Pinamumugaran ng Mga Engkanto (Part 1)

1K 14 0
                                    


Kamusta mga Spookify Readers ? Handa na ba kayo Ulit Magbasa ng mga Kwentong Nakakatakot? Magpapasalamat na naman ako sa inyo at sa Admin ng Page. Tara at Samahan ang kasunod na mission na Naman namin ni Buddy, kakaibang mission ito dahil mga laman lupa ang Na encounter namin, at aaminin kong nahirapan ako at si Buddy dito. Tara at samahan kami sa kwento na sanay kapupulotan niyo ng konting kaalaman...
Matapos nong nakaraan naming paghaharap sa mga Kulto na satanismo at sa Sinasamba nila na nilagay namin sa dapat niyang kalalagyan. At ng sa ganun ay di na makapanghasik ng Kamalasan sa lugar nila ni buddy.(pero expected pa rin namin na kahit anong oras at araw o panahon ay magbabalik sila Dahil hanggat may kasamaan dito sa mundo, Hindi matatapos ang Paghahasik ng mga Kababalaghan nitong mga kampon ni Lucifer). Tatlong linggo kami ng pamilya na namumuhay ng Normal, walang Kababalaghan at Kung ano mang kamalasan ang Naranasan namin. Naka binta si Buddy ng Kalabaw niya (Parte niya yun bilang anak). at ang pera ay pinagawa niya ng sariling bahay niya dahil magbubukod na daw sila ng tirahan ni Karla. kaya kami nina Moi, at Erwin, Tinulongan namin ang aming mahal na bayaw. Ginawa pa talaga niya akong Carpentero non kahit alam niyang di ako marunong, pinasubokan lang niya para makitang mapokpok ang sarili kong daliri at pagtatawanan nila ako. ang bait ni bayaw no?
[FastForward]
Sa loob ng Tatlong linggo na yun na Normal ang aming pamumuhay, Isang Araw nakaTanggap ako ng Tawag mula sa isang Number lang, kaya sinagot ko naman. "Hi.. Nakikilala mo pa ba ako,?Superman?" Familiar na boses at iisang tao lang sinabihan ko ng Joke na Ako si Superman. "Nurse Mitch..? sabi ko na nga ba. anong maipaglilingkod ko sa iyo Kaibigan?" Tanong ko at habang nakatingin ako kina Moi at Erwin na naglalagari ng Kahoy para sa Dingding ng bahay ni Buddy. (Si buddy umalis kasi at may biniling materiales nong mga Time na yun) "May favor sana ako sayo Superman, maari ka bang makapunta dito sa amin. Gusto ko kasing patingnan ko sayo yong ate ko. May kakaiba kasi sa sakit niya Dinala na namin siya sa Hospital, pero Walang nakitang Sakit ang mga Doktor. Nong pinatingnan ni Papa sa Mangagamot ang sabi na Kulam daw. eh...wala naman siyang naka Away o nakagalit kahit ang pamilya namin. naalala kasi kita na may kakaibang abilidad, Hindi kasi gumagaling hanggang ngayon yong ate ko..kawawa na mga anak niya iyak ng iyak sa kalagayan ng ina nila.." Sabi ni Nurse mitch sa akin na halatang naiiyak ang boses sa kabilang linya. "Hindi ako mangagamot Kaibigan. Tsaka Hindi ko maipapagaling ang ate mo. kung kaya ko lang sana, Naipagaling ko na sana ang pinsan ng partner ko.(si kuya elyong)." Malungkot kong pagtangi kay Nurse mitch. "Sige na please, Nagmamakaawa na ako sayo, Sinabi ko na kay papa ang tungkol sayo. Handa siya magbayad kahit magkano, magamot mo man o Hindi Subukan mo lang. please Superman..please.." umiiyak na pakikisuyo ni Nurse Mitch sa akin. Nakaramdam ako ng Konsinsya nong mga Oras na yun at nagdadalawang isip talaga ako, Hindi naman kasi ako mangagamot eh. "Hoyy..! sino kausap mo dyan napaka seryoso mo ah.. sino ba yan..?" Dumating si buddy at tinapik pa ang likod ko, "Yong Nurse sa Hospital, mamaya ko na sasabihin sayo buddy. kakausapin ko muna to." Bulong ko kay buddy at tumango lang ito at tinulongan na sina Moi at erwin. "O anu na? pumayag ka na please.." nagsalita muli si Nurse mitch sa kabilang Linya. "Saan banda ba yang sa inyo? isasama ko ang bayaw ko, ayaw ko kasi pagdudahan nila ako kaya isasama ko siya. at tsaka Pinapaalala ko lang,..Hindi ko maipapangako na Magagamot ko ang ate mo, Bukas na bukas din Pupunta kami dyan.. tsaka maari ba wag mo na akong tawaging Superman Nakakahiya.." Pumayag ako sa pakiUsap ni Nurse mitch dahil naawa ako sinabi rin niya yong lugar nila para malaman ko saan banda sila nakatira. at nong natapos kami mag usap, Bumalik na ako sa pagtulong kina Buddy. At ikenwento ko na ang pakiusap ni Nurse mitch kay buddy. Buti nalang at Pumayag si Buddy sa pakiusap kong samahan niya ako. Pero ang Kapalit non Ginawa niya talaga akong Laborer na inutus utosan ako ng mokong na buddy, Kaya sunod sunoran na lang ako.
[Pagkabukas...]
Nagpaalam kami ni Buddy na magsasama kaming bibili ng Ready made na Pintuan sa hardware, Nagdahilan na kami para lang hindi mapagdudahan. 50minutes na byahi lang kasi malapit lang ang barangay nina Nurse Mitch, at nang marating namin ito agad kaming sinundo ni Nurse mitch at ng Kapatid niyang babae rin. matatanaw kasi yong bahay nila sa highway din..Off duty na si Nurse mitch non dahil pangabi yong duty niya. "Akala ko di ka talaga darating, nag tx ako di ka nag rereply.." nakangiting sabi ni Nurse mitch. Ngumiti lang ako sa sinabi niya pero si buddy.. "Hi Nurse..! andito rin po ako, Kundi dahil sa akin Hindi makakapunta si Bayaw dito.." sabat ni buddy na umakbay sa akin. At pumunta na kami sa bahay nila para Tignan ko ang kalagayan ng Ate ni Nurse Mitch, sa labas ng pintuan andun ang papa niya nag aantay sa amin, Mukhang masungit o strikto ito pero nong nginitian kami eh kumalma yong kaba ko. Pinapasok niya kami sa bahay nila kaagad at pag pasok pa lang namin parang hinihila na ako palabas. parang may kakaibang pwersa na Hindi kami welcome sa loob ng bahay ang naramdaman namin. nasa sala ang ate ni Nurse mitch nasa 38 o 40 na ang edad nito. nakahiga, NakakaAwa ang Kalagayan Dahil parang na Stroke yong Mukha pero nakakagalaw naman mga kamay at paa niya. nakabuka ang bibig nito dahil Lumubo yong Dila, Sobrang lumaki talaga ang Dila nito (pasintabi po sa mga kumakain) naglalaway ang bibig dahil hindi niya naisasara at lumuluha yong mga mata..NakakaAwa Talaga pahirapan silang pakainin daw ito kaya Gatas lang.,at kailangan pang alalayan. Agad akong nagdasal at hinipan ko ang mga palad ko. at hinipo ang braso niya at inilayo ko ang palad ko kaagad napaso ako.. nagulat ako sa sobrang init, kaya hinipo rin ito ni buddy at Ganun din napaso din si buddy. Pero pag sina nurse mitch o yong mga anak ng ate niya Hindi nila nararamdaman. Kaya nagRequest ako na Kumuha ng Tawas at Kamanyan o insenso, uling at itim na kandila yong perdon..Pati walis tingting na hindi pa dapat nagamit sa pagwawalis, kaya bumili sila.. nong mabili na nila lahat ito Sinimulan kong ipahid yong tawas sa katawan ng ate ni nurse mitch at pinasindihan ko kay buddy yong itim na kandila. Pinasindihan ko rin yong uling hanggang sa bumaga.. at nong bumaga na ang uling nilagay ko yong Tawas na pinahid ko sa katawan nong may sakit, At nagsimula itong Kumokulo, at sumabog sa harap namin.. "Hindi Kulam ito..! Pinaparusahan siya ng pinakamalakas na Engkanto..." Sabi ko sa kanila, Pero ayaw maniwala ng ama nila at sinabing kinulam daw talaga ito dahil yun daw sabi nong mangagamot.. "Papatunayan ko po sa inyo na Hindi Kulam ito. Mali ang sinabi ng Mangagamot na kinuha niyo.. Ikuha niyo ako ng Itlog na Kapapangitlog pa lang na Bisayang Manok.." Nong sinabi ko yon agad naman kumilos ang ama nila at naghanap sa kapitbahay nilang may mga alagang bisayang manok. Nong makakuha sila Pinakita ko kaagad ang nakakapangilabot na masasaksihan nila. "Itong itlog na ito ay ipapatong ko sa kamay ng maysakit, pag Kinulam, tatalon ito at pag pinarusahan ng Engkanto, Mababasag ito pero walang laman na ang itlog." Pinakita ko sa kanila at pinaalog ko muna para masiguro nilang may laman lalo na kay Nurse mitch, Kitang kita ko sa mukha niya ang Takot o mamangha siya sa makikita niya. kahit si Buddy Natutulala.. bago ko ito ipinatong sa kamay ng maysakit ay dinasalan ko ito hinipan. inutusan kong ibuka ang palad ng maysakit at ibinuka niya At ipinatong ang itlog sa kamay niya. "ipakita mo sa amin kung nakulam o parusa ito Ngayon na.." at Bigla itong nabasag na pinong pino walang laman ang itlog..? marahil tatanongin niyo asan na yong laman.? kinain Siguro ni buddy.?..Joke, ! seryoso tayo...Nawala yong laman ng itlog dahil ito ang paboritong pagkain ng mga engkanto. Kaya kinuha ko yong walis tingting na hindi pa nagagamit at pinausokan ko dun sa may uling na nilagyan ng kamanyan, at dahan dahan kong hinampas sa mga paa ng maysakit at sa mga braso niya at inustusan ko si buddy na ilabas ang walis tingting at sunugin ito na dapat maging abu lahat walang konting matitirang parte, ginawa naman ni buddy, pagkatapos non nagpakuha ako ng tubig na ilalagay sa tabo at nong binigyan na ako dinasalan ko yong tubig at pinahawak ko ang itim na kandila sa maysakit at sinabi kong ipatulo niya sa tubig ang kandilang itim, nasaksihan ng lahat ang hulma ng kandila sa tubig, Isang malaking Puno ito na at napakalaking puno. kaya tinatanong ko sa kanila saan may malaking puno sa lugar nila...
at bago natin pagpatuloy,
Yong sinabi ko kanina na pagpasok pa lang ng bahay nina nurse mitch , naramdaman ko na ang Sumpa na nakapalibot dito at Hindi ganun ang pakiramdam ng may nakulam. Abangan niyo ang Pakikipagharap namin sa Mga Kakaiba at mga Salbahing engkanto.. Maraming Salamat at God Bless ulit sa inyong lahat,
Silent Rasta
Ps: Sa mga nakakakilala na sa akin, pls keep a Secret. Si Buddy na bahala sa inyo. Nakatangap kasi ako ng Threat galing sa ibang nilalang Kunwaring Tao, daw siya pero Di niya malilinlang ang kagaya kong kawal ni Maestro.  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon