinsulto Liliyab Na. Nilagay niya ang Sanggol sa Sofa at iniwan niya itong Umiiyak At Galit na Tinungo ako sa Kusina Habang Niluluto ko ulit yong Niluto niya na nilalagyan ko na ng Panlasa. pagkalapit niya ay Kinabahan na ako.. "Oh teka muna Nagbibiro lang ako, Masyado ka Naman sensitive Na Diwata.." Habang Umaatras at napasandal sa Dingding Ng kusina. "Insultohin mo pa ako.. Kanina ka pa," Sabay Sinakal niya ako. Hindi ako makaHinga Pero bakit Di ko siya kayang Labanan, Hinahayaan ko lang Siya na Saktan ako. May Tumulo na luha sa Mata niya, At Buti nalang Dumating si Kenta. "Nag aaway ang mag Asawa, Tigil niyo yan. Mahal na Diwata, Nagbabalak Na namang Lumusob ang Iyong Ama Laban sa Mga Puting Tupa, Hinahanap ka Rin ng Ama mo. Buti nalang At sinabi ko na Namamasyal ka sa Lupang Binabantayan mo." Sabi niya na Papalapit sa Sofa at Kinarga ang Sanggol. Binitawan ako ng Maharlikang Diwata at naubo ako nong bitawan niya. kaya Uminom ako agad ng Tubig. Pinatay ko yong Niluto ko sa Stove, At Umupo ako sa Upuan. Nakatingin ako sa kanya na Hawak hawak ang Leeg ko. Ang Sakit ng pagkakasakal niya sa akin. parang Balak niya talaga akong Tuloyan ah. "Kailangan mo ng Itakas ang Bata, Kailangan ngayon na. Baka Nasundan si Kenta. Nararamdaman kong Nasundan si Kenta." Sabi niya na Nakatitig sa Sahig. "Itakas? Di na, Safety na siya dito. Magkakamatayan muna bago nila makuha ang Anak ko. Tsaka Pinaghandaan ko yan. Binigyan ako ng Panlaban ng Mga Pinsan ko na anak ng Maestro. Subukan la..." Sagot ko sa kanya pero di ko naituloy dahil Sumabat siya kaagad. "Huwag kang Mayabang..! Hindi mo kakayanin pag nalaman nila ang Kinaroroonan ng Bata. Mamatay ka, Makinig ka sa Akin. Ayaw ko Mapahamak ka At Hindi sapat ang Panlaban mo. Dahil lahat ng Kawal ni ama Ang Ipapalusob niya dito madadamay tong Mga Kapitbahay niyo o maging ang Syudad nato. Marahil sa Mga Oras na to. Nagmamasid ang Nakasunod kay kenta.." Galit na Pagkakasabi niya, Kaya Hindi na ako nag Aksaya ng Segundo o Oras dahil nabahala ako sa Sinabi niya. Hindi ito isang biro lang Dahil seryosong seryoso Ang Mukha Niya. Tinawagan ko si Buddy at Partner kaagad, Si Partner lang Ang sumagot dahil Nabusy si buddy sa trabaho niya. "Umuwi ka muna dito sa Bahay saglit, Makikisuyo ako sayo, Kunin mo dalhin mo dyan ang Sanggol please..Nalalagay na kami sa Panganib." Pakiusap ko kay Partner. At Hindi ako tinangihan ni Partner kaya Agad itong Bumiyahe papuntang Cagayan de oro mula Lanao del Norte. Alam ni Partner na nandito rin kasama ko ang Maharlikang diwata at ang Kawal niyang si kenta. Kaya Nong Dumating Si Partner at Nagtagpo sa Kauna unahang Pagkakataon, Ang Maharlikang Diwata at si Partner Akala ko WorldWar Ang Magaganap. Pero Hindi halatang Takot si Partner kasi alam niyang Hindi normal na Tao ang maharlikang Diwata. Nagulat nga ako dahil ang Gaan ng Pakikipag halobilo ni Partner kay Maharlikang Diwata. Lalo na Yong Ang Maharlikang Diwata mismo ang NagAbot kay Partner ng Sanggol. Para silang Mag bestFriend Dahil Puro nakangiti ang Dalawa. Hmmm Plastikan siguro best actress ang Dalawang To malamang. Sabi ko sa Isip ko. Ako naman hinanda ko ang Gamit at Gatas ng Sanggol na Dadalhin ni partner. Pinadala ko rin kay Partner ang Panyo kong Green para protection nila. "Kailan ka susunod sa Lanao?" tanong ni Partner. "Kailangan ko muna mag File ng Leave, Kapag nakakuha na ako susunod ako kaagad sa inyo." sabay Halik ko sa pisngi ni partner at sa sanggol na hawak niya. "Mag iingat kayo, Aalalayan kayo ni Buddy, Ibigay mo kay buddy ang Panyo. Alam niya paano gamitin yan." Paalala ko kay partner. "May nagseselos na malaking ibon..." pakantang pagpaparinig ni Kenta na alam kong tinutukoy niya ay ang Maharlikang Diwata. "Aalis na kami, Ingatan mo ang Anak ko, Pakiusap," Sabi ng Maharlikang Diwata kay Partner at Binigyan ito ng Pera para sa Pangangailangan ng Sanggol at dagdag pamasahi na rin. Hindi ito tinangap ni Partner Dahil sa akin ito Humingi ng pera at ako nalang nagbigay. Una umalis sina Kenta at Ang Maharlikang Diwata. Naiwan muna si Partner at ang sanggol, "Aalis na kami, Basta Susunod ka doon ha.. Mag iingat ka dito, Wag mo na patagalin na makakuha kaagad ng Leave. Nag aaalala ako sayo dito." Pag aalala ni Partner. Bago sila umalis Hinalikan ko muli ang Sanggol, "Doon ka muna anak ha. Para sa Kaligtasan mo.." Pagkasabi ko nito ay Nakaramdam ako ng Lungkot. Lalo na nong Umalis na sila, Hinatid ko sila sa Sakayan. Pag Uwi ko NapakaTahimik ng Loob ng Bahay, Lalo akong Nalungkot nang maalala ko na sa Sofa ko pinapahiga ang sanggol palagi. Nanood ako ng TV para mawala ang lungkot ko. inaamin kong Namiss ko kaagad ang Sanggol. Nakatulog ako sa kapanonood ng TV. Nagising ako na Halos Gabi na at Naghanda ako ng Pagkain para sa Haponan. Ng bigla akong Nakaramdam ng Panganib. Kaya Dali dali akong pumasok sa Kwarto at kinuha yong Langis na binigay ni Ate Bening. Umiinom ako ng Konti non, Ang Sama talaga ng Lasa. Nangako na ako dati na hindi na ako iinom ulit ng Langis nato pero Dahil kailangan na kailangan Sisirain ko muna ang Pangakong yun. Nagpahid na rin ako ng X7 at Hinanda ko ang Saliko na may Latin, sa Loob ng Aparador. Nasa kusina ako at pinagpatuloy ang Ginagawa ko. Hanggang sa Kumain na ako. Pagkatapos kong Kumain, nagyosi muna ako. Tsaka naisip ko na Lagyan ng Asin ang Pintuan, Ngunit bago pa ako makalapit sa Pintuan Sinalubong ako ng Malakas na Hangin at Pumasok ito sa loob ng Bahay. Tumilapon ako at Napasalampak sa Sahig. Pumasok ang Mga Itim na Engkanto. At Hinaloghog ang Boung bahay Parang Nag Raid ng Totokhangin ang Mga Kawal, Ginulo nila ang Gamit ko. Kaya nong Nasa Sala sila Lahat. Inabot ko ang Saliko na Hinanda ko sa Upoan na nasa malapit lang na Lamisa sa Kusina. Naisoot ko ito kaagad. Wala na akong maalala kasunod non , At Nong Magkamalay ako. Wala na ang Mga Itim na Engkanto at Tanging Magulong magulo na Gamit ang Bumungad sa Akin. "Anu kaya ang Nangyari, Asan na Yung mga Yun?" Sabay Hinubad ko na ang Saliko na aking isinoot, Inayos ko ang mga Gamit na ginulo ng mga Itim na engkanto sa Loob ng Bahay. Tinext ko sina buddy at partner kaagad para Kumustahin ang Sanggol. Agad din naman silang Nag Reply Maayos daw ang Baby doon. Yun nga lang May Nakakatakot silang Napapansin dahil Kahit tulog daw ito Ay bigla sila makakarinig ng Tawa at iiyak. Ngunit pag Tiningnan nila tulog daw. May Sinabi pa si Buddy sa Akin na nong Makita daw niya ito ay Nilalaro daw niya. Sabi niya Tinanong niya ang Baby kung Gwapo daw siya Bigla daw siyang Sinampal. loko loko tong si Buddy.. Baby ? Nananampal? Tawa ako ng Tawa at nakalimutan ko ang nangyaring nilusob ako dito ng mga Engkantong itim. May itinext pa si Buddy sa Akin na Nakita daw niyang Tumayo ang Baby Saglit, Nong Ewan ito ni Partner dahil nag Timpla ng Gatas. At siya daw inutusan ni partner na Tingnan ang Sanggol. Natakot daw siya sa nasaksihan niya dahil nginitian daw siya nito at Mabilis na Humiga ulit at Natulog ng Bumalik si Partner. Kaya Sabi niya sa Tx sa akin "Bayaw Mala maligno tong anak mo, Sinadya mo yata ilagay to dito noh para Nerbiyosin kami. Ang sama ng Ugali mo Bayaw.. makikipag inoman talaga ako ngayon kina moi at erwin Para makatulog ako maaga."Natawa ako sa Tx ni Buddy sa Akin. Sinadya ko daw, Loko talaga tong c buddy.
Pagkabukas non, Bumili ako Ng isang Kandila na Pula. At Nagsindi ako Sa Altar, sinubukan ko yong itinuro sa akin ni Bong na Magagawa daw namin Malaman ang Nasa Malayo sa Pamamagitan ng Pag Connect sa Kapwa namin Puting Tupa. Kailangan Hindi Tawid Dagat kasi Hindi ito e epekto. Kaya Ginawa ko yon at Ang Ritwal nito, Natagpuan ko kaagad ang Bukas na Pandama ni Buddy at Nakikita ko mula sa Isip ko ang Nakikita ni Buddy, Sinadya ko yun para Malaman ang Kalagayan ng Sanggol. Pagkatapos non pinagtripan ko na si Buddy sa Pamamagitan ng Tx. Natakot siya dahil nalalaman ko ang Ginagawa niya at Ang Nasa Paligid. Sinabi ko na Ituturo ko ito pag Nakapunta na ako ng Lanao del Norte,
Hanggang Dito muna Ulit mga Avid Readers, Mag Tatrabaho muna ako. Abangan niyo uli ang Kasunod ng Kwento Dahil lulusobin ako Ng Haring Engkanto mismo...
Ito ay Nakakatakot na tagpo Dahil Madadamay niya ang Bisita ko na Nasa Bahay ng Oras na Yun.
Salamat ulit sa Patuloy na Pagsuporta sa Aking Kwento mga Kaibigan. God Bless sa Ating Lahat,
Silent Rasta
Ps: Respeto sa Kapwa Tao. At Maniwala at magtiwala tayo sa Diyos ama na Gumawa sa Ating Lahat.  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon